NIYAKAP niya akong nang mahigpit pa. Halos maipit na nga ako sa yakap niya. Inikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at ang halik namin ay mas lalong lumalim pa. Huminto lamang nang maubusan ng hangin. At ng maghiwalay kami ay parehong hingal na hingal. I may not feel it but I saw in his eyes how grateful he was. May naglalarong ngiti rin sa kanyang labi. “You missed me that much, baby?” bulong niya. Nag-init agad ang mukha ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung nasobrahan ba ako o ano. Bigla lang akong nahiya. Tinago ko ang mukha ko at inilubog sa kanyang dibdib. Nangawit ako sa pagtingkayad sa kanya maabot lang ang labi niya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na parang nanunukso. Marahan ko siyang hinampas sa kanyang dibdib. Nakakahiya ka, Lauriel! Kapit lang sa pat