8

2508 Words
Pagbaba ko sa sala ay nakabihis na ako na pang-alis saka lang ako nagpaalam. “Pa, aalis po kami ni Angelo,” paalam ko sa aking ama. “Sinong Angelo?” “Yung lalaking bet mo. Hala, di alam ang pangalan.” “Kayo na ba?” diretsong tanong nito. “Hindi nga. Friends lang kami.” “Bakit friends lang?” makulit talaga sya. “Mamaya aakitin ko sya. Hwag kang mag-alala at para maging kami na” “Good!” “Anong good?” narinig ni mama ang usapan namin at ngayon ay umuusyoso. “Anu-anong tinuturo mo sa anak mo? Mamimikot na ba yan?” “Oo. Malapit na tayong magkamanugang at magkakaanak na rin ako ng lalaki,” paliwanag ni papa kay mama. “Hay, Papa talaga. Ayan na sya. Alis na nga ako.” Hinatid pa ako ni Papa sa labasan at kumaway pa kay Angelo. Dala nito ang kotse niya at di na ang motor. Bumaba pa ang lalaki at sinalubong si papa. “Bigtime na. Nakakotse na ang future manugang ko.” “Hwag ka na lang muna mag-assume baka pareho tayong masaktan.” saad ko “Basta nararamdaman ko. Sya na ang the one mo.” “Oo na. Alis na po ako.” “Ingat ka. Galingan mong pang-aakit.” bulong pa nito sa akin. “Papa talaga. Dyan ka na nga.” “Alis na po kami Pa,” paalam pa ni Angelo. si mama naman di na lumabas ng bahay at busy sa ginagawa niya. “Saan tayo?” tanong ko pagkasakay ko ng kotse niya. “Sa apartment ko.” “Doon agad?” gulat na saad ko na may kasamang pagkunot ng aking noo. “Dapat kagabi di ba. Kaya ngayon na. I wanna see you naked. Bulong nito sa tenga ko,” sabay hila ng seatbelt at inilagay sa akin. Inismiran ko lang sya nang marinig ang sinabi niya. Nakangiti ito habang nagdadrive at ako naman ay balisa. Alas diyes pa lang ng umaga ng sunduin nya ako sa bahay. Ang aga naman naming gawin yun? First date tapos yun na agad? Ano ba yan? Papayag na ba talaga ako? “Parang excited na ecxited ka ha? Anong plano mo ha? Gagantihan mo ba ako at ipapahiya?” tanong ko sa lalaki. Gusto kong mgkaalaman na para naman di na mapunta sa pagkapahiya ko. “Anong sinasabi mo? Masaya lang ako na pumayag na ang girl of my dream.” “Bakit naman ako? Ang daming mas maganda dyan. Baka yung officemate mo kagabi.” "Ang pangit kaya ng lalaking yun. Paano ko naman sya magugustuhan? Ikaw nga ang gusto ko. You’re different. You’re not into me, so nachallenge ako.” “Kaya proud ka na napapayag mo ako. Pero pumayag ba talaga ako? Niyaya lang kita mag sine ha at paalala ko lang, ayoko sa playboy.” “Ganoon din yon. It’s like saying yes to me. You invited me because you like to be with me. Alam ko naman na miss mo ako dahil matagal akong di nagpakita sayo.” “Ahh, sinadya mong di magpakita kaya feeling mo namiss kita. Kapal mo din at kung na challenge ka lang, do you really like to be with me o hindi mo naman talaga ako gusto?” “Kaya ka nga kita sinundo ngayon kasi gusto kita. Sumipot ako kahapon kahit busy sa work at may pupuntahan pa akong iba pero inuna kita. Sa palagay mo trip ko lang na pagurin ang sarili ko? Ayaw mo na bang sumama sa akin ngayon? Please don’t say no.” “Nandito na ako, how can I say no?” “Yes! You’ll have fun promise.” kinurot pa nito ang pisngi ko. "Dahil um-oo ka na, tayo na ha." “Hanggang kelan?” “Hanggang sa ayaw mo na. Break up with me kung ayaw mo na.” “Ako ang magdedecide? Di ka mamimilit? So meaning, wala ka talagang feelings for me.” “Kung talagang ayaw mo na at kung nakahanap ka na ng totoong mamahalin mo, I’ll let you go. it doesn't mean na wala kong feelings for you, syempre meron.” Nakatingin ako sa kanya. Nakatitig. It’s really just a fubu for him. No string attached. No chance for a love to grow. Makaramdam ako ng lungkot kaya tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan. “Arent you happy to be with me? Don’t worry I will make you happy every day." Nagdrive lang si Angelo at ako naman ay nagmamasid lang sa daan. Napapalayo na kami at di ko alam kung saan talaga papunta. Baka naman sa motel para special? Nalampasan na namin ang malaking mall, wish kong sana sa mall na lang at maglakad lakad, kakain at magsine ulit. Pero mukhang malabo. Nasaan na ba kami at biglang lumiko sa di ako pamilyar na lugar. Nilakihan ko ang aking mata para magmasid maigi sa lugar na nilikuan niya. Malawak ang parking at tanaw ang pangalan ng lugar. Sea park adventure. Nakahinga ako ng maluwag at napangisi sa kanya. Nawala ang takot ko at napalitan ng excitement. Pangarap ko lang ito noon at ngayon makakapunta na ako. Ano ba naman kasing kahalayan ang iniisip ko at akala ko ay may gagawin na kaming kahalayan ni Angelo? “Akala mo ba may gagawin na agad tayong kababalaghan? Sa gabi pa yun syempre.” “Sira ulo ka talagang manyak ka.” “Tara na. Baba na.” Naglakad kami papunta sa bayaran at binayaran na niya ang entrance fee. Sobra ang saya ko at di ko mapigilang mapangiti. Naghintay lang ako habang nakapila sya. Agad din naman syang nakabayad at pagkatapos ay nag-usisa ako. “Magkano?” “Wala. Mura lang.” “Yabang. Magkano nga?” tanong ko sa fee na binayaran niya. “Bakit ba? Babayaran mo ba?” “Hindi. Gusto ko lang malaman. Bakit naman ako magbabayad, ikaw ang nagyaya?” “Hwag na baka makipagdate ka pa sa iba dito. First time mo no?” Ngumiti lang ako na pang-inis. Naglakad na kami papasok at niyaya nya muna akong kumain ng almusal. Pinipilit kong ako na ang magbabayad ng food namin pero magagalit daw sya kaya hinayaan ko na lang sya. Namasyal at nag-ikot kami. Nagpicture habang nagkukulitan. He never touch me. Kahit humawak sa kamay o umakbay ay di niya ginawa. Minsang nagkakadikit lang ang mga braso namin. He was so gentleman at never syang nagchansing. Napakalayo sa asta niya kapag nagmemessage sya sa akin. Dumaan kami sa gift shop na may iba’t ibang stuffed toys animals ang naroon. “Anong gusto mo? Pili ka na.” “Talaga? Pwede? Babayaran mo?” Yung penguin ang napili ko. Binili niya at binayaran. Remembrance daw ng first date namin. Gusto ko rin sana syang bilhan pero hwag na daw. Masaya syang kasama at palagi akong pinatatawa bukod pa sa nakakakilig sya at gwapo ang kanyang mukha. Nang matapos kami sa pamamasyal ay nagyaya siyang magdinner. Sabi ko ako naman ang taya at di ako sasama kung di ako ang magbabayad. “First date kasi natin kaya sana ako na lang muna." “Nakakahiya naman sa’yo. Ikaw ang magbabayad sa lahat ng gastos natin,” sagot ko “How about sa second date natin? Doon ka na lang bumawi. Kung gusto mo sa susunod, ikaw naman ang taya. Steak ang gusto ko sa mamahaling hotel.” “Feeling mo talaga may kasunod pa no? At ang kapal mo ring magyaya sa mamahalin.” “Yung ibabayad mo ngayon, i-second date na lang natin.” “Kung ayaw mo akong pagbayarin, hwag na pero wala ding second date.” “Ang daya mo naman.” “Deal or no deal?” “Basta ako na ‘to. Bahala ka kung ayaw mo ng second date pero hindi ako nagpapalibre sa babae.” “Ang arte mo. Ikaw na ang malaki ang sweldo.” Kinurot nya ako sa pisngi habang nakangiti sya. naiinlove ba sya sa akin? after naming magikot-ikot sa park na iyon ay nagpunta kami sa isang mall. We had our dinner sa isang malaking mall. Sa fast food na lang sana ang gusto ko pero nagyaya pa sa isang buffet restaurant. “Ang yabang mo din talaga no? O nilulubos mo lang kasi first and last date na natin.” “Sinong nagsabi sa’yo na last date na natin ‘to?” Napangisi lang ako sa lakas talaga ng fighting spirit niya. Matapang sya at pursigido. "Kumain ka ng marami. sayang ang bayad." "Sobrang daming pagkain. Ang hirap pumili." "Tumikim ka lang muna tapos kung anong pinaka-gusto mo yun ang kaninin mo nang marami." Sinunod ko ang payo niya sa pagkain sa buffet. hindi kami nagrice at puro ulam lang ang kinain. Pagkakain ng dalawang oras ay hinatid nya na ako. Bumaba pa sya at bumati sa aking mga magulang. “Pakitang gilas,” saad ko ng ihatid ko na sya palabas ng gate “Para makasecond base,” bulong niya sa akin sabay halik sa aking pisngi at agad ko naman syang nakurot. “Aray. Yun na nga lang ang bayad mo ang damot mo pa.” “Magnanakaw ka kasi.” “Sige na. Bye beautiful.” Napangiti lang ako ng bahagya at di pinahalata ang kilig. Kinagat ko ang aking labi para hindi ako mapangiti sa harapan niya. Angelo: best date ever my beautiful princess. Nakakagigil ka at muntik ng sa ibang lugar kita dalhin. Sa malamig at may malambot na kama. Soon, ipadarama ko sa’yo ang kakaibang saya. Me: Can you please stop messaging dirty talks. Di na talaga ako makikipagdate sayo. Di na kita papansinin. Angelo: Sorry na. I just can help it. Hindi na nga, promise. So, may second date na tayo? Hindi na ako sumagot at baka kiligin pa ang mokong na yun. Natulog na rin ako habang iniisip ang date namin ng araw na yon. Masaya at nakakakilig. Lunes ng umaga nang magkita kaming muli. Nasa lobby pa sya ng building and it looks like he’s waiting for me. Napangiti ako ng palihim at iniiwasan kong kiligin. Hala ka! I’m really falling for this pervert stalker. Agad niya akong sinundan sa elevator. As usual nasa sulok ako at tinabihan niya ako. He held my hand. Mukha namang walang nakakapansin kaya hinayaan ko lang. Kaso lang palabas na ako pero ayaw nya pa akong bitawan. Nakita tuloy ng ibang mga kasamahan niya ang pagkakakapit ng mga kamay namin at naghiyawan tuloy sila. Sa kaharutan niya ay sumara na ang elevator. Kinurot ko sya at saka nya lang ako nabitawan. Lumabas ako sa susunod na floor at para maghagdan na lamang. Sumunod naman ang loko at lumabas din ng elevator “Umagang-umaga humaharot ka,” saway ko kay Angelo. “Miss na kita eh. Dinner tayo mamaya. Ot ka di ba?” “Bahala na. Umakyat ka na. Malelate ka pa.” nasa hagdan kami nag-uusap. “Concern ka ba babe?” “Sira ulo ka. Babe ka pa dyan.” “Bye babe. Mamaya ha.” Mabuti at umabot pa ako sa pagtime in. Two minutes before mag 8 o’clock. Napagod ako sa pagbaba sa hagdan at paniguradong late ang mokong na yun. Napaka harot kasi. Angelo: Ang lambot ng kamay mo. Ang sarap hawakan. Gusto kong hawakan ka ng mas matagal. I regret not touching even the tip of your finger yesterday. Nahiya kasi ako at na torpe. Sya mahiyain at torpe? Hay, ako man ay nagtatakang di man lang kami nakapagholding hands kahapon. Sayang talaga. That night, I saw him again leaning on his car. Di makakaila ang kagwapuhan at hotness nya talaga. I know he’s waiting for me kaya naniniwala na akong maganda rin naman ako. Sino pa bang aayaw sa lalaking ito mabait at gwapo? May saltik lang sa pagmemessage ng kabastusan. Sabi naman nya na hindi nya na gagawin pa yun kaya pumayag na akong magdinner kasama niya. Sinabi kong ako ang magbabayad. Ayaw nya pa nga noong una pero napilit ko rin sya. “I’m so lucky to meet a girl like you.” “Bolero. Nilibre ka lang, lucky ka na.” “Yung iba kasi, panay palibre ang alam. Sila ang nagyayaya pero ako pala ang magbabayad. Pero once lang ito na pagbayarin ka. I’m not gonna let you pay for our food again.” “Again? Meron pa ulit? Sobra ka na Mr. Rivera.” “Syempre naman. We’re already dating exclusively. sabi ko akin ka na di ba?” “Ano? Ang bilis mo ha. Friendly date lang ‘to at para sabihin ko sa’yo wala kang dating sa akin. You’re not my type. Naaawa lang ako sayo.” biro ko pa sa lalaki at di ko maiwasang di mapangiti. “Ang choosy mo rin ha. Walang babaeng hindi nagkagusto sa akin. At para sabihin ko sa’yo, babe. We’re not just friends ok.” “Ewan.” Kumain lang kami at nagkwentuhan pa. Nagkulitan sa kung anumang relasyon meron kami. Nagtatalo sa pagiging friends at dating exclusively na sinasabi niya. Pinipilit kong hindi ko sya gusto pero ang lakas ng bilib nya sa sarili nya. Kapag nagkikita kami ay panay panghaharot nya pa rin. Nagfi-flirt at may pakindat-kindat pa. Matalim na tingin naman ang sukli ko at pag-irap sa kanya dahil sa kakulitan niya Wednesday ng muli kaming magkita at nagyaya sya ulit ng dinner. 9 o clock kasi ang uwi niya kaya nagkakasabay lang kami kapag ot ako na m-w-f ang schedule. Pagkakain at pagkatapos mag kwentuhan ay pauwi na sana kami. Ihahatid nya na dapat ako nang tumigil kami sa tapat ng isang bahay. Nagpatay siya ng makina kaya nagtaka ako. “Anong nangyari nasiraan ka ba ng sasakyan?” “No, nandito tayo sa apartment ko. Baba tayo.” “Hoy Angelo. Ayoko.” “Wala tayong gagawing masama. Ano ka ba?” ”Sinasabi ko sa’yo ha. Pilyo at manyak ka. Kilala kita.” “Lika na. Saglit lang tayo dito.” “Bakit? Anong meron anong gagawin natin?” panay-panay ang tanong ko at ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumalakas. Hinawakan niya ang kamay ko habang papasok sa loob ng bahay niya. Bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap siya sa akin. “I want to kiss you. Papayagan mo ba ako?” “Kiss?” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Magkalapit ang mga mukha namin at parang magnet na pinaglalapit ang mga labi namin. “Say yes, please.” “Just one kiss.” “Ok. One kiss.” Agad naglapit ang aming mga labi. Humigpit ang kapit niya sa aking katawan at lalo kaming nagdikit. Tumaas ang aking mga kamay na pumulupot sa kanya batok. It was a long toried sweet kiss na di matapos tapos dahil sa patuloy na paghabol niya sa aking bibig tuwing titigil ako sa aming paghahalikan. Umaataras siya hanggang sa paupo na sya sa sofa ako naman ay napakandong sa kanya. Kaya naman magkaharap kaming naghahalikan pa rin na mukhang sinadya niyang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD