BLESSY PAGGISING ko kinabukasan ay nawala na ang mga pagdududa ko kay Dux kagabi. Lalo na nang magising ako na nasa tabi ko siya. Hindi ko napigilan na titigan siya habang tulog na tulog na nakaharap sa akin. Umusog ako palapit pa sa kaniya at saka ko siya niyakap nang marahan para hindi ko maistorbo ang tulog niya. Gayon man ay natukso pa rin ako na halik-halikan ang pisngi niya dahil sa konsensiyang naramdaman ko sa mga pinag-iisip ko sa kaniya kagabi. “I’m sorry, babe,” mahinang saad ko. Pero nagulat ako nang bigla na lang siyang dumilat. “Hey, baby. Bakit ka nagso-sorry?” nagtatakang tanong niya nang tumingin siya sa akin. “I mean, sorry kung hindi na ako nakabalik sa party kagabi.” Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. “At sorry din dahil naistorbo ko ang tulog mo.” “