7

3059 Words
Ilang araw nang laman sya ng isip ko. Mas attractive ako sa suplado at ngayong nagsusuplado sya, feeling ko lalo syang nagiging hot. Di ko alam paano ko sya ime-message. Kapag bastos ang message ko baka akalain nya na game ako sa gusto nyang fubu. So, paano ako magpapacute at magpapapansin? Just be happy na lang na hindi na sya nangungulit and stop thinking about him. Halos dalawang linggo na ang nakaraan at lastweek, never ko syang nakita sa buong building. I check all the places kung saan ko lagi syang nakikita pero wala sya doon. Kahit bagalan ko pa ang lakad ko at nagpapalinga-linga na aydi ko talaga sya makita. Ang galing magtago at ako naman hanap ng hanap sa kanya. Then one time nakita ko sya sa canteen at nagkasabay kami ng breaktime. Madalas kasi noon na nauuna sila. Nagkatinginan lang kami then nag-alis agad ako ng tingin. Na-conscious tuloy akong kumain dahil feeling ko ay nakatingin siya pero feeling ko lang pala yun dahil pagtingin ko sa gawi nila ay busy sila sa pagkukwentuhan. Saka lang ako nakakain ng ayos at inalis ko na lang muna sya sa aking isip. "Don' t you miss him?" tanong ni Dina. "Minsan lang." "Minsan pero araw araw humahaba ang leeg mo kakahanap sa lalaking yun," natatawang saad ni Elise. "Hindi ah. Bakit ko sya hahanapin?" "Ayan nanaman tayo sa pagdedeny na yan," pangungulit pa ni Dina at napansin siguro na hinahanap ko ang stalker ko. "Hay bahala kayo. Una na nga ako," umalis agad ako sa cr kung saan pinagtutulungan nanaman ako nina Dina at Elise. Wala noon si Hannah at absent. Narinig ko pa ang malakas na hagikgikan ng dalawa na inaasar nanaman ako. Saktong may over time ako ng araw na iyon. I was expecting him sa labas ng building nang lumabas ako ng 9pm pero mali nanaman ako dahil wala sya. Gusto ko na kasi syang makita at kahit di ko sya makausap ay ok lang pero bigo ako. I keep on thinking about him. Mababaliw na yata ako. Malungkot pala kapag walang makulit sa buhay pero hwag naman sobrang kulit like Angelo. Sana magmatured sya ng kaunti. Kinabukasan ay di ko inaasahang makikita na sya ulit. Bumalik nanaman sya sa mga lugar kung saan kami nagkikita. Sa elevator, sa garden na smoking area nila at sa parking lot kapag 9 pm ang uwi ko pero walang pansinan. Walang usap at pangungulit mula sa kanya. Kahit tingin sa akin ay wala at para akong hangin lamang sa dumadaan sa harap nya. Ang sakit naman. Nakakailang tuwing nakikita ko sya at palagi pang may kasamang babae. I hate the feeling pero wala naman akong magawa. Pinagtabuyan ko sya noon kaya di nya na ako kinukulit. Alam kong nanalo ako sa laro niya dzhil di ako bumigay pero natalo rin dahil sa pagkamiss ko sa kanya. I'm thingking kung paano magpapapansin sa kanya pero hindi ko alam kung paano. Baka sya naman ang magtaray sa akin at ako na ang stalker. Nagkabaligtad na. One night I saw him leaning on the hood of his car. Walang kasama at naka-cross ang mga braso. Di ko na lang sya pinansin at tuloy sa paglakad. Nahihiya akong iapproach siya. “Don’t you miss me.” saad niya pagdaan ko at natuwa ko sa pagkausap niya sa akin pero I remain snobish. “No,” tanging sagot ko. Nahihiya kasi ako at nagaalangan. “Hatid na kita. Gabi na.” “No thanks.” pero tumigil ako sa tapat niya at hinihintay pang magsalita sya. “Sige na. Hindi na ako galit.” napangiti lang ako sa sinabi niya. “At ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Di ba sinabi kong hwag mo akong babastusin.” pagtataray ko pa pero nayutuwa akong magkausap na kami ulit. “Sorry na. Nagpapapansin lang naman ako sayo. Napaka-suplada mo kasi,” nakangiti sya at suot nanaman ang hikaw sa labi niya kaya napatingin ako doon. “Pwede ba tigilan mo na ako. Hindi kita gusto,” sinusungitan ko sya. Hindi nya alam na naiinis ako dahil ang tagal kong di sya nakita at di nya ako pinapansin. Masyado syang suplado. “Bakit?” “Kasi ang bastos mo at ang sama mo makatingin,” pero namiss ko ang mga tingin na yun. Yung titig nya na parang sa akin lang ang mga mata niya. “Bahala ka kung di mo ako papansinin, lalo kitang kukulitin.” “Ano bang gusto mo?” “Ihatid ka.” “Tapos?” “Magdate tayo.” “Tapos?” “Date ulit.” “Pansinin man kita o hindi, mangungulit ka pa rin.” “Ganoon na nga.” “Maghanap ka na lang ng ibang kukulitin.” “Ikaw nga ang gusto ko. Tara na.” Hawak niya ako sa may pulsuhan ko ng naglakad kami palapit sa pinto ng kotse niya. Di na ako tumanggi kasi baka bawiin pa at di ako ihatid. Ayokong ipakita na miss ko na sya pero gusto ko naman na makasama sya. Babawasan ko na ang pagsusungit sa kanya kasi ayoko na na hindi kami nagpapansinan. Ang hirap at nakakabaliw. “Ano pala yung sulat mo sa drawer ko?” kumpronta ko sa kanya. “Wala yun. Nagalit lang ako. Hwag mo ng isipin yun pero gusto mo ba?” “Napaka walang hiya mo talaga!” hinampas ko sya ng maraming beses sa braso dahil nang-iinis nanaman sya. “Araay! Nagtatanong lang naman. Ano bang masama sa tanong ko?” Sa huli ay nabigyan ko pa sya ng pinong kurot. “Ahhhh! Biro lang yun.” napasigaw sya sa sakit. "Pwede mo namang sabihin na ayaw mo pero bakit nananakit." "Pwede bang tumigil ka na sa mga bastos na salita mo. Hindi nakakatuwa." "Opo. Titigil na po." Nagstart na syang mag-drive. Mukhang masaya siya at kumakanta pa sya habang nasa byahe kami. Maganda ang boses niya at napapatingin tuloy ako sa kanya. Cute naman sya kaso lang ay sobrang kulit. Kinikindatan pa ako kapag nagtatama ang aming mga mata pero kunyari ay naiirita ako. “Kain tayo,” saad niya pagtapat namin sa isang kubong kainan. “Tara na, gutom na ako,” di na ako inintay na sumagot at bumaba na sya agad sa kanyang sasakyan. Bumaba na rin ako dahil nakababa na siya. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagorder sya ng dalawang ulam , dalawang kanin at ice tea. Tahimik lang kaming kumain at di sya nangungulit pagkatapos ay umalis na rin kami agad. “Hwag mo na akong ihatid sa tapat ng bahay ha," sabi ko dahil si papa kukulitin nanaman kami. “Bakit naman? Baka pagalitan ako ni Papa. Makikipagkwentuhan lang ako saglit.” “Iniiwasan ko ngang makita ka ng papa ko, tapos makikipagkwentuhan ka pa." “Bakit ba? He likes me and I like him too." “Angelo naman eh,” inis na saad ko. “Hindi na nga. Hwag ka nang magalit. Kapag pumayag ka na lng saka ako dadalaw sa inyo.” “Tigilan mo na yang trip mo. Kaka ot mo yan at kakapuyat.” “Para sa future natin to.” “Sira ka. Sige na. Dito na lang ako. Salamat sa dinner.” “Para sayo aking prinsesa.” Ngumiti na lang ako para naman hindi puro pagsusungit ang abutin ni Angelo sa akin besides masaya akong nakita at nakasama ko sya. I retrieve my old account. Baka sakaling magmessage sya ng gabing iyon. Wala na akong pakielam kung mahalata niyang gusto kong imessage niya ako. Napakatalino kasi ng unggoy na yun. Nahahalata niya ang nararamdaman ko at di ko maideny ang pagkagusto ko na sa kanya. Harot mo self! Angelo: Uy, active na ulit? Nag-iintay ng message sa stalker niya? Me: Sira ulo. Pero napangiti ako.Sabi ko na nga ba at iyon ang iisipin niya. Angelo: Good night my princess. Nandito na ako sa bahay, Sleep well and sweet dreams. Infairness. Sweet sya ngayon at di na bastos. Angelo: If you dream about me, do what ever you want with my body. Hay, sabi na at may pahabol pa.Di ko na sya sinagot para kahit papaano ay maisip niyang di pa rin ako interesado sa kanya. Alam kong f**k boy sya peeo alam nyang naseen ko ang mga message niya. Sabado. May magandang palabas ng araw na iyon at walang gimik ang barkada dahil may kanya-kanyang lakad. Naglakas loob akong magsend ng message kay Angelo para magpapansin sa kanya. Gusto ko lang na maiba ang pakikitungo ko sa kanya at di puro pagsusungit. Me: Sine? Tanging mensahe ko kay Angelo ng bandang hapon na. Ito ang naisip kong paraan. Ang yayain sya. Alam ko naman kasing di sya makakapunta at baka may pupuntahan na sya. Biglaan rin ang pagyayaya ko at hapon na. Buong araw kasi syang walang paramdam at di ko sya nakita. Ako naman ang mangti-trip sa kanya ngayon. kung di sya sisipot ay ayos lang pero sana man lang ay magmessage siya at magparamdam sya. Online siya pero hindi niya seen ang message ko. Pagkalabas sa work ay nagdiretso ako sa mall. Mag-isa ako sa mall and still waiting for his reply. Kung wala pa ay magnonood akong mag-isa. I bought a 6:00 pm schedule movie ticket at burger na large meal. Me: Cinema 6. Dagdag ko sa aking mensahe kung sakaling sisipot siya. 5 minutes bago pumasok at nag-silent na ako ng phone. Pumasok na rin ako para makaupo sa pinakagusto kong pwesto. Nakakainis ang feeling. Di ako makaconcentrate sa pinanonood ko dahil iniintay ko sya at umaasang darating sya kahit biglaan ang pag-anyaya ko. Kung di sya sisipot, magtatampo ako ng kaunti lang naman. Nasa kalagitnaan na ng movie ng makumbinsi ko ang sarili kong hindi sya sisipot. Isang oras na rin ang nakalipas na wala man lang reply o kahit seen sa message ko. I need to watch thoroughly at ienjoy na lang ang movie. Na enjoy ko naman ang half part kahit papaano. Nang matapos ang movie at agad nagtatayuan at naglalabasan ang mga tao. Pinauna ko na ang iba at ayokong makipagsiksikan. nadismaya akong di nya talaga ako pinansin. Gumaganti siguro sa di ko rin pagpansin sa mga mensahe niya. Nagcr muna ako bago tuluyang lumabas. Paglabas ko ng cr ay papasok naman si Angelo sa pinto ng sinehan. Tiningnan nya ako na walang emosyon. Palabas na sana ako at di na sya papansinin nang hablutin niya ang sling bag kong nakasukbit lang sa balikat ko. Paglingon ko ay sinukbit nya iyon sa balikat niya kaya sinundan ko sya. Paakyat sana sya sa taas na bahagi ng sinehan nang pigilan ko sya. “Bag ko,” sabay hampas sa balikat niya saka ko kinuha iyon. “Miss me?” “Wrong sent. Not for you,” sabay talikod ko sa kanya at palabas na sanang muli pero hinila niya ang braso ko. Papunta kami sa upuan sa ibaba. “Upo sa gitna.” utos niya sa akin. “Anong kakainin natin? I didn’t buy anything,” magtatanong sya ngayon samantalang late na siyang dumating. “Kumain na ako. Two hours ago.” “So, you waited for me? Where’s my food?” “Hindi kita hinintay. Kaya kong manood mag-isa. Natapos ko na nga at palabas na ako di ba. Pasalamat ka at inabutan mo pa ako dito. Bumili ka ng food mo.” “Ininvite mo ako kaya ilibre mo ako.” demand pa ng kumag na to. “Tss. Di ka pa bumili bago ka pumasok. Magsstart na kaya.” “Nagmamadali ako na hanapin ka baka nakalabas ka na kasi.” “Hindi naman para sayo yung text. Bakit ka pa nagpunta?” “Sorry na dahil na late ako. Hwag ka na magtampo. Nandito na nga eh. Busy pa kasi sa work at ikaw, ora-orada ka magyaya. So bakit ka nagyaya? Miss mo ba ako? Kunyari ka pang wrong sent dyan” “Hwag kang feeling dyan.” Namatay na ang ilaw at mag-uumpisa na ulit ang movie. Nakapatong ang braso ko sa arm rest. Hindi sya dumidikit sa akin. Malapit kami pero hindi nagdidikit ang mga siko namin. Nang nangalumbaba ako, napalapit ang mukha ko sa kanya ay wala syang ginawa para ma-tsansingan ako o gumawa ng kahalayan sa akin. Nakatutok lang siya sa pinanonood. Nakatuon din ang kaliwang siko niya sa pwesto ng kanan kong siko. I smell his scent. Lalong nawawala ang concentration ko sa panonood at di ko nanaman maintindihan ang half ng movie. Does he really wanna taste me? Parang guto kong tikman din sya. Whats happening to me? Nagiging pervert na rin yata ako. Gusto kong sumandal sa balikat niya pero nahihiya ako. I lean at the left side of arm rest at inalis sa isipan ko ang masasamang bagay. Napabuntong hininga ako. Mabuti at malakas ang sound ng movie at di nya narinig. I saw him looking at me pero deadma lang ako sa kanya na kunyari ay di ko sya napapansin. Then he keeps looking at his watch. Napansin kong balisa na sya. “May lakad ka ba?” tanong ko “Birthday ng isang office mate ko. Can I go ng 9?” “Sige. Ok lang naman. Napanood ko na rin naman ‘to.” "Sorry ha. babawi ako next time," nagbuntong hininga lang ako at di na sya sinagot pa. Mas importante naman pala ang office mate niya kesa sa akin. Maya-maya lang ay nagpaalam na siya. “Una na ako ha. Sorry talaga. Ang kulit kasi nila text na ng text.” “Ok. Bye,” walang emosyong saad ko sabay tayo niya at umalis na ng walang lingon-lingon. Nagmamadali? Importante siguro sa kanya ang officemate nya na yun o baka naman girlfriend nya yun. Ilang minuto ay tumayo na rin ako. I don’t need to finish the movie at gagabihin lang lalo ako sa pag-uwi. Pababa na ako ng escalator. “Alicia,” nakita ko si Angelo na paakyat uli kaso lang pababa na ako. Kaya pinahabol ako ang walang hiyang nang-iiwan ng kadate. “Alicia, wait! Hoy babae!” malakas na tawag nito at napahintoako nang nakababa na ng escalator “Hoy babae?” nakapamewang ako at humarap sa kanya. “Sama ka,” anyaya niya “Hindi na, uuwi na ako,” pakipot talaga ako. “Tara na, Tikman mo ako,” pinandilatan ko sya sa kapilyuhan nanaman niya. “Tikman mong handa ng office mate ko.” “Hindi na. Nakakahiya. Ikaw na lang. Madidismaya sila kapag may kasama kang magandang babae. Baka magselos lang sila.” “Paano ka uuwi, magandang dilag?” “Lilipad,” sarkastikong saad ko sabay pitik niya sa noo ko. “Nakaganti rin sayo.” “Aray! Bad ka!” “Ihahatid na muna kita saka na ako pupunta sa birthday.” “Hindi na baka malate ka na sa birthday at mukhang importante sayo ang taong yun. Mag jijeep na lang ako.” “Babawi ako sa susunod. Nakahawak siya sa dalawa kong pisngi. Susunduin kita ng maaga bukas. I have a surprise for you.” “Ano naman?” “Basta bukas,” nakangiting saad niya. Gaganti ba sya at ipapahiya nya rin ba ako? Mabait na nga ako sa kanya kaya sana hwag nya akong gawan ng masama. Isinakay niya na lang ako sa jeep at kumaway pa kami sa bawat isa. Bumalik na rin siya agad sa mall para kunin ang sasakyan niya. Kinabahan ako sa surpresang sinasabi niya. Alam kong gusto niyang gumanti dahil napahiya siya sa ginawa kong pagtuhod sa kanya Paiinlove-in nya ba ako tapos iiwan? Ang sama nya naman. Angelo: I want to make love with you tonight are you feeling the same way? Me: Pero mas pinili mong pumunta sa birthday. Sayang. I was just teasing him. Ayoko pa rin ng idea na makipag fubu sa kanya. iinisin ko sya dahil iniwan nya ako sa sinehan at uunahin pa ang officemate nya. Angelo: Sh*t! totoo ba? Me: Manghinayang ka na lang ng bongga. Hindi mo naman pala talaga ako gusto. Offers only for today until 10 pm kaso sinayang mo. May malapit pa namang inn sa mall. Angelo: Seryoso? Liliparin ko yang bahay mo. Papunta na ako. Me: Sira, kumain ka na lang dyan at umuwi na pagkatapos. Hintayin mong magyaya ulit ako but I doubt na maulit pa yun. Wala naman pala akong halaga sayo. Mas mahalaga pa ang officemate mo. Tamputampuhan kong mensahe sa kanya pero nadismaya talaga ako kanina. Angelo: Anong wala? I showed up. Me: You came late and leave early. Nakaka-turn off. Minus pogi points Angelo: Babawi ako bukas promise! Me: Nyt, sleep na ako. Angelo: sorry na naka oo na kasi ako sa party. Last message nyang sadyang di ko na binasa ng gabi para maisip nyang nagtatampo ako at sa umaga ko na lang babasahin. Maaga akong nagising mga alas otso then, I check my phone. Ewan ko ba. Naeexcite ako dahil nga may surprise daw ang walang hiya. Angelo: Gising na babe. Excited to see you. Me: Ano bang surprise mo babe? Trip kong tawagin din syang babe. Trip kong sakyan ang trip nya. Angelo: Babe? I’m your babe? Me: Yeah. Babe like baboy. Angelo: Ligo ka na. Nandyan na ako. Me: Ok babe. Hala ano ba tong ginagawa ko? Hindi ko alam kung bakit sinasakyan ko ang mga trip niya. Lakas din ng trip ko sa buhay. Nahulog na yata ako sa trap ng pervert stalker ko na ‘to. Kinakabahan ako sa maaaaring mangyari sa amin. Hindi nya naman siguro ako papatayin. May mangyari man sa amin sexually, gusto ko na rin siguro. Ang tagal ko na kayang walang boyfriend. Kailangan ko na ng dilig. Tuyot na tuyot na ako. Kailangan ko na ng init at baka maging zombie na ako. Papayag ba akong maging fubu kami. Hindi nya ba kayang mahalin ako? Ayaw nya siguro ng relasyon. Go with the flow lang at kung di ko na kaya, aatras na ako. Kaya kong pigilan ang damdamin ko at magmahal ng sobra. Naligo na ako. Naghilod at nagshave. Nagconditioner maigi ng buhok at isinuot ang ternong black undies ko. Pero pants at shirt lang ang suot ko. Hindi importante ang panglabas na anyo di ba? Ang mahalaga ay ang panloob. Sexy at daring. Natatawa ako dahil sa mga iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD