Chapter 1 - Leonard Cynel

1235 Words
"Cynel, bili mo ko n'yan." "Which one, baby?" "Iyan! I want pink!" ang demanding na saad ng aking pinsang si Kendall Brynlee Hayes Davis sabay turo niya sa nakasabit na cotton candy. Nasa isang carnival kaming dalawa dahil nangungulit siyang pumunta kami roon. Limang taong gulang pa lamang si Kendall at nag-iisang anak ng aking Tita Aimee, ang nakatatandang kapatid ng Mommy ko. Mas matanda si Tita Aimee kay Mommy ng dalawang taon. Subalit late na siyang nagbuntis kay Kendall. Nagpagamot pa siya sa America upang magkaroon ng anak sa asawa niyang US Navy. Kaya mas matanda ako kay Kendall ng labing tatlong taon. "Lee, baby, how many times do I have to tell you to call me Kuya?" tanong ko sabay karga sa batang paslit na nakaupo sa upuang nasa likuran ng driver's seat. Nangunyapit siya sa aking leeg at ipinulupot ang kaniyang maliliit na binti sa aking baywang. "No! I will never call you Uya. Never!" "And why is that, baby?" "Because I love you, Cynel." "And I love you too, Lee. Mahal na mahal ka ni Kuya," saad ko sabay halik sa kaniyang pisngi. "I want a kiss, Cynel. Lips please," pagpapa-cute niya habang naka-pout ang maliliit at pinkish niyang labi. "Ayaw," saad ko sabay iling. "You have to call me Kuya first." "Uya, kiss me, please," ang mabilis niyang bawi at tinawag akong Kuya. Napatawa ako bago siya binigyan ng magaang halik sa kaniyang labi na sobra niyang ikinatuwa. "You happy now, Lee?" nakangiti kong tanong. "Yehey! Thank you, Cynel." "What happened to Uya?" kunwari ay nagtataka ako. Pero ang totoo, alam kong naisahan na naman ako ng pinsan kong makulit. "Bleh! No Uya for me." "Ang daya mo talagang bata ka," naiiling kong sagot. "Let's buy this cotton candy, shall we? We need to hurry home kasi naghihintay na ang mommy at daddy mo. You're going back home to the states this evening." "But I don't want to go home, Cynel," sagot niya. Kababakasan ng lungkot ang kaniyang boses. "Don't worry, Lee. You'll be back in no time. Uya will also be visiting you in the states, okay?" I answered while securely holding her in my arms. Hindi siya kumibo. Sa halip ay nagsimula siyang kainin ang cotton candy na hawak niya. Pagdating ng bahay ay nadatnan naming naghihintay na sa living room sina Mom and Dad, Tita Aimee and Tito Patrick. "Thanks for giving in to this little lady's caprice, Cynel. I appreciate it," nakangiting saad ni Tito Patrick sabay kuha kay Kendall mula sa mga bisig ko. Ngumiti rin ako pabalik at tumango bilang tugon. "Daddy, please. I don't want to go back home. I want to stay with Uya," pakiusap ng paslit na si Kendall habang umiiyak. "Lee, you know that's not possible. Your Uya is busy with his studies," sagot ni Tito. "Kendall, anak, babalik naman tayo rito sa susunod na taon," sabat ni Tita Aimee habang hinahagod ang likod ng anak. "Cynel, thank you at pinagbigyan mo ang pinsan mo." "You're welcome, Tita. Masaya po akong nakabonding si Kendall kahit sandali. Ang sarap po pala ng may kapatid," sagot ko. Binalingan ko si Kendall ngunit patuloy lang siya sa paghikbi sa balikat ng kaniyang Daddy habang nakayakap siya sa leeg nito. "Cynel, please help your Tito and Tita sa mga suitcases nila. Magpatulong ka nalang sa driver natin, anak," pakiusap ni Mom. "Sure, Mom. Ako na po ang bahala. Nasaan nga po pala si Dad?" "Nasa kuwarto at nagbibihis, anak. Kararating lang din kasi niya galing sa opisina." "I see. Sige po. Maiwan ko na po muna kayo," paalam ko bago umalis ng living room. Hawak ko sa magkabilang kamay ang dalawang suitcases nina Tita. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nasa airport na kami. It's going to be their flight at ten in the evening kaya maaga namin silang inihatid. Bago pumasok ng departure area ay muli kong kinarga si Kendall. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo. "I love you, Lee. Uya will certainly miss you, baby." Mahigpit siyang yumakap sa aking leeg. "Uya, please. I don't want to go home." Kinuha siya ni Tito Patrick mula sa mga bisig ko. Medyo nahirapan pa si Tito dahil sa sobrang higpit ng pagkakayapos niya sa aking leeg. Ngunit sa huli ay wala ring nangyari at tuluyan siyang napabitaw. "Uya!!!" Bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalimpungatan ako mula sa aking panaginip. Hindi ko maintindihan kung bakit palaging bumabalik sa panaginip ko ang alaala ko from fifteen years ago tungkol sa nag-iisang pinsan kong si Kendall. Lee, kumusta ka na kaya? Tanong ko sa isip ko. Almost sixteen years na kaming hindi nagkikita. Huli na iyong pag-uwi nila noong 2001, I was just eighteen back then at second year college student. Mula noon ay hindi na kami nagkitang muli o nagkausap man lang sa phone. Madalang kung tumawag si Tita at maging si Mommy ay ganoon din. At sa tuwing nangyayari iyon ay palaging hindi available si Kendall o 'di kaya ay ako ang wala sa bahay. Out of the blue ay bigla kong na-miss ang cute kong pinsan so I decided to ask Mom to make an overseas call later this evening. Hindi ko rin kasi alam ang numero ni Tita sa US. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang aking phone sa ibabaw ng side table. It's only four o'clock in the morning, so I decided na mag-jog sa oval ng subdivision. May sarili akong bahay at lupa na katabi lang ng aming mansyon kung saan nakatira sina Mom at Dad. Humiwalay ako sa kanila when I started working after I passed the ECE Board Examination in 2005. Ayaw pa nga sana nilang bumukod ako dahil magiging malungkot daw sila sa malaking bahay but I insisted. Dinadalaw ko rin naman sila from time to time especially every time na bumibisita ang pamilya ng best friend kong si Margaux. Sobrang natutuwa ang mga magulang ko sa mga anak nina Marg at Rius lalo na sang bunso nila na ngayon ay pitong taong gulang na. Pagkatapos ng mahigit isa at kalahating oras na pagtakbo sa oval ay nagdesisyon na akong umuwi upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Dumiretso ako ng kusina kung saan nadatnan ko si Manang Nancy na naghahanda ng breakfast. Siya ang mayordoma sa mansyon na personal na nag-aasikaso sa akin dito sa bahay ko lalo na tuwing umaga. Ayaw kasi ni Mom na kumuha ako ng sarili kong house helper. Wala raw siyang tiwala sa ibang tao. Manang Nancy is in her late 40s at parang anak ako kung ituring. "Good morning, Manang." "Good morning, anak. Anong oras ka umuwi kagabi?" "Mga alas nuwebe na po yata, Manang. Sumaglit po kasi ako sa Uptown Depot," sagot ko habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Uminom ka na naman ba, anak?" "Kaunti lang naman po." "Mag-iingat ka lalo pa't nagmamaneho ka ng kotse mo pauwi." "Yes po, Manang. Huwag po kayong mag-alala. Teka po. Bakit ang aga po yata ninyo? It's just five thirty. Mamayang alas-otso pa naman po ang pasok ko sa opisina." "Mabilis lang ang oras, Cynel. Magpahinga ka sandali at ipaghahanda kita ng almusal." "Sabayan n'yo na po akong kumain, Manang. Please?" "Anak, alam mo namang nagkakape lang ako sa umaga. Sige, ganito nalang. Sasamahan kita sa hapag habang nagkakape ako." "Yup, I would love that po. Aakyat lang po ako sandali sa kuwarto," nakangiti kong sagot bago tumalikod at tinungo ang hagdan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD