DUX “SA totoo lang, Dad, hindi ko po alam kung ano ang unang sasabihin ko sa inyo. Kung magso-sorry or mag-tha-thank you ba,” mahinang sabi ko bago ko nilapitan si Daddy na nasa veranda. Nakaupo siya sa wheel chair habang nakatingala sa kalangitan. Inakbayan ko siya nang makalapit ako sa kaniya. “Sorry because I lied and thank you for your blessing.” Naramdaman ko ang pagkislot niya pero hindi siya nag-abalang lumingon man lang sa akin. Nanatili siyang nakatingala sa langit habang tahimik lang. “Believe me, sinubukan ko po na sundin kayo noon. Na iwasan si Blessy. Pero ang hirap, Dad... Ang hirap patigilin ng puso ko na mahalin siya.” Umalis ako sa tabi niya at umupo sa pasimano, paharap naman sa kaniya habang nakakrus ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib. “Ibang-iba siya sa mga ba