9

2703 Words
Ang bilis ko rin namang nahulog sa patibong niya at di man lang umangal pa. Ang sarap kasi ng halik niya kaya di ko rin sya mapigilan. Sa pag-iwan niya ng labi ko ay sa may panga ko na sya humahalik at bumababa na sa aking leeg. Masarap at may kakaibang kiliti. I just let him kiss me there. Pero ng bumababa pa ang labi niya sa akin at mukhang sa dibdib na sya patungo ay umalma na ako. “Hwag Angelo.” “Bakit? Gusto mo rin naman ako di ba?” “Masyadong mabilis ang mga pangyayari,” umalis ako sa pagkakakandong sa kanya at umupo na muna sa upuan. “Anong mabilis doon? Yung iba nga sa first date pa lang.” “Hoy, hindi ako ganoon, ok. Kung s*x lang ang habol mo, sabi ko na hwag ako di ba,” patayo na ako nang pigilan niya ako. “I’m sorry na. Akala ko kasi,” naputol ang sinasabi niya. “Ihahatid na kita.” “Anong kala mo?” pumatak ang aking luha. Masama ang loob kong ganoon ang tingin niya sa akin. Na basta-basta ibibigay ang sarili kahit hindi pa kami at ilang beses pa lang kaming nag-date. Ang pervert talaga ng lalaking ito at naiinis na ako sa kanya. Ala kong yun lang ang habol niya. ang maikama ako at masama ang loob ko dahil ako nagkakagusto na sa kanya. Pagkahatid sa akin ay agad din syang umuwi. He called me pagdating nya sa kanyang apartment at humihingi ng patawad sa kapusukan niya. Sising-sisi sa ginawa niya at sana daw ay pagbigyan ko pa sya sa panliligaw niya. I warned him na hwag na iyong ulitin kung hindi tuluyan na akong magagalit sa kanya at di na sya papansinin. Sumangayon naman siya at nangakong magpapakabait na. Pero alam kong nasa pagkatao na si Angelo ang maging mapusok. Kilala syang papalit-palit ng girl friend at walang sineseryoso. Masasama ba ako sa mga koleksyon niya na paaasahin at paiiyakin? Ayoko sana pero talagang ang hirap pigilin ng nararamdaman. Angelo: good morning, babe. I’ll wait for you at the lobby. Agahan mo naman ang pasok para matagal kong mahawakan ang kamay mo. Hindi ako mahilig magreply sa mga message niya. Kukulitin nya lang ako lalo. Pero parang nagkaroon ako ng pananabik na makita siya. Nagmadali naman ako sa pag-aayos ng aking sarili. Nagkataon din na mabilis akong nakasakay ng jeep papuntang opisina at 7:30 pa lang ay naroon na ako. Papasok ako ng building at nakita kong naroon na si Angelo na may kausap na mga ka opisina niya. Mga babae at di naman ako gaanong nagselos. I know he’s mine. Charot! “Ang aga ng babe ko. Miss me?” dumali nanaman sya ng kayabangan. “Asa!” “Breakfast?” anyaya pa nito “Baka malate pa tayo.” “Saglit lang tayo sa canteen.” Hinila na niya ako sa aking kamay papunta sa canteen. Di niya binitawan ang kamay ko kahit habang kumakain na kami. “Nagpapawis na yung kamay ko. Hindi ka bibitaw?” pag-alma ko sa mahigpit na kapit niya. “Nope.” “Di ako makakain ng ayos,” reklamo ko pa. “Susubuan na lang kita.” “Baliw. Bumitaw ka nga muna.” “So bakit ka nga maaga? You wanna see me? I miss you and I’m sorry ha.” “Ang bolero mo talaga pero sincere ba yang sorry mo? Parang hindi naman.” “Bola ba yun eh sa namimiss nga kita at oo sincere ako sa pagso-sorry ko. Natatakot akong magalit ka at di mo na ako pansinin.” “Napaaga lang ako ng gising tapos may dumaan agad na jeep kaya heto maagang nakapasok.” “Maaga ako mamaya. Labas tayo?” “Saan tayo pupunta?” “Stroll.” “Stroll sa traffic ng Maynila?” “Magaling akong sumingit.” “Nakamotor ka?” “Yes. Nagdadala lang ako ng kotse kapag ot ka. Para komportable ka.” “Kakalabas lang natin kahapon. Mauubos ang sweldo mo,” paalala ko sa lalaking nawiwili na akong kasama at gusto ko rin naman syang kasama. “Di mo kayang ubusin ang sweldo ko. Kahit gabi-gabi pa tayong magdinner. Isama mo pa ang almusal at tanghalian. makapal pa rin ang wallet ko.” “Di ka lang pala manyak, mayabang din.” “At masarap din. Taste me.” “Ewan, tara na nga,” pinisil ko muna ang ilong niyang matangos saka tumayo at ilang minuto na lang ay mag-aalas otso na. Habol naman niya ang aking kamay na hinawakan niya habang naglalakad kami at hanggang sa loob ng elevator. Binitawan nya lang ako nang nasa opisina na ako. Sumunod pa sya at hinatid ako sa mismong tapat ng aming opisina. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kasamahan ko kaya tinulak ko na sya paalis. “Anong meron? Kinukulit ka pa rin ni Angelo,” nakita kami ni Dina sa may glass door. “Oo, nakita ba ni Hannah?” “Hindi yata. So, what naman kung ikaw talaga ang type. Tanggapin na lang niya na hindi sya ang gusto. Pero ingat ka girl, playboy yun.” paalala nito sa akin. "Pempem lang ang gusto at kapag natikman na, iiwan kang luhaan." “Oo, alam ko naman. Magsasawa rin yun kakakulit sa akin.” Lunch break, sabay kaming kumain ni Angelo pero hindi magkatabi. Binigyan niya ako ng chocolate na donut. Tatlong piraso at napangiti ako. Angelo: Kita tayo mamaya ha. Can't wait to be with you. mensahe nito na di ko sinagot at binasa ko lang. Uwian ng alas singko. Maraming naglalabasan na sabay-sabay mula sa ibat-ibang opisina mula sa building na yon. Kinabahan ako nang makita si Angelo. Ayokong ma-tsismis at pagtinginan ng marami. Kilala kasi si Angelo dahil sa kagwapuhan nito pero nag-uumpisa na itong magpakita na malapit na kami sa isa't-isa. “Alice tara na!” sigaw nito. Magtetext pa lang sana ako na sa malayo sa office kami magkita para walang issue. “Where are you going. May date kayo ni Angelo?” kasabay ko ang mga girls kaya narinig nila ang sigaw ng lalaking makulit. “Hindi. Ano kasi? Nagpapasama lang sya.” “What? Bakit sayo?” imbyerna pa rin si Hannah sa akin dahil kay Angelo. “Ewan.” “Alicia ang tagal mo kanina pa ako dito!” Nahihiya ako sa pagsigaw ng pangalan ko ni Angelo. Gumagawa sya ng iskandalo at parang sinasadya nya talaga na malamn ng iba na magkasama kami. “Sobrang nakakainis,” binilisan ni Hannah ang paglalakad at iniwan na kami. nagtampo nanamn ito. “Good luck sa date at ingat ka girl,” saad ni Dina. “Salamat sa pag-aalala.” Nilapitan ko na si Angelo saka hinampas dahil sa inis ko at alam kong sinasadya niyang inisin talaga ako. “Ang ingay mo. Bakit ba sigaw ka pa ng sigaw?” “Ang tagal mo kasi. 30 minutes na ang nasayang na oras. Nagpapaganda pa kasi eh magand naman. Gusto mo pa bang magpaligaw sa iba ha?” “Sira ulo ka at grabe ka ha. Bakit naman dito mo ako hinintay? Madaming makakakita at nagsisisigaw ka pang damuho ka.” “Sakay na bilis. Ang daldal mo at ang bagal mo pa talaga.” “Nagalit si Hannah.” “I don’t care.” “Saan ba tayo? Nakakahiya talaga yung ginawa mo. Pagtsitsismaisan tayo nito bukas tapos si Hannah pa. May toyo.” “Hwag mo nga silang intindihin. Ako lang ang intindihin mo ok.” Napabuntong hininga na lang ako saka yumakap kay Angelo. Nakasakay na ako sa likuran ng motor niya at naisuot ko na rin ang helmet. “Very good babe,” sumandal naman ito sa akin na lalo pang nagpapayakap. Nagdrive na sya at di ko alam saan patungo. Lumabas kami ng metro. Mapuno na ang lugar at di na kagaya ng Maynila. Makalipas ang isang oras at mahigit mula sa opisina ay nakarating kami sa isang hotel na may apat na palapag. “Ano nanaman ba to Angelo? Akala mo maiisahan mo talaga ako ha,” hampas at kurot ang inabot niya sa akin. Inis na inis ako at nakasimangot dahil dinala niya sa lugar na iyon. Masama talaga ang balak niya sa akin. “Teka! Tingnan mo muna kasi ang loob. Nagagalit ka agad eh.” “Malamang may kama at aircon. Hotel ito eh.” galit na sabi ko. “Hindi lang ito hotel kaya tingnan mo muna bago ka magalit dyan at hwag ka ngang sumigaw. Nakakahiya.” “Ayokong tingnan, manyak ka. Umuwi na tayo. Bwisit ka talaga. Hinding-hindi na kita kakausapin.” “Isang oras mahigit ang byahe natin. Wala naman akong gagawing masama. Bakit ba laging yan ang iniisip mo?” “Sa bahay mo tapos ngayon sa hotel. Anong gusto mong isipin ko?” patuloy akong nakikipagtalo sa kanya. Alam ko na kasi ang ligaw ng bituka niya at bakit ba kasi nagtiwala a ako sa kanya. Ang tanga ko na sumama pa sa kanya. “Please tingnan mo muna,” pakiusap niya at akala niya maloloko nanaman niya ako. Napilitan na rin akong pumasok sa building na yun. Naisip kong ang layo nga ng byahe kaya pagbibigyan ko sya na ipakita kung anuman ang naroon sa lugar na yun. Kapag pinilit nya ako sa bagay na ayaw ko, gugulpihin ko talaga sya. Umakyat na kami. Sa una at ikalawang palapag ay may rooms. Tama ako at hotel nga iyon. Nagtitimpi lang ako pero nagagalit na talaga ako at gusto ko nanaman syang masapak. Lumagpas kami doon at umakyat sa third floor. Ano pang ieexpect ko? Malamang room din iyon. Baka mas mahal lang at malaki para sa paglalabing-labing ng mga couple. Pero sa aking nakita ay may kainan. Umakyat pa kami at coffee shop naman sa fourth floor. Namangha ako sa magandang view. Mag su-sunset palang. City view and mga puno ang kita sa itaas ng gusali. Sobra akong na-amaze at nahiya din sa inasta ko kay Angelo kanina. Nakakapit ako sa railings nang lumapit si Angelo sa aking likuran. Halos dumikit ang mga mukha namin sa isa't-isa “Ano pong masasabi ninyo ma’am? Tama ba ang iniisip mo?” “Maganda naman ang view,” para akong maiiyak sa pagkapahiya. Napakagat ako sa aking labi at wala nang masabi. “Masyado kasing mapanghinala. Lagi mo kasing iniisip na fuk*boi ako eh hindi naman. I'm just a sweet lover, ok.” “Malay ko ba na ganito dito. Wala ka man lang hint kung saan pupunta at ano ang makikita. Basta anyaya na mag-stroll. Tapos bubungad sa akin hotel agad.” “Kasalanan ko pa nga. masama ka kasi magisip pero impress ka ba?” “Konti lang.” “Ang yabang talaga,” yumakap siya sa akin mula sa aking likuran. “Pero nakakainlove kahit na masungit.” “Oo nakakainlove,” Ilang segundong huminto ako sa pagsasalita. “Ang lugar nakakainlove. Hwag kang mag-isip ng kung ano. Di ikaw ang tinutukoy ko ha.” “Paasa ka. Order na nga lang tayo.” Hila nya ang kamay ko at pababa kami sa kainan sa third floor. Habang naghihintay ng aming order ay nagkwentuhan muna kami. “Ilan na ang nadala mo dito?” “Ikaw pa lang. Grabe ka talaga.” “Thank you kung ganon," napangisi lang siya at kunyari naniwala ako sa sagot niya. “Mamaya maganda ang view sa taas. Mag-coffee tayo.” “Ok," muling ngumisi lang siya at magiging maganda panigurado ang gabing ito. “Magaganda ang mga officemates mo,” saad ko. “So?” Wala kang trip sa kanila, nililigawan o crush? Ilan kaming pinagsasabay-sabay mo?” “Syempre meron akong crush doon.” “Sabi na nga ba at playboy ka talaga at ayaw mo pang aminin.” “Pero ikaw ang pinaka-gusto ko dahil ikaw ang pinakamasungit at pinakamahirap suyuin.” Kinilig naman ako pero kalma lang at di pinahalata. Playboy sya, always remember kahit di nya aminin. Di na ako sumagot pa dahil dumating na rin ang aming pagkain. Ang dami at mukhang masasarap lahat.Sabi ko hahati ako sa bill pero ayaw nya pa rin. Agad kaming umakyat sa fourth floor pagkakain namin. Maganda daw kasi ang view doon at baka mapuno agad ang coffee shop ng mga customers. Nakatanaw lang kami sa city skylines at nakakarelax ang tanawin. “Sa Sabado mag-Baguio tayo.” anyaya nanaman ng lalaking ito. “Ang layo naman.” “Malapit lang yun. Ano? Sige na. masarap doon at malamig.” “Ayoko sa malamig. Baliw ka talaga,” di ko na lang sya inintindi pa. Nangti-trip nanaman sya at kung anu-anong naiisip. Naisipan kong magpicture na lang kaming dalawa. Game naman sya at nakaakbay pa sa akin. “Ipopost ko to,” paalam ko sa kanya. “Bahala ka.” “Magagalit ang mga babae mo,” biro ko. “Sino?” “Hindi ko kilala kung sinong mga babae mo. Sinu-sino ba?" “Hay, ang kulit. Wala akong dine-date na iba. Di ako ganoong lalaki na pinagsasabay-sabay ang mga babae. Mabait ako at bakit ba ayaw mong maniwala? Akala ko ba ayaw mong maissue tayo? Bakit mo ipopost?” “Hindi ko to ipopost at baka magkaroon pa ako ng maraming haters. Mabugbog pa ako sa opisina,” alam kong halos lahat ng babae sa building namin ay crush siya at ayokong mapaaway dahil sa litratong ito. I order tea at sya naman ay nag-kape. Isang oras pa kaming nagtagal sa lugar na iyon bago umuwi. Sa tuwing magde-date kami, naiimpress ako sa kanya. He's giving his best para masaya ang date naming dalawa parang naniniwala na ako sa genuine and good intension niya. Hanggang sa pagtulog ay nakangiti ako dahil sa sayang nararamdaman na nakasama nsi Angelo. Kinabukasan, ay nasa lobby nanaman si Angelo at sabay kaming umakyat sa elevator. Nagbibiruan ang mga kasamahan ni Angelo at nagtatawanan. Hanggang sa lumabas na kami at ihatid nanaman niya ako sa office ko. “Tanggap ko na na mas maganda ka sa akin. Hindi na ako magpapakabitter at hahayaan ko na kayong dalawa.” “Sorry ha kung nasaktan ka.” “Ako lang naman ang nagpapasakit sa sarili ko. Alam ko naman noon pa na ikaw talaga ang bet ng lalaking yun.” “Hindi naman kami. Date-date lang ganun.” “Kahit maging kayo pa. Wala na akong pake. Good luck at sana maging masaya kayo. Hindi ako bitter ha. Konti lang.” “Thank you.” Nakahinga ako ng maluwag dahil ok na kami ni Hannah. Natauhan na rin si Girl at sana ay makahanap siya ng magmamahal sa kanya. Ako kaya, nahanap ko na ba? Si Angelo na kaya yun? Dahil gabi na ang uwi namin ay sabay lang kaming nagdinner ni Angelo at umuwi na rin kami agad. “Bye babe, see you again tomorrow. Wala ba kahit isang kiss man lang?” “Isa lang ha,” nakangiting saad ko. Pumikit ako habang hinihintay ang isang halik niya. Marahan nyang idinampi ang kanyang labi. Bumuka ito ng kaunti at tumugon naman ako. Nilasap namin ang labi ng isa’t-isa habang nasa loob ng kotse niya. Ilang segundo namin yung ginawa hanggang sa bumitiw na ako. “Good night,” saad ko saka ako bumaba. “Good night, babe.” paalam niya Umalis na rin siya at di na bumaba pa. Mapapahonta pa siya kay papa at baka gabihin pa sya sa pag-uwi. “Hoy babae, kayo na ba?” saad ni papa pagpasok ko ng bahay. “Hindi po, Pa. Date-date pa lang.” “Napakahina talaga. Pababain mo kaya minsan kapag hinahatid ka. Para naman makapagkwentuhan pa kami.” “Gagabihin pa po kasi. May work pa bukas.” “Hay, di man lang nagbibigay pugay sa mga magulang. Mga kabataan talaga.” “Next time po, Pa. Kapag maaga kaming nakauwi,” tampo naman agad ang aking father dear. “Ok. Aasahan ko yan ha. Di pwedeng ganyan na basta-basta lang pumupunta at umaalis ng walang paalam.” Teka nga. Date-date lang pero nakahalik na agad sya sa akin. Kainis ha. Lagi akong naiisahan pero gusto ko rin naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD