11

2056 Words

Pagkakain namin ay nagtungo kami sa veranda. Napaka-ginaw lalo na at mahangin pa. Nanunuot sa aking balat ang lamig sa lugar na iyon. di ko kaya ang ganoong klima at wala naman kaming dalang jacket. “Pasok na tayo ang lamig dito sa labas,” sabi ko at di ko makaya ang lamig. “Ipagtitimpla kita ng kape. Mabuti na lang at may dala ako.” pagmamalaki pa nito Pumasok muna kami ulit sa loob ng bahay. Hindi ko kya ang lamig at napakaginawin ko pa naman. Maya-maya ay dala ni Angelo ang dalawang tasa ng kape at palabas nanaman ng veranda. “Hoy, lalabas ka nanaman, dito na lang tayo sa loob.” “Dito tayo sa labas at masarap magkape dito.” “Ang ginaw nga eh.” “Tara na,” paglapag niya sa maliit na mesa ng mga kape ay binalikan niya ako sa loob ng bahay saka hinawakan na ako sa kamay at hinila pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD