Saturday at alam ni Sir na night out yun. Kasama kaming apat na girls ay lumabas kami para kumain. Sagot daw ni Sir. Niyaya nya kami at dahil first night out niya with my friends. Biglaan kaya di naabisuha ang iba. Sa tuwa ng tatlo ay nagpicture pa kami at in-upload agad ng tatlo sa kanilang social media ang ganap ng gabing iyon. “Tinag kita girl. Ano kayang sasabihin noong isa?” saad ni Dina na tatawa-tawa at nais talagang mang-inis. “Nagalit na nga kahapon di ba. Selos na selos na ang loko tapos tinag mo pa ako. Pang -inis ka din talaga.” “Why so concern? Naaawa ka ba? Hayaan mong magbigti na sa sobrang selos.” “Grabe ka. Ang sama. Hwag ganon. Kawawa naman.” sabay tawa naming dalawa. “Sige pupuntahan ko mamaya at dahil malungkot ngayon si Angelo ako nalang ang magpapasaya sa kanya.”