Lunch break ng tingnan ko kung may mensahe si pervert stalker.
ANGELO: Masaya ka bang nasasaktan ako, babe? Sadista ka ha.
Napangiti ako at napansin agad ni Hannah amg ginawa ko. stalker ko na rin yata sya.
"Sino yan? Si AD ko ba yan?" tanong nitp sa akin.
"Hindi. Ngingiti ba ako kung sya ang nagmessage? Inis nga ako dun di ba? May nabasa lang akong nakakatawa," sagot ko sa kanya. feeling naman boyfriend nya na si Angelo at bawal na akong makareceived ng message mula soon.
"Don’t ever think of texting my love," banta nito sa akin.
"Never! Sayong-sayo na sya," inis na saad ko sabay irap ko sa babae.⁹
Friday at over time day ko nanaman nga pala. Bwisit baka nasa labas nanaman sya. Pag-alala ko dahil inis na ako sa kakulitan ng lalaking pinagtitripan ako.
ANGELO: Angkas ka na. Ride on me babe. Hatid kita. Maraming bastos sa daan
Malaswang text nanaman ng pervert na yon bago pa man matapos ang over time ko.
Sya kaya itong bastos. Bakit kaya di sya magtext ng ayos o kaya nakakakilig na message para samahan ko sya? Baliw na lalaki. Ganyan ba talaga siya?
I decided to confront him kung sakaling nasa parking area siya at naghihintay sa akin. Nakakainis na talaga ang pagmemessage nya sa akin ng ganito. Di ko na kaya ang pangbabastos niya sa akin at gisto kong tantanan na niya ako.
Sa paglabas ko ng alas nueve at katatapos lang ng over time ko ay napansin kong naroon nga sya at nakaupo sa motor niya ngunit may kausap siyang babae. Nagngingitian sila at panay ang pagfi-flirt sa isa’t-isa. I decided na di muna sya kausapin at hwag na lang pansinin Dumaan ako ng hindi sila nililingon at di naman ako tinawag o hinabol nito kaya nagdiretso lang ako sa sakayan ng jeep.
Ang landing lalaki. Lahat na yata ng babae gustong harutin at pinakikita nya pa palagi sa akin. May pa babe babe pang nalalaman na itawag sa akin. Marami naman pala syang babe.
ANGELO: Labas ka. usap tayo.
Nakauwi na ako sa bahay at kumakain ako ng dinner ng mabasa ko ang message ni Angelo.
ANGELO: Lalabas ka o kakatok ako sa gate ninyo?
Bwisit ka. Nananakot pa talaga ang lokong ito.
Agad akong tumayo at lumabas sa gate para puntahan sya. Ayokong makita ulit sya ni Papa.
"Hoy manyak na stalker anong ginagawa mo dito? Mahinang saad ko at baka marinig ako ng mga magulang ko.
"Hindi kita naihatid kaya pinuntahan na lang kita dito. Yung officemate ko kasi naharang ako kanina. Ang kulit at di ako makaalis. Sorry, babe."
"Wala akong pakielam at ayoko ring magpahatid sayo. Bakit ka ba nandito at paano mo nalaman ang bahay ko? Ipapabaranggay na talaga kitang stalker ka.
"Ikaw na nga ang dinadalaw ayaw mo pa. Stalker nga eh kaya alam kong lahat sayo."
"Hoy lalaki, hwag mo nga akong igaya sa mga babae mo. Stop texting me at di ako sasama sa manyak na katulad mo. At isang text pa na bastusin mo ako, sampal talaga ang aabutin mo sa akin kahit saan pa tayo magkita. Naiintindihan mo ba ha?" banta ko sa makulit na lalaki.
"Alice, may kaaway ka? Sino yan?" ang hina na ng boses ko pero napansin pa rin ni papa na nasa labas ako.
"Ah wala po, Pa. Kasamahan ko lang sa work. May tinatanong lang."
"Papasukin mo kaya," anyaya pa nito at natense naman ako. pinapaalis ko nga si Angelo tapos papapasukin niya.
"Hindi na aalis na po sya," sagot ko kay papa. " Alis na nga," inis na pagtaboy ko sa lalaki.
"Pasok daw ako eh."
"Kapag pumasok ka, pakakasalan mo ako. Gusto mong mapikot ha?" pananakot ko dito para umalis na agad.
"Ano?" pagtataka nito at akala yata nagbibiro lang ako.
"That’s my dad’s rule. Kapag daw may umakyat ng ligaw sa akin. Tututukan na ni papa ng shotgun at ipapakasal na sa akin," dagdag ko pa para matakot talaga sya pero totoong sinabi yun ni papa sa akin.
"Nakakatakot naman ang papa mo. Di ba pwedeng magsyota ka muna? Asawa agad? Sige na aalis na ako."
Natakot ang walangyang manyak at umalis na agad. Wala naman itong message ng gabi at natakot siguro sa pagbabanta ko. mabuti naman kung ganoon at di na ako kukuliyin ng lalaking iyon.
Kinabukasan ng umaga ng makita ko nanaman siya at may kausap na ibang babae. Kita ang saya sa mga mata ng mga babaeng kausap niya. kinikilig at baka malaglagan pa ng kung ano habang kausap si Angelo.
Ano kayang sinasabi nya sa mga iyon na ikinatutuwa nila? Samantalang puro kabastusan ang sinasabi nya sa akin na kina bubwisit ko. Masaya ba silang binabastos sila ng Angelo Dale Rivera na yun? O kaya bakit di nya sabihin sa akin yung mga sinasabi nya sa mga babaeng iyon para kiligin din ako at mapangiti rin niya ako. Trip nya lang talaga sigurong bwisitin ang kagaya kong di ka level ng mga magagandang babaeng kausap niya.
Nasa likuran muli ako ng elevator sa gitnang bahagi nito nang pumasok si Angelo at ang babae. Nasa unahan ko silang dalawa. Nakakapit pa sa braso niya ang babae.
"Excuse me,” saad ko ng palabas na ako sa aking floor. Nagbigay naman siya ng daan para makalabas ako.
ANGELO: Hwag kang magselos sa kanya. Officemate ko lang yun. Medyo clingy pero iiwas na ako sa kanila kung ayaw mo. Di kasi ako suplado kaya ganoon sila sa akin. parang mga kapatid ko lang sila, babe.
"Feelingero talaga. Nagpaliwanag pa talaga," Saad ko sa aking sarili habang nakaupo na sa pwesto ko sa opisina.
Araw iyon ng Sabado. Nagkayayaang kumain sa labas at mag-inom sa isang grill resto after ng work namin. Agad kaming nagtungo sa kainan matapos ang office hour. Bonding naming magkakaibigan ang lumabas tuwing Sabado ng gabi. Pagdating sa lugar ay saktong naroon din si Angelo at ang mga barkada nito. Nakaitim itong shirt at may hikaw ang dalawang tenga. Bukod pa sa labi nito na meron ding hikaw. napansin ko agad sya at pansinin talaga ang itsura nito. Pero hindi ako na turn off sa porma nya dahil bumagay ito sa kagwapuhan niya. Ayoko ng ganoong lalaki dati pero bakit di ako naasiwa sa itsura nito ngayong gabi? Sa office kasi ay wala siyang suot na hikaw dahil bawal.
"Puno dito. Sa iba na lang tayo," saad ko kahit may ilang bakante pa pero may nakalagay sa mesa na reserved na note.
"Wait ayun sina Angelo. Ask natin kung pwede tayong tumabi sa kanila. Apat lang naman tayo at apat lang din sila kaya baka pwede tayong makishare ng table."
"Hwag na at di naman natin kilala ang mga yan. Tsaka baka may iniintay yan na mga girls. May mga kadate yan panigirado,” saad ko at pagdiscourage sa kanila na tabihan ang mga lalaki.
"Ask lang naman natin. Kung wala silang kasamang iba, swerte natin kung pauupuin tayo sa tabi nila." kilig na saad ni Hannah.
"Hwag na nga. Sa iba na lang. Marami pa namang ibang resto dito," pigil ko sa babae na gisto yata talagang makasama ang lalaking iyon pero ako, ayoko syang makasama.
Lumapit na agad si Hannah sa mga lalaki at kinausap ang mga iyon. Di talaga nakinig sa akin. Tumalikod lang ako para di makita ni Angelo na kasama ako at para tanggihan si Hannah. Maya-maya ay lumabas na ang babae kung saan kami naghihintay.
"Girls, ok daw," masayang saad nito na kinikilig pa.
"Ha? Parang gusto ko na lang umuwi," sabi ko dahil ayoko talagang makasama ang Angelo na yun.
"Halika na. Ang arte mo, feeling mo talaga type ka ni Angelo pero hindi naman."
"Sira ka. Wala akong sinasabing may gusto sya sa akin. Ayoko lang talaga syang makita at mas maganda kasi kung tayong apat lang sa table para di nakakadyahe."
"Sige na. Pumayag ka na. Sinabi kong kasama ka kaya sila pumayag na tumabi tayo. sakto nga daw na apat tayo at apat din sila."
"Ha? Akala ko ba hindi ako magugustuhan. Eh bakit ginamit mong pangalan ko?"
"Basta halika na. Umupo na tayo doon," walang imik si Dina at Elisse na naghihintay lang kung papasok kami sa loob ng resto.
"Oo nga Alicia, sumama ka na kasi. Minsan lang tayo makalabas at tsaka ang gugwapo kaya nila.Tabihan na natin," sumabat na rin si Ellise dahil ang talag na namin sa labas ng resto.
Napilitan na rin akong sumama at tumabi sa mga grupo ng mga lalaki dahil namimilit sila. Umupo kami sa tapat ng mga lalaki at nagtabi-tabi na sila sa isang side. Umupo agad si Hannah sa tapat ni Angelo.
"Hi!" saad ng babaeng ito na alembong sa lalaking kaharap.
"Hi!" sagot naman ni Angelo at nginitian ang kilig na kilig na kaibigan namin. Nagpakilala ang mga boys, na sina Dion, Alex, Kyle at si Angelo. nasa left side sila ng mesa at kami sa kanang bahagi. Nakipagkamay naman kami sa isat-isa pero iniwasan ko ang kamay ni Angelo. Nakalahad ang kamay niya pero di ko inabot kaya binawi ma lang niya ito.
Pagkakain ng dinner ay nag-orderan na kami ng mga drinks na nakakalasing. Kausap ko si Dina na katabi ko nang lumipat si Hannah sa tabi ni Angelo. wala na akong katabi sa kabilang gilid. Tinabihan naman ako ng isa nilang kasama. Si Alex yata iyon.
"Sa Daxon company kayo di ba?" tanong ni Alex sa akin.
"Oo. Kayo?" tanong ko sa lalaking tumabi sa akin.
"Sa Colton kami. Sa 10th floor."
"Salamat sa seats ha. Punuan na kasi." sabi ko sa katabi
"Salamat din at dumating kayo para naman may iba kaming makausap," nakangiti lang ako habang nag-uusap kami ni Alex. Marami syang tanong at nakakatuwa naman siyang kausap.
Kinalabit ako ni Dina para mag cr kami. Tapos sumunod na rin ang dalawang babae na sina Hannah at Elise.
"Sabi ko na ba at type nya rin ako," saad ni Hannah na tinutukoy si Angelo na katabi niya. Panay ngitian nila ni Angelo kaya akala niya gusto rin sya.
"Paano mo nasabing type ka nya? Di ba pwedeng friendly lang yung tao?" tanonf ni Elisse
"He’s flirting. He asks me kung gusto kong sumama mamaya sa kanya."
"Isasama ka sa bangin para ihulog ka. Serial killer yun. Kala mo ha. Bahala ka dyan," saad naman ni Dina na inaasar sya.
"He. Inggit lang kayo," sagot pa ni Hannah na napipikon na sa dalawa.
Nasa loob ako ng cubicle nang sikreto kong buksan ang messages ko sa aking phone. Baka kung anong mensahe ang narito at baka mabasa pa nila.
ANGELO: I’m so jealous. Stop talking to Alex and please stop smilling at him.
Napangiti lang ako sa message niya.
Oh my! Kinilig ba ako? Bakit naman sya nagseselos? Parang tanga. Hoy, magtigil kang babae ka. Pigil ko sa sarili na nakakaramdam na ng kung ano sa mensahe ng lalaki.
Sya nga itong panay ang pagngiti kay Hannah Banana. Kilig tuloy ang bruha o baka ngagfi-flirt talaga ang lalaking yun sa kaibigan ko. Harot!
Palabas na kami ng banyo ng makita kong matalim ang tingin sa akin ni Angelo. Umupo akong muli sa upuan ko kanina. Wala na si Alex at lumipat sa unahan. Katabi na niya si Dion at pumuwesto sa dating upuan ang ibang girls. Humarap naman ako sa stage na may kumakanta at tumutugtog na banda.
"You like the songs?"
Nagulat ako ng bumulong si Angelo na malapit na malapit sa aking tenga at naupo sa gilid ko. Paano natakasan si Hannah?
"Nakaharang ka sa daan," sabi ko para umalis siya.
"Then you move," ako pa ang pinapaurong nito.
"Ano? Bakit ako?" reklamo ko sa lalaki na sya nga itong nakaharang na sa daan.
Hinila niya ako at napatayo ako. Pinuwesto niya ang upuan sa may bandang unahan at sa hindi daanan ng mga tao. Inilagay naman niya sa tabi ko ang upuan niya saka naupo rin sya habang tumutungga ng alak. Ang braso pa nga nito ay nakapatong sa sandalan ng upuan ko.
"You know how to sing? I like girls who sing. It turns me on." bulong nitong muli sa akin at sinasadya yata talagang halos idikit ang labi niya sa tenga ko.
"Stop talking. You smell cigarette. It turns me off," pang iinis ko naman sa lalaki na katabi ko na mayabang.
Inamoy niya ang bibig niya saka ang shirt na suot kaya parang nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Mukhang nawala ang confidence ng katabi kong manyak na mayabang. Hindi siya mapakali at hinawi ang buhok. Nawala ng ngiti sa labi saka biglang tumayo.
"Labas lang ako," paalam nito saka umalis sa tabi ko. naglakad palabas ng resto.