13

1981 Words
Noah and Maxine last met when Noah drove her to her apartment. And since then, she hasn't received any texts or calls from Noah. She was walking alone in the hallway of the school when a woman blocked her way. It was Jane, her classmate. Jane was the quietest student in their section. She doesn't speak if you haven't talked to her. Kaya naman para sa kaniya si Jane ang pinakamisteryoso na babae na hindi mo maaring ibigay agad ang iyong inaalagaan na tiwala. Kakaiba ang personalidad ni Jane, bukod sa tahimik ito, palaging may hawak na libro si Jane at parating nangunguna sa klase ayon sa iba niyang kakilala. Bukod sa matalino ay kinahuhumalingan din si Jane ng mga lalaki ngunit kahit isa ay wala ito pinapansin dahil puro pagaaral ang nasa isip. Natigilan siya na humarang sa harapan niya si Jane. "Ikaw si Maxine diba?" medyo nag aalinlangan pang tanong ni Jane. "Oo ako nga-" "Magiingat ka sa lahat ng mga kinikilos mo, everyone is watching you." babala sa kaniya ni Jane pagkatapos ay agad na iniwan si Maxine na naguguluhan. Maxine was a bit confused, she didn't know what Jane was up to, but she'd better just ignore what Jane said. Biglang nag ring ang bell kaya't dali-dali siyang naglakad papunta sa room pagkat sigurado na maguumpisa na ang klase. Bago pa man siya makarating sa classroom ay nakasalubong niya si Noah. Nagkatinginan lamang sila at siya na mismo ang kusang umiwas. Hindi sa nagtatampo siya kundi gusto na niyang umiwas muna sa tukso. Napansin ni Noah ang pag-iwas ni Maxine, pagpasok niya sa room ay agad na bumati ang kaniyang mga estudyante. Nakatuon lang ang tingin niya kay Maxine ngunit hindi siya nito pinagtutuunan ng pansin kahit isang sulyap lamang ay hindi siya nito pinaglaanan. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng buong klase "Good morning class, today there is no discussion first because we have something important to talk about the upcoming anniversary of Queen State University. There will be a running route and we will have to choose two pairs to be the representative candidate, like Mr. And Ms. QSU in this section. Pero may twist ang run way na ito dahil Teacher x Student ang magkapartner. In other words, we have to choose one female representative and one male representative to be my partner and Mam Karen on the runway that will take place on Friday night. So let's choose? Who do you think is eligible to be the representative for your section?" Nagtaas bigla ng kamay si Ashley upang magbigay ng suhesyon "I think Maxine is suitable to be one of the candidates." Agad napunta ang lahat ng atensyon kay Maxine, hindi nakapagsalita si Maxine at lumingon lang kay Ashley "Ash?!" saway niya sa kaibigan. "Are you kidding us, Ms. Fuentes?. Sa tingin mo babagay siya maging partner ni Sir Noah?" sabat ng isang babaeng na akala mo naman ay kagandahan, make up lang naman ang puhunan. "At bakit naman hindi?" pagtataray ni Ashley "Nakakasiguro naman ako na mas karapat dapat siya kesa sayo, Zia. Look at yourself in the mirror!? Mas pabor naman ako sa natural na ganda ni Maxine kesa sa mukha mo na mas makapal pa ang make up sa libro." Nagtawanan ang mgakaklase nila dahil sa banat ni Ashley. Si Maxine ang nakaramdam ng hiya para sa kaibigan kaya't Inawat niya si Ashley "Tama na Ash!, hindi naman ako bagay para sa ganyan at isa pa wala din akong pera." "Tama!, alam naman natin na isang hamak na scholar lang si Maxine sa University na ito at wala siyang pera to afford the other expenses" sabat naman nung kaibigan ni Zia na si Kyla. "Hoy Kyla! Siguraduhin mo muna na tunay ang kilay mo bago ka magbigay ng walang kwenta mong opinyon!. Hello?, Hindi lahat ng bagay tungkol sa pera. Ano naman kung scholar lang si Maxine? Wala na ba siyang karapatan na maging representative ng section na ito?!. If she can't afford the gowns, I'll take care of everything" Gigil na sambit ni Ashley. Mas lalong nakaramdam ng hiya si Maxine dahil totoo ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaklase. Sasagot pa sana si Ashley sa mga pangungutya ni Zia at Kyla ngunit pinigilan siya ni Maxine "Tama na, huwag mo na silang patulan. Totoo naman ang sinasabi nila." "There's nothing wrong of being a scholar, at walang naaapakan na tao ang kaklase ninyo. So stop judging her at huwag ng mag salita kung wala din naman katuturan ang sasabihin ninyo." sambit ni Noah "Buti pa ipagpatuloy ma ang botohan para agad tayong matapos-" Nagtaas ng kamay si Matthew "I think it would be better if Jane would be one of the representatives. Aside from Jane being smart, she is responsible for everything and no judgment can be thrown at her. She's perfectly fitted to be the next Ms. QSU and one more thing, she can afford the other expenses because she's one of us. She comes from a well -known family." Nanatiling tahimik naman si Jane at hinahayaan na magdesisyon ang kanilang mga kaklase. Napalingon si Noah kay Maxine, gusto niyang maging partner ito ngunit nakadipende pa din sa gusto ng nakakarami. "Well let's see, magtaas ng kamay ang boto para kay Ms. Mojado. Ang mga hindi nagtaas, definitely ay boto para kay Ms. Nievez. The choice of the majority is what we will follow. " Kahit labag sa kalooban ni Noah ay wala siyang magagawa "Sa aking nakikita mas maraming may gusto na si Ms. Mojado ang isa sa magiging kandidata. Si Jane ang para sa babae, sino naman ang gusto niyo para maging kandidato bilang Mr. QSU?." "Just like before, we want Cedric to be one of the candidates. " "Okay, Mr. Cedric Lee and Ms. Jane Mojado, you have to prepare for the coming runway because you are the one chosen by the majority. " Ani Noah "There are also other contests and sports to be held on Friday, so for those who are interested, you can register on the main website of the campus to participate in the contest you like. Just click the link provided by the head office and just fill in the form, ganoon lang kadali ang pagsali." Noah's announcement just continued while Ashley and Maxine were just talking and did not pay attention to what their teacher was saying because they also lost interest. "I'm really-really sorry Max, ikaw naman kase talaga ang bagay na maging partner ni Sir Noah sa run way kaya naisipan ko na I suggest na isa ka sa gawin kandidata. Hindi ko naman sinasadya na mabigyan sila ng pagkakataon na husgahan ka eh" pag hingi ng tawad ni Ashley. "Ano ka ba, ayos lang yun. Totoo din naman ang sinasabi nila... na hindi ako bagay sa ganyan. Mas mabuti na din na si Jane ang maging partner ni Sir Noah, mas maganda siya, mas sexy at mayaman" ani Maxine na may bahid na lungkot sa kaniyang boses. "Pera lang naman ang wala ka eh, natural ang ganda mo at sexy pa kaya huwag mong ibaba ang sarili mo" ani Ashley "At isa pa, alam naman nating dalawa na ikaw talaga ang gusto ni Sir Noah" dagdag pa ni Ashley. Hindi sumagot si Maine at nagkibit balikat na lang. "Siya nga pala, may ibibigay ako sayo" ani Ashley na malapad ang ngiti, may kinuha ito sa gilid ng kaniyang upuan na isang pulang paper bag at iniabot kay Maxine "I bought this last Friday when I went to the N.A.L Clothing Store at naalala ko na malapit na ang birthday mo. Aayain sana kita mag dinner date kaso umalis pala kayo ni Lover boy. . . Belated happy birthday Max." Bahagyang natulala si Maxine sa isipin na hindi niya man lang naalala na birthday niya pala kahapon at hindi man lang din naalala ni Noah iyon. Nahimasmasan siya ng tapikin siya ni Ashley sa balikat "Hindi mo ba nagustuhan?" may pagaalala na tanong ni Ashley. "Pasensya na may pumasok lang sa isipan ko" paghingi niya ng paumanhin "Syempre nagustuhan ko, at kahit ano pa ang ibigay mo magugustuhan ko kase kaibigan kita eh. . . Maraming salamat sa regalo mo at sa pagpapaalala sa akin na birthday ko kahapon" bahagya siyang bumuntong hininga at pilit na ngumiti "Sa totoo lang hindi ko alam na birthday ko kahapon eh. Kung hindi mo pa ako bigyan ng regalo ay hindi ko maaalala." "Huh?, Diba nag celebrate kayo ni Lover boy kaya kayo umalis?" May pagtataka na tanong ni Ashley. Bahagyang tumungo si Maxine at pilit na ngumiti upang itago ang tunay niyang emosyon "Agad din kase kaming umiwi eh, hinahanap kase siya ng asawa niya." Naramdaman ni Ashley ang lungkot at pighati na nararamdaman ng kaniyang kaibigan kahit pa nakangiti ito "I feel sorry for you." "Ayos lang ako noh" kahit na nakangiti si Maxine ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Napabuntong hininga si Ashley at niyakap ang kaibigan "Eyes can't lie Max. I'm just here for you, mabuti pa sumama ka sa akin mamayang gabi para makalimutan mo ang nararamdaman mo." Kumalas sa yakap si Maxine at pinunasan ang kaniyang luha pagkat hindi siya maaring makitang mahina ng mga taong nasa paligid niya, lalo na si Noah "S-ige, sa tingin ko kailangan ko din maging masaya kahit isang gabi lang." "Great!, Sisiguraduhin ko na makalimutan mo ang problema mo kahit isang gabi lang" ani Ashley. Nang matapos ang klase nila sa subject ni Noah ay agad silang lumabas ni Ashley upang kumain sa canteen. Hindi pa din pinapansin ni Maxine si Noah at suhestiyon din ng kaibigan niya na lumayo muna sa maaaring ikasawi ng puso niya. She needs a break even in just a short time. Bago sila makarating sa Cafeteria ay nakasalubong nila si Mr. Salcedo, guro nila sa chemistry. Agad nilang binati ang guro. "Good morning Sir" sabay na pagbati ni Maxine at Ashley. "Good morning ladies" ani Mr. Salcedo. Paalis na sana sila ng anyayahan ni Mr. Salcedo si Maxine sa office nito. "Ano po bang paguusapan natin?" Kunot ang noo ni Maxine at puno ng kuryosidad. "About the upcoming events, I badly need your help, Ms. Nievez" ani Mr. Salcedo. Nagpaalam si Maxine kay Ashley na mauna na ito sa Cafeteria. Pumayag naman si Ashley kaya naman sumama siya agad kay Mr. Salcedo papunta sa office nito. Magkatabi lang ang office ni Noah at Mr. Salcedo kaya hindi sinadya na magkita sila ni Noah ngunit hindi niya pa din ito pinansin. Pinagbuksan siya ng pinto ni Mr. Salcedo kaya agad siyang pumasok sa loob at binalewala ang matalas na tingin ni Noah. Narinig niya ang pagsara ng pinto kasabay ang pag-upo niya sa harapan ng mesa ni Mr. Salcedo. Inalok siya ng pagkain ng Guro ngunit tumanggi siya pagkat hinihintay siya ng kaniyang kaibigan sa Cafeteria "Huwag na po Sir, hinihintay din po ako ni Ash sa Canteen. Ano po bang tulong ang kailangan ninyo?." Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Mr. Salcedo "Alam mo naman na wala akong advisory section kaya maaring pumili ang mga tulad ko ng kahit na sinong estudyante na gustuhin naming makapartner sa run way. Papaunlakan mo ba ang hiling ko Ms. Nievez?. Huwag kang mag alala ako na ang sasagot sa lahat ng kakailanganin mo para sa run way." "B-akit ako po ang napili niyo Sir?" nauutal na tanong ni Maxine pagkat hindi pa nagproproseso sa kaniyang utak kung bakit siya ang pinili ng isang Salcedo. "At bakit hindi?, You're one of a kind Ms. Nievez, that's why I chose you. You have a personality that other students at QSU don't have. We know that not only money and beauty are needed to win, we also need a brain and heart. Kaya pagbigyan mo na ako Ms. Nievez, I don't accept a 'No'." Ani Mr. Salcedo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD