Umaga na nang magising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Ilang sandali pa akong natulala sa kisame bago tuluyang napabangon para i-check ang paligid. Shìt! Kahit ilang mura yata ang sambitin ko sa isip ay hindi maibabalik no’n ang mga nangyari sa nagdaang mga araw at mas lalo na sa nangyari sa akin kagabi! Napasapo ako sa noo at ilang sandaling nanahimik bago halos histerikal na ginulo ang buhok matapos maalala ng malinaw ang mga nangyari sa nagdaang gabi. I obviously failed! And this kind of failure is something that I know I can’t get over fast! At ang mas nakakainis sa lahat ay wala man lang akong makapang kahit na anong pagsisisi dahil sa mga ginawa ko, partikular na sa mga nangyari sa pagitan namin ng Elijah Consunji na ‘yon. Kahit na ilang beses kong balikan sa isip ay hin