CONTENT WARNING: There are scenes that may be traumatizing to some readers. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa nakalabas ako ng natatorium. Hindi ako sigurado kung may humabol ba sa akin sa paglabas pero para makasigurado ay tumakbo pa rin ako. Malakas at sunod-sunod na tunog ng baril na naman ang bumungad sa akin paglabas ko pa lang sa natatorium. Pinigilan ko ang sarili na mapaupo doon kahit na ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa kaba. My mind was focused on why I went this far tonight. Imbes na bumalik sa villa ay parang may nagtutulak sa akin na pumunta sa gawi ng fire range kung saan paniguradong nagmumula ang sunod-sunod na tunog ng putok ng baril. Isang beses na nilingon ko ang loob ng natatorium at nakitang wala namang sumunod sa akin. Napaluno
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books