I cried all night. I was so broken at sobra akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Ngayon ko nararamdaman ang sobrang sakit na lokohin. Nagtiwala ako ng lubos pero nasira lang. Nakadungaw ako sa akin bintana habang pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan sa langit. Night was sad and painful. Parang sinaksak ako sa dibdib ng isang bagay na di matanggal at mananatiling narito sa puso ko. Na late tuloy akong pumasok kinabukasan. Halos walang tulog pero nagawan ko naman ng paraan ang mugto ng aking mata. Kausap ko ang supervisor namin pagpasok ko sa office. “So unusual Alice. Late ka ha.” “Sorry ma’am. May pinagdadaanan lang.” “Malalampasan mo rin yan. Pagsubok lang yan.” “Thanks po. Ma’am pwedeng magrequest?” tanong ko agad na straight to the point. “Ano yun?” “Pwede ko po bang i-move