Nasundan pa ng isang group date ang paglabas namin. Kain at inom. Parati pa ring nagpaparinigan ang dalawang makulit na lalaki. May galit pa rin si Alex kay Angelo dahil sa ginawa sa akin. Masakit naman kasi talaga at kahit ako, ramdam ko pa rin. “Alice don’t fall for a wrong guy twice. Paalala ko lang sayo kasi concern ako,” biglang nasabi ni Alex habang kumakain kami. “Ako? Never.” sagot ko sa lalaki. “Because she will fall for the right guy now. I may be wrong for her before pero ngayon ako na ang tamang lalaki para sa kanya.” maangas ng sagot ni Angelo na full of confidence. Ayaw ding patalo sa parinig ni Alex sa kanya. “Masyadong bilib sa sarili,” sambit pa ni Alex. “Ano ba kayo? Tama na yan,” awat ni Dion sa dalawa na mukhang magkakapikunan pa yata. Si Alex naman ang nakatabi