SUNOD SUNOD ang mga tanong ni Ashley tungkol sa amin ni Sir Noah. Panay naman ang tanggi ko sa kanya. "Kaibigan ko si Sir Noah noong nakatira pa siya sa San Isidro sa Probinsya, Pero noon 'yon" she lied to stop her friend suspicious.
Ashley raised her one eyebrow and focused her gaze on Maxine. "Eh bakit may kakaiba sa tinginan ninyo?" she said and went poker-faced.
"Malisyosa ka lang kaya akala mo meron" Napangiwi nalang si Maxine.
Sinimangutan siya ni Ashley "Ako wag mo akong niloloko!? Diba beshy na kita? Okay lang kahit wag mo na i deny? hello ako lang ito oh si Ashley kaibigan mo" puno ng panunuya sa boses niya habang nanliit ang mga mata na nakatingin kay Maxine.
"Wala nga-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may umupong lalaki sa tabi niya.
Tumikhim ito pagkatapos "Can i join?" anito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay at sinenyasan na umalis na lang. Hindi kase normal ang gagawin ito na makisabay kumain sa kanila, siguradong sila na naman ang magiging headline ng balita.
"Oo naman Sir" singit ni Ashley, her eyes burning with a questioning look while squinting at Maxine.
Nagkibit balikat na lang si Maxine pagkat hindi niya rin alam kung paano pa magpapaliwanag. Si Noah naman ay inilapag sa lamesa ang naka paper bag na pagkain na dala niya at inilabas niya iyon isa-isa para i-servr kay Maxine na gulat na gulat sa ginagawa niya.
"Sir? A-nong ginagawa mo?" Maxine gaped and her cheeks turned pink. Not because of the tremor, but because of the growing annoyance.
"I will feed you? Because I'm a good Bo-" Pinutol ni Maxine ang sasabihin ni Noah "Ahh salamat ho Sir!" she grimaced and her face contorted.
Tumikhim si Ashley upang kunin ang atensyon nila "Bakit parang may naamoy akong masangsang" Ashley exclaimed and a recognition dawned on her face "Biro lang, kasama ba ako sa binibigyan mo ng pagkain Sir?. "
"Yeah, Sure, para sa inyo yan" ani Noah.
"Salamat Sir, Sige landi well na lang sa inyo" sarkastikong saad ni Ashley "Basta masarap pagkain mananahimik ako" pabiro na saad ni Ashley at sunod sunod na sumubo ng soup na dala ni Noah. Napangiwi na lang si Maxine sa inasta ng kanyang kaibigan. Napakaraming mata na nakamasid sa kanila at hindi siya kumportable na kasama si Noah sa school dahil siguradong pag tsitsismisan sila ng mga matang mapanghusga lalo na at napakaraming nagkakagusto sa Guro kahit alam na may asawa na ito.
"Kape gusto mo? or Water? may binili din akong Chips? Soup? ano gusto mo? may iba ka pa bang gusto?" pangungulit ni Noah.
"Ehem" it was Ashley staring at them "May bumara sa lalamunan ko, ang sweet kase nitong chips kahit na dapat ay maalat" puno ng sarkasmo nitong sabi at ngumiti na parang nanunudyo.
Maxine plastered a smile on her face "hindi nakakatuwa Ash" nakasimangot si Maxine at matalim na tiningnan ang kaibigan. Sumubo lang siya ng kaunti at agad na nagpaalam sa kanila "Busog na ho ako, salamat."
Noah raised one eyebrow and looked at Maxine with a questioning face. "Is there any problem?" he said softly.
Napailing na lamang si Maxine at iniwan ang dalawa. Sa paglalakad ay nakarating siya sa may hardin ng school ng biglang may humila sa kanya at dinala siya sa pinakasulok na halos natabunan ng mga malalaking halaman. "Galit ka ba? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" seryoso itong nakatitig sa dalaga.
"Hindi naman sa galit, naiinis lang..." sabi niya at agad na nagiwas ng tingin. "Kailangan natin mag ingat Sube. Nasa school tayo at maraming mata ang nakabantay sa atin lalo na sayo" puno ng pag-aalala ang boses ni Maxine at bahagyang bumuntong hininga.
Nakahinga ng maluwag si Noah ng malaman ang dahilan ng dalaga "S-orry I didn't mean to, Gusto ko lang naman a makasabay ka kumain, I badly need you and I ahm... madly want you right now Max. Ilang araw na kase tayong hindi nagkikita tapos hindi mo pa ako pinapansin dito sa school. At wala naman masama kung makisabay ako kumain sa inyo, ginagawa din naman iyon ng ibang mga teacher ah."
"Kahit na, mag-ingat ka pa din--"
Tinakpan ni Noah ang bibig ni Maxine gamit ang kanyang palad. "Shhh." Tumango na lamang si Maxine at nanatiling tahimik. Naririnig niya ang mga bulungan at bungisngis ng grupo ng mga estudyante na paparating. Nanatili sila sa kinaroroonan dahil natatakpan sila ng mga malalagong halaman na naging dahilan upang hindi sila makita...
"Alam niyo ba yung rumor na kumakalat ngayon? That Sir Noah is having an affair with someone na estudyante dito sa QSU?."
"Siguro yung bagong salta, maraming nakakita sa kanila kanina na sabay kumakain sa Cafeteria kasama si Ms. Fuentes yung anak ng Congressman."
"Malabo yun, bakit naman papatulan ni Sir Noah yun eh probinsyana daw yung babae... Pusta ko si Miss anak ng Congressman ang kalaguyo ni Sir" dagdag pa ng isang estudyante.
Hindi na nakapagtiis si Noah, "Stay here" he commanded.
Sinubukan ni Maxine na pigilan si Noah kaso ayaw nitong papigil kaya't nanatiling siyang tahimik habang si Noah ay lumabas sa kinaroroonan nila.
"Ehem!" tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng mga estudyante. "Who gave you permission to talk and interfere in other people's lives ?." his expression hardened and raised one eyebrow while giving them a warning look.
A fear crossed their faces, turn pale and they are restless in standing "S-ir" nauutal na saad ng isa sa estudyante "P-asensya na po." nakayuko silang lahat upang umiwas sa matalim na tingin ng Guro.
"Lunch Break is over, shouldn't you be in class ?! Go back to your class! Now!" nakakatakot ang kanyang boses na ikinaigtad ng mga estudyante.
"Sorry po sir" kanya kanyang nagtatakbuhan ang mga estudyante at ng wala ng natira ay lumabas sa kinaroroonan si Maxine.
"Yon ang pilit 'kong iniiwasan Noah, Kita mo na ang nangyari? paano na lang kung malaman nila na may relasyon tayo at makarating sa Head Department?! Baka tanggalan ka nila ng trabaho, at yon ang ayaw 'kong mangyare" bulalas ni Maxine.
"I'll be more careful next time" mahinahong saad ni Noah "magkita na lang tayo mamayang uwian, Hihintayin kita sa parking lot ng School."
She just nodded and they parted ways to avoid gossip.
Ng pumatak ang alas-diyes, tumunog hudyat na maari ng umuwi ang mga estudyante at babalik mamayang ala una ng hapon para sa kanilang susunod na klase... Ilang minuto siyang nag hintay na maubos ang mga estudyante na naroroon bago pumunta sa parking lot ng School upang kitain ang Guro.
Pagdating niya roon ay agad ng nakabukas ang pinto kaya't agad siyang pumasok sa loob. Pagkasara ng pinto ay agad siyang siniil ng halik ni Noah. Laking gulat niya ng gawin ito ng lalake ngunit wala siyang magawa kundi gantihan ang mapupusok nitong halik "ahmm" impit niyang daing habang ang mga kamay nito ay naglalakbay papasok sa suot niyang blusa. Natigil sila sa kanilang ginagawa ng tumunog ang telepono ni Noah.
Agad nag-ayos ng upo si Maxine "Sige sagutin mo na."
Padaskol na kinuha ni Noah ang Cellphone "Hello" his eyes widened and fear consumed him.
"Where?...Got it. I'll be there in a minute Dad."
May pagkalitong nakatingin si Maxine kay Noah"May problema ba?" hindi niya mapigilang magtanong.
"Sinugod sa Hospital si Mama!."
Agad na binuhay ni Noah ang Makina at agad na pinausad ang sinasakyan.
"Ibaba mo na lang ako sa may sakayan" ani Maxine.
"Delikado na sa daan, Sasama ka sa akin sa Ospital."
"P-ero-"
"I can't just leave you somewhere, just come with me Max." madiin na saad ni Noah.
Walang nagawa si Maxine kundi ang sumama kay Noah. Pagkarating nila sa MC Hospital ay agad sila nagtungo sa waiting area sa labas ng Emergency Room kung saan nandoon ang ama ni Noah na hindi mapakaling naghihintay.
"How's Mom?" puno ng pag alala ang boses ni Noah.
"I don't know Son" anang ama nito na maluha-luhang nakaupo sa may pintuan ng ER.
"She's gonna be alright Dad."
"I hope so Son, Your Momma is my life and, I can't live without her" Makikita mo sa kanyang ekspresyon ang pag-aalala at takot na hindi mo mawari.
Mahal na mahal ng ama ni Noah ang kanyang Ina, Kamatayan lamang ang kayang magpahiwalay sa kanila. His Father treated his mother not just as his wife but also as a queen of Castellanos. A queen without a crown.
Nilapitan ni Maxine si Noah "Magiging maayos din ang lahat" pagkatapos ay inaro niya ito.
Nagpaalam si Noah na bibili ng maiinom kaya't naiwan siya kasama ang ama nito. Pakiramdam ni Maxine na napakabigat ng kapaligiran sa pagitan niya at sa ama ni Noah.
"Kumusta ka na?" anang ama ni Noah. Hindi agad nakapag salita si Maxine dahil hindi niya inaasahan ang bungad nito.
"A-yos lang ho" kabado niyang saad.
" On my presumption, you're having an affair with Noah" deretsahang saad ng ama ni Noah.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinambit nito kaya't napayuko siyang bahagya upang mag iwas ng tingin dahil sa takot na baka paglayuin silang muli.
"I won't stop you having an affair with my son."
Bahagya siyang tumingala "P-o?"
"It's our fault, pinipilit namin siyang gawin ang isang bagay na ikukulong siya sa isang obligasyon na hindi naman niya gusto" malungkot na napa buntong hininga ito. "Im so sorry... Pinagkaitan namin kayo ng kalayaan na mahalin ang isa't isa. Alam ko na nasaktan ka namin at ngayon ko lang nalaman ang pakiramdam na iyon pagka't ngayon lang ako nalagay sa ganoong pagkakataon. I love my wife kaya't ang isipin pa lang na ilayo siya sa akin ay ikamamatay ko. So who are we para kunin ang kaligayahan ninyong muli. Nanghihingi ako ng tawad sa iyo Hija, kinailangan kong sundin ang kagustuhan ng asawa ko dahil mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko naisip na masasaktan ko ang anak ko ng sobra."
"Please forgive us..." theirs an agony in his eyes.
A tear first pooled in Maxine's eyes before it streaked down on her cheeks "Pag dating sa pag-ibig ay gagawin ng nagmamahal ang lahat kahit na may ibang maapektuhan. Ganon ho ang ginagawa ko ngayon kaya't sanay patawarin ako ng diyos at ni Angel sa makasalanang pakikiapid ko kay Noah." her jaw trembled while her eyes swam with tears. Agad siyang nagpunas ng luha dahil paparating si Noah dala dala ang tatlong bote ng tubig at tinapay.
Lumabas ang doctor galing sa ER kaya't napatayo silang pareho "kumusta ho doc?" may pag aalala na tanong ni Mr. Castellanos.
"Mrs. Castellanos has a mild stroke. As of now, she's okay. Kailangan lang mas maging maingat para makaiwas sa posibilidad na mangyari. Ililipat na namin siya ng kwarto upang makapagpahinga ng mabuti." anang doctor.
Kapwa silang nakahinga ng maluwag, napayakap si Noah sa dalaga ng marinig ang magandang balita "Thanks god" he whispered.
"Ako na ang bahalang mag bantay sa Momma mo, umuwi na kayo at magpahinga. You know your Mom, magagalit iyon kapag nakita kayong magkasama. Hindi pa magaling ang Momma mo at ayokong may mangyari na naman na masama sa kanya kaya nakikiusap ako anak, hindi ko kayo pipigilan sa gusto ninyo basta't handa kayo sa mga consequences ng mga desisyon ninyo. "
"Yes Dad. We should go and take care of Mom and yourself"anito pagkatapos ay agad silang lumabas ng Hospital. Malapit ng maghating gabi kaya't mas minabuti nila na bumalik na lang sa hotel. Habang nasa byahe sila ay biglang nagtanong si Noah "What happened between you and Dad? did he hurt you? pinagbantaan ka ba niya?" puno ng pag-aalala na saad ni Noah.
Agad na umiling si Maxine "Wala siyang ginawa sa akin."
"Bakit ka umiiyak kanina?" tanong ni Noah habang nakatuon ang tingin sa daan.
"Ipinaliwanag niya kung bakit napunta tayo sa ganitong posisyon, and he say sorry... Naiintindihan ko kaya hindi ko magawang magalit. Siguro sa ganito talaga tayo itinadhana... Ang maging kabit mo" she chuckled sadly.
"Sorry for putting you in this messy situation" puno ng lungkot ang boses ni Noah "Sorry for being unmanly, I'm such a coward..."
"Hindi mo kasalanan" pinipigilan ni Maxine na itago ang lungkot at sakit sa boses niya. Hindi niya maiwasan na isipin kung bakit sila humantong sa ganito. Panlilimos ng pagmamahal at atensyon sa lalaking kasal at nakatali na sa iba. At hindi niya din alam kung hanggang kailan niya kakayanin. Para sa kaniya ang mahalaga ay kasama niya ngayon ang taong mahal niya kahit pa hiram lang.