One-month akong nagbakasyon. Walang trabaho at sa bahay lang buong maghapon. Naghihilata, kumakain at nawili sa mga games sa phone. Past time ko ding mag-online shop. Sinabihan ko si Papa na hwag sasabin kay Angelo na nasa bahay lang ako. I still don’t want to talk to him. Hindi naman ito pumupunta. Ako lang pala ang nage-expect na pupuntahan niya ako. Sino ba naman ako, babaeng pwedeng paglaruan at paasahin. walang kwenta para sa kanya dahil may mas mahal syang iba kahit na ibinigay ko pa ang lahat sa kanya. Kahit si Sir Pogi ay di na rin nagparamdam pa. Hay, paasa lang din. Akala ko ba? Well, akala ko lang talaga siguro na gusto niya ako. Bumalik na siya sa Cavite where marami syang babae rin siguro doon. Baka sobrang busy rin sa trabaho niya. Ma’am: Pasok ka na bukas. Same time. Nagt