BLESSY “ATE, puwede mo ba akong samahan na mag-shopping bukas? A-attend kasi ako ng birthday party ng kapatid ni Mitch. Hindi ko alam ang susuotin ko,” paglalambing ni Heaven nang magkita kami isang umaga. Best friend nito ang tinutukoy. “Ayaw ko namang sabihin kay Dad at baka magpgawa pa siya sa mga designer nil. Eh, simpleng party lang naman iyong pupuntahan ko.” “I really want to, beh. Pero magpapaalam muna ako sa Kuya Dux mo, ha? May advise kasi ang OB-GYNE ko na bawal muna akong maglakad-lakad nang matagal at malayo dahil nag-spotting ako noong isang araw. So, in-advise-an niya ako na mag-bed rest.” “Hala, gano’n po ba ate!” Nanlalaki ang mga mata na natutop ni Heaven ang bibig niya. “Sorry po hindi ko alam. Pero okay ka na ba ngayon, ate?” Nag-aalala na hinawakan niya ang kamay ko