Favor

1410 Words

We didn’t leave the Young Bucks Society Building until the final results of the election came out. Takang-taka ako dahil halos hindi umalis si Elijah sa unit niya matapos ang deliveration ng resulta ng naganap na eleksyon. Pero mas iniisip ko ang hindi ko natupad na pangako sa Mommy niya na papasyal kami ngayong weekend sa resthouse. Pilit kong sinasabi kay Elijah na ihatid kami sa resthouse pero hindi talaga siya pumapayag dahil hindi raw safe lalo na at kaka-announce lang sa TV ang pagkapanalo niya. Kabilaan din ang tawag na natatanggap niya at ilang mga online interviews at phone interviews. Masaya siya sa tuwing haharap sa camera pero kapag ako na lang ang kaharap niya ay hindi ko nakikita sa mga mata niya ang saya dahil sa naging pagkapanalo niya. “Can I ask you something, Elijah?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD