Come

1613 Words

Elijah indeed waited for a week to come home with us. Sa bahay ng parents niya sa Manila kami unang tumuloy nang makabalik kami sa Pilipinas. Wala ang parents ni Elijah doon dahil sa resthouse sa Tagaytay na namalagi ang mga ito simula noong umalis kami papuntang Australia. Kinabukasan ay sa bahay na kami tumuloy dahil sabik na sabik na sina Mommy na makita ulit si Grant. “Oh, my gosh! Grant is getting more handsome, Ate Dev! Nakakalakad na siya kaagad?!” mangha na bulalas ni Dasha nang dumating sa bahay kasama si Zion. Mukhang galing siya sa isang shoot at nagmadali pang umuwi nang mabalitaan na nandito na kami sa bahay. “Hindi pa kayang lumakad mag-isa,” nakangising sagot ko at saka nginitian si Zion na tumango lang sa akin at kay Elijah. Gigil na umupo si Dasha at saka sinubukang buh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD