Lumapit naman sa akin si Hannah na may inis nang wala na si Angelo
"Anong sinabi mo kay Angelo?:
"Wala," pagdedeny ko. Natakot akong awayin ng babaeng patay na patay kay Angelo. Nakakatakpt ang tingin noya na para akong sasakmalin dahil sa inis.
"Bakit umalis?" may inis sa tono ng salita niya. Parang ang laking kasalanan ang nagawa ko sa kanya. Kasalanan ko bang weak yun at pikon?
"Ewan ko. Sundan mo na lang at papasukin ulit," utos ko sa babae dahil sya ang habol ng habol doon.
"Bakit ako? Ikaw na. Inaway mo yata. Sundan mo kundi, hate na kita."
"Oo na para sa lalaki mo," inis na sabi ko sabay tayo ko. Sinundan ko palabas ang lalaki at nagfeeling guilty ako sa sinabi ko. Ang dali nyang ma-offend pero panay pang iinis niya sa akin.
Agad akong lumabas ng grill at hinanap ang Angelo na nagwalk-out. Pero wala ito sa labas. Luminga ako sa kaliwa at kanan ngunit wala ito. Sa palagay ko umuwi na. Parang sira.
"Hoy. Hinahanap mo ako?" bulong nito sa aking tenga na kinagulat ko.
"Hindi no. Bakit naman kita hahanapin. May iba akong hinahanap."
"Akala mo ba uuwi na ako dahil lang sa sinabi mo? Patatawarin agad kita dahil gusto kita."
"Kapal mo," sabay tampal ko sa noo niya sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Naglakad na ako pabalik sa aming mesa.
"Ihahatid kita mamaya ha," makulit talaga sya. Ayaw akong tantanan kahit tinatarayan ko na. Nilingon ko sya saglit at sinagot.
"Ayoko sa amoy."
"Anong amoy?" biglang tanong niya at pinutol ang sasabihin ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso. Napansin kong nagpalit siya ng white shirt at amoy pabango na sya.
"Sabihin mo kung anong amoy." bumulong nanaman sya sa akin. Ang hilig nyang lapitan ako ng sobra. ah oo pervert nga pala.
"Amoy yosi. Akala mo hindi ko pa rin maaamoy. Sana nagpalit ka rin ng balat mo," mataray na saad ko kahot di na gaanong amoy ang sigarilyo sa kanya.
"Ang sensitive ng ilong mo," pinisil nya ito ng bahagya at napaiwas ang mukha ko.
"May hika kasi ako. Kaya kung ayaw mo akong mamatay, hwag kang lumapit."
"Hindi naman to nakakamatay. Ang arte," natatawang saad nya. Hindi nya yata alam na masama ang second hand smoke.
"Ewan ko sa’yo," inirapan ko lang sya.
Umupo ako sa upuan sa bandang hulihan kaya si Angelo ay napaupo sa unahan na katabi muli si Hannah. Lumipat doon ang babae para makatabo syang muli. Wala na itong magawa at mukhang bored na sa mga kwento ng babae. Katabi ko na ulit si Dina at nag-uusisa sa mga nangyayari sa labas ng bar ng habulin kp si Angelo na di naman pala talaga umalis.
"Kita mo naman na like ni girl si boy at ikaw like ka ni Boy."
"Not really. Baka iniiwasan lang yung girl na makulit kaya kinukulit nanaman ako."
"Weh. Di nga? Bakit nilapitan ka pa sa unahan kanina? Gusto ka talaga nya."
"Hindi naman. lakas trip lang nun."
"I know you know. Deny ka pa."
"Ang intrigera mo. Wala naman nga," ayokong isipin na may gusto sya sa akin. Ayokong mag expect at umasa.
"Fine. Wala kung wala. Madali akong kausap."
Natahimik na lang ang grupo at nakikinig na lang sa banda. Wala nang nagkukwentuhan at panay inom na lang ng drinks. Sana maubos na at para mag-uwian na kami.
"Anong oras tayo uuwi?" bulong ko kay Dina at bored na ako.
"Pagkatapos ng kantahan. Gusto mo ng umuwi agad?"
"Hindi naman. Ayos lang," ayokong maging korni kaya wait ko na lang kung kelan sila magyayaya na umuwi.
Lumipat ulit sa tabi ko si Alex at nakipagkwentuhan pa. Si Angelo na likod lang ang nakikita ko. Ni hindi lumilingon at tahimik na nakikinig sa kantahan habang tumutunggga ng alak. Patuloy pa rin sa pagkausap sa kanya si Hannah. Tatawa ng bahagya ang lalaki sabay tutunggga muli ng kanyang beer.
Halos napapapikit na ako sa antok habang nakikinig sa mga kwento ni Alex na nakakabored na.
"Cr lang muna ako," paaalam ko sa aking katabi na lalaki at kinalabit ko si Dina para samahan ako. Nang mapalingon sa amin si Elise ay sinenyasan ko ito at alam nya na kung ano yun. Sumunod na rin ito sa amin ni Dina sa reat room.
Si Hannah na walang malay at tutok lang sa lalaki nya ay iniwan namin.
"Antok na ako. Uwi na kaya tayo.” saad ko sa dalawa nang di ko na mapigilan ang pagkaantok at sobrang bored na.
"Mamaya na. Masaya pa kaya."
"Asus, mukhang nageenjoy si Elise ha," pansin ni Dina sa aming kaibigan. nakikipagkwentuhan itp kay Dion at sa isa pang kasama nilang lalaki.
"Hoy mga bruha, iniwan ninyo ako," mataray na saad ni Hannah pagpasok sa rest room. Nagtampo dahil iniwan namin.
"Ah kasama ka pala namin," pang-iinis ko sa babae na di na kami pinapansin dahil kay Angelo.
"Ang sama nito. Sorry naman na ako kasi ang kausap ni lover boy Angelo. Sabi na sayo na di ka type noon."
"Oo na. Ikaw na ang maganda. Kaya uuwi na ako at antok na antok na ako."
"Bitter ka lang aminin mo na?"
"Sayo? Hindi ha?" pabiro ko itong inismiran sabay tawa ko.
"Matatapos na Alice, mamaya na kasi," saad ni Ellise na nais pang makausap ang katabing lalaki.
"Oo na. Pero konti na lang at papikit na talaga ang mga mata ko."
Sa pagbalik namin sa tabale ay nagpaalam lang ako kay Alex na tutungo sa balikat ni Dina. Naubos ko kasi ang isang baso ng cocktail drinks at agad akong inanatok. Di ko na rin kayang makinig sa mga kwento niya.
"Pasensya na ha. Babagsak na talaga ang mga mata ko," sabi ko pa sa lalaki.
"Ok lang. Makikinig lang ako sa banda."
Nakapatong ang kamay ko sa sandalan ni Dina at nakatungo doon. Di rin naman ako makakatulog pero gusto ko lang pumikit. Ilang minuto lang ay nagkayayaan ng umuwi. Naglalabasan na rin ang mga tao mula sa bar. Nang may humila sa lalaylayan ng damit ko at nakita kong sinenyasan ako ni Angelo na hwag maingay. Dinala niya ako sa back door at ako, napasunod naman mg lalaki.
"Bakit?" tanong ko
"Ang hirap umiwas doon sa kaibigan mo. Gusto pang magpahatid sa akin."
"Eh di ihatid mo. Palay na ang lumalapit ayaw mo pa."
"Hindi ako kumakain ng palay. Babayuhin pa yun saka isasaing. Kanin na ang gusto ko. Ready to eat," sabay kagat niya sa kanyang labi.
"Sira ulo ka. Readu to eat mong mukha mo."
"Oo na. Sira ulo na. Basta ihahatid kita."
"Sinasabi ko sayo ha. Kapag nakita ka ni Papa. Pipikutin ka na noon."
"Sa kanto lang malapit sa inyo."
"Takot ka naman pala. Duwag. Puro ka lang salita at puro kahalayan ang alam mo," pinitik ko siya sa kanyang noo dahil naiinis ako sa kanya.
"Aray, mapanakit ka talaga," napangiti lang ako habang magkaharap kami. Ang pogi nya talaga kahit sira ulo siya at saksakan niya ng bastos.
Sinilip niya ang mga kaibigan namin at ng wala na ang mga ito ay hinila niya na ako sa parking lot. He never touch me. Sa belt loop ng pants ko naman sya ngayon nakahawak.
"Ano ba yan?" sabay hampas ko ng kamay niya. Baka masira ang pants ko sa paghila niya.
Inistart na niya ang motor niya tapos pumuwesto para palabas na ng parking lot. Pumayag na rin ankong magpahayid kesa magbiyahe. Wala na rin akong kasabay dahil itinakas niya ako mula sa mga kaibigan ko.
Humawak ako sa braso niya. Ang firm, shocks. May kuryente akong naramdaman sa aking katawan. Saka sumampa na ako sa likod ng motor niya.
"Humawak ka at baka mahulog ka," paalala nito sa akin. Gusto yatang magpayakap.
"Anong akala mo sa akin weak? Di ako mahuhulog no."
Hindi ako humawak sa kanya pero iniipit ng mga hita ko ang balakang niya para hindi ako mahulog. Pero habang pumapaspas ang hangin sa katawan ko ay nakaramdam ako ng antok. Sumandal ako sa likuran niya pero ang kamay ko ay nakahawak lang sa mga braso ko. Marahan naman ang pagpapatakbo niya kaya hindi ako natatakot at hindi ko rin hinayaan na makatulog ako.
Namalayan kong nasa tapat na ako ng bahay ko pagtigil niya. Bumaba ako at tinanggal ang helmet saka inabot sa kanya.
"Salamat."
"Kita tayo bukas."
"Rest day."
"Date tayo."
"Si Hannah na lang na type na type ka. Yun ang yayain mo."
"Bakit di mo ako type?" prangkang tanong ng lalaki sa akin.
"Ayoko sa f**k boy," prangkang sagot ko naman sa kanya.
"Ako?" natatawang saad niya.
"Hindi ba? Panay babae kaya ang mga kausap mo sa tambayan ninyo. Araw-araw."
"Selos ka? Porket kumakausap ng babae f**k boy na agad? Di ba friendly lang? Tinitingnan mo ako doon palagi no."
"Hindi kita tinitingnan at ganoon kaya yun. Fuk boi yung ganun. Sige na alis na at baka makita ka pa ni Papa."
Pa-start na sya ng kanyang motor ng lumabas pa si Papa.
"Alicia, sino yan?"
"Rider po, Pa. Nagpahatid ako kasi gabi na."
"Gwapo ha. Papasukin mo muna." saad ng aking amang pasaway.
"Papa, rider nga po ito."
"Iho, ikaw na ang laging maghatid sa anak ko," di nakatiis at lumapit pa sa amin si papa.
"Papa naman porket gwapo, ipagkakatiwala mo na ako agad sa lalaking ito. Di mo naman ito kilala."
"Para gwapo ang maging mga apo ko. Ok sya sa akin Alice. Pwede na yan."
"Nakakahiya ka papa," sabi ko sa aking ama. "Alis ka na," taboy ko kay Angelo na nakangiti. Natuwa ang loko sa papuri ni papa na gwapo sya.
"Alis na po ako," paalam pa nito sa aking ama.
"Ingat ka iho sa pagmamaneho. Dahan-dahan ka lang. Welcome ka sa bahay kung gusto mo ang anak ko."
Hinampas ko ang papa ko sa braso saka hinila na papasok sa bahay.
"Papa talaga. Baliw."
"Wala man lang nanliligaw sayo. Yung dati mong boyfriend hiniwalayan mo pa."
"Bata pa naman ako. Pinamimigay mo na ako agad. Tapos kung kani-kanino pa. Doon pa sa rider na di mo pa lubos na kilala."
"May trabaho na gwapo pa. Pwede na yun. Marangal ang trabaho niya."
"Bahala ka dyan. Akyat na ako ang good night." iniwan ko na sya sa baba at umakyat na ako sa taas sa aking kwarto.