NAKABUSANGOT kong inilipat-lipat ang channel sa TV. Ni isa ay wala akong matipuhan na station. Bente kwatro oras na ang lumipas mula ng ibinalik na naman ako dito ni Rix. At mula no’n ay hindi na siya muling nagpunta sa kwarto ko. Oh and I bet, pupuntahan niya lang ako kapag horny na siya. Padabog kong inahagis ang remote control sa kama at tumayo. Dumungaw ako sa bintana. I rested my sight on the peaceful pine trees. Dito lang yata magiging healthy ang mga mata ko. I cleared out my throat and took a deep sigh. Makakaya ko bang gawin iyon? I crossed my arms on my chest and think again. Kagabi ko pa ito iniisip. Pero alam ko ring masyadong matalino si Rix. He might be more experienced than me. At kung itutuloy ko ay dapat husayan ko ang pag-execute ng plano ko. Minasahe ko ang aking bato