Hindi ko na mapigilang maantig ang aking damdamin sa tono ng pananalita niya. Ayaw ko na namang maging assuming, ngunit pakiramdam ko ay nasasaktan siya. Idagdag pa doon ang mabilis na pag-iwas ng kanyang mga mata sa aking mukha na para bang ayaw niyang basahin ko ang nilalaman noon. Umubo-ubo ako upang gawing klaro ang aking pananalita. Ayokong isipin niyang tuluyan akong nagbago. “H-Huwag na...sasabay na lang ako sa’yo, Winter.” wika kong pinagsalikop ang aking dalawang palad na kaagad na doong nanlamig na parang yelo, pakiramdam ko ay mabilis na akong pinagpawisan nang malamig. “Nakakahiya naman kay Sky.” Naburo na sa akin ang kanyang mga matang tila ba hindi makapaniwala sa aking mga sinabi. Maliit akong ngumiti. Magiging sinungaling ako kung sasabihin ko ngayon na hindi ko siya na-m