CHAPTER 63

2123 Words

BLESSY HINDI naman nagtagal ang pakikipag-usap ni Dux sa sinasabi ni Melinda na si Cayah daw. Parang nagbatian nga lang ang dalawa tapos umalis agad ang fiancé ko para makipag-usap naman sa ibang bisita. Kaya hindi na ako nagtanong pa sa secretary kung sino ang babaeng iyon. Sanay naman na ako na maraming babae ang nakapaligid kay Dux. At hindi ko maiwasan ang magselos paminsan-minsan. Lalo na kapag mga babae na alam kong part sa past niya o kaya ay mga harapang nanglalandi tulad ni Slyvia. Pero hindi ko naman iyon ginagawang big deal masiyado. Dahil bukod sa malaki naman ang tiwala ko kay Dux at sa pagmamahal niya sa akin, palagi naman niyang ipinapakita na hindi na siya babalik sa dating siya... Sa pagiging playboy. “Excuse me po, Ma’am Blessy, ha? Puntahan ko lang sandali sina vice.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD