BLESSY “DAAN muna tayo ng drug store, babe. May bibilhin lang ako,” sabi sa akin ni Kuya Dux habang nasa biyahe na kami. Nasa backseat kami. Magkasalikop ang aming mga kamay habang nakahilig ako sa balikat niya. Wala namang problema dahil sina Kuya John at Kuya Jomari ang nasa harapan. At pareho silang may alam sa ‘bawal’ na pag-iibigan naming dalawa. “Okay lang ba?” “Wala naman pong problema.” Tumingala ako sa kaniya na nagtataka. “Pero ano naman ang bibilhin mo? Kaka-grocery lang natin kahapon, ah. May mga nabili na rin tayong gamot.” Sumilay ang malisyosong ngiti sa mukha ni Kuya Dux nang tumingin sa akin at saka bumulong. “Naubusan na ako ng stock ng c*ndom. Kailangan ko pa naman iyon mamayang gabi. Dahil siguradong pagbibigyan mo ako.” Nag-iinit ang pisngi na umalis ako sa pagkaka