Chapter One
“Celeste Aurelie!” rinig kong sigaw ng kung sino. I looked back and saw my best friend, Jasmine, running towards me. “Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Cafeteria,” maikling sagot ko nang nasa tabi ko na siya. “Ikaw? May klase ka pa?” tanong ko naman sa kaniya.
Tumango siya. “Yeah,” sabi niya. “I’ll see you after class?”
I nodded. “See you,” I told her.
“Pupunta ka pa kay Elton? Wala kang klase?” sunod-sunod na tanong niya.
Tumango lang ako ulit. I smiled at her bago kami nagkahiwalay. I went inside the cafeteria. Elton told me nasa katabi daw siya ng stall ng McDo.
I went to that section and saw him. He waved at me nang nakita niya ako. I smiled at walked to him. Elton is my boyfriend as of the moment. I have had boyfriends since I was in high school. I don’t know how it started that I have had boyfriends, pero bigla na lang nangyari. At ngayon, hindi ko alam kung pang ilan na siya.
“Hi,” bati ko sa kanya. He stood up and kissed my cheek. He pulled the chair for me. Naupo ako bago siya naupo sa harap ko.
“Anong gusto mo?” tanong niya.
“Fries na lang,” sagot ko. “At saka coke float please,” dugtong ko.
I was about to give him my money but he already turned his back on my. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Elton is rich, just like me. We have been for 3 months already. And as a boyfriend, I can say that he was okay. No drama, no expectations.
Hinintay kong bumalik si Elton. Hindi din naman nagtagal ay nakarating siya dala ang pagkain namin. We started eating. Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano.
After thirty minutes, nagpasya na akong umalis. My dad texted me already. Tumayo ako at nagpaalam kay Elton.
“I need to go,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Sanay naman na siya kapag kailangan ko ng umalis ay iniiwan ko siya. “I’ll see you tomorrow?”
Tumango naman siya. He stood up. “Hatid na kita sa sasakyan niyo,” sabi niya. Tumango ako at tumayo na din.
Hinatid niya ako sa sasakyan ko kung saan naghihintay ang body guard at driver. My body guard opened the back door for me. I waved and smiled at Elton.
Nag biyahe na kami pauwi. Dad keeps on texting me kung nasaan na daw ba ako. Nag reply na lang ako na malapit na. Hindi din naman nagtagal ay nakarating na ako ng bahay. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papasok ng bahay. It’s already 5 PM. For sure, nandito na si Daddy.
Pumasok ako ng bahay at nakita ang mga kasambahay. “Good evening, po,” batik ko sa kanila. Binati din naman nila ako pabalik.
“Si Mommy at Daddy po?” tanong ko.
“Nasa kwarto pa, anak,” sagot ng mayordoma namin na si Nana Lourdes.
Tumango ako. “Akyat po muna ako,” sabi ko at umakyat ng hagdan. I went straight to my room. Naligo muna ako at nagbihis. Saktong natapos ako nang 6 PM. Tinawag na ako ni Nana Lourdes na kumain. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Dumiretso ako sa dining area.
Wala pa doon sina Mommy at Daddy. Kuya Rely was alone there, sitting on his chair. “Hi, Kuya,” bati ko sa kanya. I kissed his cheek before I sat down on my chair.
“How’s school?” tanong niya. Bago pa ako makasagot ay dumating na si Mommy at Daddy. Dad kissed my cheek before he sat down. Ganoon din si Mommy.
Naupo na ang lahat. The food’s already ready kaya nagsimula na kaming kumain.
“Akala ko ma le-late ka na naman ng uwi, Celie,” puna ni Daddy. I smiled at him.
“Hindi po, may klase pa kasi si Jasmine kaya di kami naka dinner sa labas,” simpleng sabi ko na lang. pero totoo naman ‘yon. Kapag ginagabi ako ng uwi, si Jasmine ang kasama ko. Minsan dinadala niya ako sa mall o coffee shop. Pero kapag Friday at Saturday, dinadala ko siyang club.
Tumango naman si Daddy sa sinabi ko. As for my Mom, okay lang naman sa kanya kapag ginagabi ako ng uwi, basta ba kasama ko lang ‘yung body guard ko.
“Ano na pong balita doon sa deal niyo Dad?” tanong ni Kuya Nag-usap na sila ni Kuya tungkol sa negosyo. We own the biggest chain of bank here in the Philippines. Daddy also has investments to other banks abroad kaya malawak talaga ang sakop namin. Meron ding ibang negosyo si Daddy. We also own casinos.
Ilang minuto pa silang nag-usap tungkol sa deal na na close ni Daddy. Patuloy lang kami ni Mommy sa pagkain habang nakikinig. May isang chain of bank na napabagsak si Daddy. Maliit naman iyon pero siyempre, negosyo pa din iyon. The owner got angry at Dad.
“I asked you to go home early because of this, Celie,” sabi ni Daddy.
“Bakit po?” tanong ko naman. Tapos na akong kumain kaya nakatuon na ang pansin ko kay Daddy. Umayos siya ng upo. Mommy held my hand dahil magkatabi kami.
“I will increase your body guards,” hindi pa siya natatapos mag salita ay umungot na ako.
“Dad naman!” angal ko. Umiling naman siya sa akin.
“We have been receiving death threats anak,” Mommy said. Napatingin naman ako sa kanya.
I wanted to roll my eyes pero alam ko namang ginagawa lang nila ito para sa safety ko. “Isa lang po ah?” sabi ko sa kanila.
My Dad nodded. “So you’ll have two body guards plus one driver,” he said. “Your body guards need to come with you wherever you go,” he added.
My eyes widened at him. What the hell? “Dad!” angal ko.
I looked at Mommy. “Mom, please,” pag papa-awa ko pa.
Mommy just smiled sadly. “We can’t risk it, honey,” Mom said.
“Sumunod ka na lang, Celie,” Kuya said.
I rolled my eyes at him. “Good for you. Wala ka naman kasing mga body-“ hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita si Daddy.
“Your Kuya will have his own body guards,” Daddy said. “We can’t really risk it. I hope you two will cooperate,”
Wala na akong nagawa nang tumango si Kuya. Tumango na lang din ako. Oh, gosh. Bakit ba sila naniniwala sa mga death threats na ‘yan? They are just plain threats. It has been years since our chain of banks was held as the number one bank here in the Philippines. Pero wala namang nangyayari.
Pero dahil wala naman na din akong magagawa ay pumayaw na lang ako. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako ng kuwarto.