SINUOT ko ang sweater ko at inayos ng kaunti ang aking buhok. End na ng shift ko at ang plano ko ngayon ay dumaan sa grocery store para bumili pa ng ipapasabay ko kay Jahcia pauwi ng Pilipinas.
“Bye, Lauriel!” Helena waved goodbye at me.
Nginitian ko siya. “Bye!” sagot ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko. Well, ganito naman ako tuwing namimili ako ng mga padala for my family.
Bumili ako ng mga can goods, chocolates at ilang damit para ipadala sa pamilya ko sa Davao. Matagal-tagal na rin mula ng umuwi ako ng Pilipinas. Pero next month ay magpafile na ako ng vacation leave. Kaya susurpresahin ko sila sa pag-uwi ko. Bitbit ang tatlong malalaking plastic bags ay umuwi ako sa aming apartment. Sa baba ng building ay nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Kumunot ang noo ko.
Nandito na naman si Rixor? Parang kahapon lang ay nandito rin siya a. Bumuntong hininga na lang ako at umakyat na sa taas. At the back of my mind, bakit ba ang dalas-dalas niyang dumalaw rito? Kulang na lang yata ay bitbitin niya si Jahcia kada punta niya. At palagi na lang akong kinakabahan t’wing nandito siya. Para bang, palaging may gagawing hindi maganda. Iyon ang tingin ko sa gwapo niyang mukha. Oo. Hindi ko talaga maitatapon na gwapo siya. Walang tapon kumbaga. Gwapo, matipuno, mayaman at matalino. Sablay nga lang sa ugali. Napangisi ako. Hindi pa yata napupuna ni Jahcia ang kamisteryohan ng lalaking ‘yon. Iisipin ko pa ngang miyembro iyan ng budol-budol gang e.
Papalapit sa pinto ng apartment namin ay nakita kong nakahilig sa pader si Rixor. With both of his hands resting in his pocket at tila ang lalim ng iniisip. Aba, himala wala ang alalay niya. Napaismid ako.
“Rix..” pormal kong tawag. Nang makita ako ay agaran niyang inayos ang kanyang pagtayo at tumingala ako sa kanya. Tipid akong ngumiti kahit labag sa kalooban ko. E, kasi naman, kinakabahan na naman ako. Ngayon pang parang wala si Jahcia sa loob. Mariin niya akong tinitigan ng hindi kumikibot ang kanyang manipis na labi. Isa ito sa mga kinikilabutan ko sa kanya. Ang uri ng kanyang tingin na parang hinihiwa ang kaluluwa ako. Nakakapaso at tila paduduguin ako ng husto. “What are you doing here? Wala si Jahcia?” tanong ko.
Hindi niya binitawan ang aking mga mata. “Wala pa. Pero sabi niya ay papauwi na siya.” sagot niya.
Napanguso ako. At bilang may natitira pang puso ako sa kanya, ay niyaya ko na lang siya sa loob para do’n na maghintay. Agad kong tinext ang aking kaibigan habang nasa kusina ako at naiwan sa sala si Rix. At mula dito ay naririnig ko pa ang volume ng TV.
Ako: Jahcia nandito sa bahay si badass! Nasaan ka na?
Binaba ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa at saka hinubad ang sweater ko. Inihagis ko iyon sa upuan at inayos ang ipit ng aking buhok. Bumuntong hininga ako at inilabas ang mga pinamili. Inayos ko na ‘yon para madali na kapag inilagay sa package. Paminsan-minsan akong napapatingin sa dereksyon sa sala. Aalukin ko ba siya ng maiinom?
Syempre, ‘di ba?
But then, I was too nervous to even talk to him. Nakakapanindig ng balahibo. Talagang hindi ako sa sanay sa presensya niya lalo pa at kaming dalawa lang.
Tinungo ko ang fridge para ikuha siya kahit na juice lang. Yumuko ako at inabot ang orange juice sa pitsel. Pagkasara ko ng fridge at pagharap, ay halos tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko ng matagpuan kong nakatayo sa hamba ng pintuan si Rix! Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa hampas ng puso ko. At nang tingnan ko siya ay parang wala lang sa kanya ang naging reaksyon ko. Deretso siyang nakatitig sa akin. I felt like he’s a serial killer and I am his target. Ganoon ako hindi kumportable kapag kasama siya. Para bang hindi sapat ang presensya ko, at everytime he’d stared at me, I felt like I was a bomb and any moment he’ll pull off the trigger. “Kanina ka pa ba d’yan?”
He slightly tilted his head. At tinanaw akong para bang may nakakatuwa sa akin. Humakbang siya ng ilang beses at lumapit sa mesa na kung saan nakasalansan ang mga pinamili ko. Sinulyapan niya iyon. Ako naman ay parang napahiya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Ang hirap na ngang makipagplastikan sa kanya nang-isnob pa! Kumuha na lang ako ng dalawang baso at nagsalin. Kinuha ko iyon at dinala sa mesa. Itinulak ko ang baso sa harapan niya. Uminom ako ng juice habang pinagmamasdan siyang pinapasadahan ng tingin ang mga de lata.
“You need help?” untag niya. He returned his gaze at me.
Umiling ako. “No need. Kaya ko na ‘yan,”
Kumibot ang kanyang labi at saka inabot ang baso ng juice. Buti naman at pinansin niya. Nag-iba na naman ang pakiramdam ko. I was too uneasy infront of him. Paano ko matatapos ito kung nandito siya at parang walang balak na umalis. I just really wish na umuwi na si Jahcia.
Walang imik kong pinagpatuloy ang ginagawa. I remained calm and tried to stay on focus. Kung iintindihin ko pa siya ay maaapektuhan lang ako.
“Ipapadala mo sa Pilipinas?”
Hindi ko na siya sinulyapan. “Oo. Ipapasabay ko kay Jahcia pag-uwi niya.” Nakita kong lumapit siya sa aking gilid.
“Are you planning to go home too?” tanong niya sa mababang tono. His low baritone voice brought chills into my spine.
“I am.” tipid kong sagot. Para naman kahit papaano ay malaman niyang ayokong makipag-usap sa kanya.
Pinagtabi-tabi ko ang mga canned goods, balot ng chocolate at tiniklop ng maayos ang mga T-shirt. Ilang saglit din kaming naging tahimik. Pero dahil malapit lang siya sa akinay halos manginig ang aking kamay dahil sa alam kong nakatitig siya sa akin. But, he broke our long silence.
“Hindi mo ba ako gusto, Lauriel?”
Napahinto sa aking ginagawa. Nasulyapan ko ang nangangalahati niyang baso ng juice. At saka ako napatingin sa kanya. I was captured by his strong glared. Para akong nahilo at hinatak no’n. Hilaw akong tumawa at nagkunwaring ang weird ng tanong niya. Well..kind of!
“Ha? Ano’ng tanong ‘yan?” I said in a playful tone. I don’t know why but I swallowed like I felt nervous. Damn!
He didn’t move. “You’re not you when You’re with me. You can’t even give me a smile like you always do. You’re..different...” halos pabulong na niyang nasabi ang huling kataga.
Kumunot ang aking noo. I remained playful. “Really? Hindi ko napapansin, Rixor. Baka guni-guni mo lang ‘yon!”
Hindi siya kaagad nakasagot sa binalik ko. Para bang pinoproseso pa ang aking sinabi.
“My name suited the curves of your lips..” he huskily said. Nanindig ang aking balahibo sa uri ng pananalita niya.
Tiningnan ko siyang muli at halos mapaatras ako ng salubungin ako ng matatalim niyang mga mata. It was dangerous and alarming. I saw him staring at my lips. Nabalot ako ng matinding kalabog sa aking dibdib. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay para bang binabalutan ako ng mainit na alampay sa aking balikat.
It was..sensual?
At kahit alam niyang nakikita ko ang pagtitig niya ay hindi man lang siya nagmenor. Bagkus ay para bang pinagmamalaki niya ang kanyang ginagawang paninitig. Hindi na ako kumportable. Maybe he was showing me his possible playful side. Yes! He’s a jerk too! Him and his half brother. Muntik ko nang makaligtaan iyon ah. Makapal na mukha ang ginamit niya para titigan ang aking labi. Tumikhim ako para aluin ang diwa niya. And he returned his gaze at my eyes. At ang nakakaloka, walang dispensa o pagsisisi akong nakita rito.
Grabe lang ha?
“Hanggang kailan ka rito sa Vancouver?” pagwawala ko sa kanyang huling sinabi. Pinagpatuloy kong muli ang ginagawa.
“The day after tomorrow. Pero ako pa rin ang maghahatid kay Jahcia sa airport.”
Tumango-tango ako. Sana ay dumating na nga si Jahcia! He’s so weird! Bahagya na naman akong kinabahan ng inilagay niya ang kanyang mga kamay sa edges ng lamesa at pasimpleng dumukhang sa akin. His moves making me nervous.
“Do you have a boyfriend?” biglang anas niya.
That caught me off guard. “W-Wala..”
“But..do you like someone?” Napanguso ako. “Meron din..”
He froze. Napatitig ako sa kanya nang mapansin ko ang pag-iiba ng kanyang mga mata. It was dark and unknown. I mentally gasped.
“Sino naman?”
“Hmm..taga-ospital. Nurse rin tulad ko..” sabi ko na lang. E, ano naman kung may crush ako? At isa pa, bakit parang matanong ‘to ngayon. Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig namin ang pagbukas at pagsara ng pinto. Finally! Tila ako nakawala sa hawla sa kaalamang may kasama na akong matino ngayon. Being with Rixor suffocating me and my entire system. Ilang saglit pa ay pumasok na sa kusina ang nakangiting si Jahcia. Hindi ko na inabala pa si Rixor.
“Hi..” bungad sa’min ni Jahcia. I smiled at her. Nilingon niya si Rix ngunit agad din akong tiningnan nito. Alam ko na ang uri ng tinging iyan.
“I have to go.” biglang sabi ni Rixor at pumihit palabas ng kusina. At dahil biglaan, ay sinundan na lang namin siya ng tingin hanggang sa mawala ito.
Takang tiningnan ako ni Jahcia. Nagkibit balikat na lang ako at binalewala. Baka topakin lang ‘yon. At wala akong pakielam sa lalaking iyon.
***
Matapos kong i-assist ang isang pasyente ay bumalik ako ng nursing station. Kukunin ko na sana sa fridge ang mga gamot na paiinumin sa mga pasyente namin ng madatnan ko ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Helena. She was half pinay and Canadian. She’s tall and pretty at habulin ng mga lalaking nurse at doktor namin. So I was puzzled kung bakit parang pinagbaksakluban ang mundo niya.
“Hey, what’s wrong?” tanong ko.
Tiningnan niya ako. She looked so helpless. “Lauriel, doc Elijah was f-fired..” Her voice shook. Ngunit napaawang ang aking labi. She was referring to his canadian cardiologist boyfriend. Hindi ko pa nga nalilimutan, ng hindi sinasadya ay naabutan ko silang nagmemakeout sa loob ng storage room. Doon ko lang nalaman na may relasyon pala ang dalawa.
“But--why?”
Umiling siya. “I don’t have a freaking idea! And you know what’s funny? All our men doctors and nurses were all fired! That’s bullshit!”
Nanatili ako sa aking pwesto. That’s weird. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Para bang..weh? Pero kalaunan ay nakumpirma ko ngang nagtanggal ng mga doctor at nurses na lalaki. Parang may diskriminasyon lang na nangyari sa ospital. Wala silang naibigay na dahilan. Kahit na muntik ng magkaroon ng gulo sa Chairman’s office. Agad ding naampat iyon dahil may mga pasyente pang dapat asikasuhin. They said, na inilipat sa ibang ospital ang mga natanggal. Ang iba naman ay hindi ko na nabalitaan pa. Hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari. Pati kasi iyong mga kaibigan ko na ay natanggal din.
Hanggang sa matapos ang shift ko ay iyon pa rin ang naiisip ko. Paano na lang sa E.R, kailangan din ng lalaki doon pagnagkataon. May mga pasyente kayang kakailanganing buhatin o alalayan na hindi naman makakaya ng babaeng nurse lang. Hindi ba ‘yon naisip ng management?
What about the senior doctors?
Damn!
Umuwi akong matamlay sa bahay. Lalo na at mag-isa na lang ako. Umalis na si Jahcia. And I really felt lonely now.
Dumetso ako sa kusina at uminom ng tubig. Ilang saglit akong tumambay do’n. Ngunit Hindi naglaon ay pumasok na rin ako sa aking kwarto para maligo. Kinuha ko ang isang pambahay na dress mula sa aking cabinet. Nagsusuklay na ako sa harap ng salamin ng matanaw ko ang isang kapirasong papel sa lamesita. It was Jahcia’s number na gusto niyang ipaabot kay Rix. Na hindi ko pa naibibigay dahil hindi na naman napaparito ng badass na ‘yon.
Bumalik ako ng kusina para sana ay makapagluto. Kaya lang, tinatamad na ako. Malamig pa ang panahon ngayong gabi. Naghanap ako ng cup noodles sa estante, wala naman akong nakita. Naubos ko na yata. Ilang araw na rin akong nagpaplano para makapag-grocery kaya lang walang oras. Kaya naman nagsuot ako ng sweater at kinuha ang wallet ko para maggo-grocery.
Pagkabukas ng pinto ay isang pamilyar na bulto ng lalaki ang nakita ko. He was wearing a black suit. Tinatahak niya ang apartment room na nasa dulo ng hallway. Kumunot ang noo ko, it was Lex. Ang alalay ni Rix! Teka, ano’ng ginagawa no’n dito? Alam kaya ng amo niya?
Out of curiosity, ay sinundan ko ang pintong pinasukan niya. Nang makalapit ay nakita ko pang naiwang hindi nakalapat ang pintuan. Lumapit ako at sumilip sa pinto.
Napataas ang kilay ko ng makitang nakatayo siya roon at tila hinihintay ang amo niyang may kausap sa phone. Nandito rin pala ang badass na ‘to. Ayoko namang kausapin ito. Aalis na sana ako ng marinig ko ang pagsambit sa pangalan ng kapatid niyang jerk din.
But..I was halted.
“Yeah..Hindi na mapapansin ni Matteo ‘yan. Just make sure na malalaman ni Jahcia Fia Llanez na kinasal na sa iba si Matteo..name your prize attorney..”
Nanlaki ang mga mata ko.
What the hell?
Sinisaraan ba niya ang kapatid niya sa asawa nito? Does he all pretending na mayroon na itong iba gayong wala naman talaga? Suddenly, naalala ko ang mga araw na dumaan na naghihinagpis ang kaibigan ko dahil sa sinabi niya.
Was it all fabricated?
Parang dumagundong ang dibdib ko sa bumangon na galit sa kanya. Now, I am sure about my feelings towards him. He’s a monster dressed in expensive suit! At dala ng galit ay nilakihan ko ang pinto at dere-deretsong pumasok sa loob. Malalaking na hakbang ang ginawa ko sa pagsugod kay Rix. My chest was panting! I even heard Lex called me like he was stopping me. Pero wala akong pinanigan. Kaya sa ginawa ko ay humarap si Rixor, at sinalubungan ko ng malakas na sampal.