BLESSY ALAS diyes na ng gabi pero wala pa rin si Dux. Maghapon siyang wala dahil maaga siyang pumasok sa munisipyo at hindi na rin siya nakauwi for lunch. Maghapon din tuloy na matamlay lang ako. Pati sa pagkain ay wala akong gana. Halos hindi na nga ako lumalabas dito sa silid namin, eh. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapakinggan ang pakiusap ko sa kaniya na huwag nang tumakbong congressman sa susunod na election. Hindi naman kasi siya sumasagot sa tuwing ino-open ko iyon sa kaniya. Palagi siyang paiwas. But the mere fact na nakikipag-meeting siya sa mga ka-partido niya tungkol sa next election, ibig sabihin ay sinusuway niya ang gusto ko. Nasasaktan ako. Dahil ako nga, pansamantala kong itinigil muna ang pagpapa-ranking sa DepEd para sa kasal namin noon at ngayo