Mahina na akong natawa doon nang maalala ang araw na iyon. Hindi malimutan ang kanyang reaction sa mabilis na pagsagot ko ng oo upang maging nobya niya. Hindi ko na mapigilang hawakan ang magkabila kong pisngi na nakaramdam nang agarang pag-init doon. Ibang-iba na ang kanyang epekto sa akin. Sa pagdaan ng mga araw ay mas napalapit pa ako kay Sky. Hindi mahirap na magustuhan siya. Makulit, palabiro, mahilig mang-surprise at dama ko ang effort na ibinibigay niya. Kung pagkukumparahin ko nga silang dalawa ni Winter ngayon at papapiliin ako sa kanilang dalawaay walang kahirap-hirap na si Sky ang aking pipiliin, kahit pa paulit-ulit akong tanungin. Iyong pagkagusto ko noong nakatago kay Winter ay sa kanya na lahat ngayon napunta. Bagay na ipinapagpapasalamat ko dahil ngayon ay hindi na one sid
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books