Chapter 2

1308 Words
Nagising si Harmony na mag-isa sa kama, nakaramdam ng pananakit ng ulo ang dalaga dahil sa alak na ininom nila kahapon. Bumangon siya sa malambot na kama at dumiretso sa banyo para maligo. Habang nakatayo siya sa ilalim ng tubig, hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap niyang makasama si Jerome. Determinado siyang maging mabuting asawa at handang gawin ang lahat para sa kanya. Marami siyang pangarap para sa kanilang dalawa, excited na din si Harmony sa honeymoon nilang mag-asawa. Pagkatapos magbihis, lumabas ng kwarto si Harmony at bumaba. Habang pababa siya ng hagdan, narinig niya ang tawa na nagmumula sa kusina. Pagpasok niya ay nakita niya sina Agatha at Jerome na masayang nag-aalmusal na magkasama. Nilapitan sila ni Harmony ng masayang pagbati. "Good morning" at hinalikan ito sa pisngi ni Jerome. Lingid sa kanyang kaalaman, napuno ng selos si Agatha, kaya mabilis na pinunasan ni Jerome ang halik, nang hindi na nakatingin si Harmony. Umupo siya sa tabi ni Jerome, bali ang kanilang pwesto ay sa kabilang side ng binata si Agatha. Lihim na hinawakan ng binata ang kamay ni Agatha, wala namang kaalam-alam si Harmony sa nangyayari. "Kanin ka pa dhie?" Tanong ni Harmony sa asawa, tumango naman si Jerome bilang tugon. Nilagyan na ng dalaga yung plato nito, saka ulam lihim namang napairap si Agatha dahil sa kanyang nakikita. Dapat siya yung gumagawa kay Jerome yun hindi si Harmony. "Beshy, anong oras na kayo natapos uminom kagabi?" Tanong naman niya kay Agatha, ngumiti ng ito pilit bago sumagot. "Hindi ko matandaan eh dahil lasing na din ako, sila Maricar ang naiwan kagabi." Tukoy nito sa isa pa nilang kaibigan, napatango naman si Harmony bago humigop ng kape. "Anong balak niyong dalawa? Saan kayo magha-honeymoon?" Pabalik na tanong nito sa dalawa, nagkatinginan sina Harmony at Jerome. Naghihintay naman ng sagot ang dalawa. "Saka na siguro busy pa ako sa kompanya, may naging problema kasi hindi naman nagmamadali si Harmony, diba Mhie?" Sagot ni Jerome, kahit nadismaya si Harmony ngumiti na lamang siya. Gusto namang humagalpak sa tawa ni Agatha, dahil nahalata niya ang pagkadismaya sa mukha ng kaibigan. "Yes, hindi pa naman ako nagmamadali. Kailangan niya mo ng unahin ang kompanya." Sang-ayon naman ni Harmony, napatango naman ang kaibigan niya. Pero sa loob-loob nito ay sobrang saya dahil nakikita niyang wala ng interes si Jerome kay Harmony. "Pauwi na din ako mamaya beshy, dalawang araw lang kasi yung leave ko sa kompanya. Alam mo namang simula noong ako na yung pumalit kay daddy, sobrang busy ko na." Kunwaring malungkot na sabi niya kay Harmony. "Okay lang beshy, dadalawin na lang kita kapag may time din ako." Agad naman na sagot niya sa kaibigan. "Dapat lang dahil kundi magtatampo ako, porket nag-asawa ka na kakalimutan muna ang pagkakaibigan nating dalawa." Pag-iinarte ng dalaga, tumayo naman si Harmony at lumapit sa kaibigan. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Bukas naman ang pinto ng bahay namin kung gusto niyong dalawin si Harmony. Basta huwag niyo lang turuan ng kalokohan." Sabi naman ni Jerome, dahilan para napatingin sa kanya ang dalawang magkaibigan. "Talaga, thanks Jerome." Kumalas sa pagkakayakap si Agatha sa kaibigan at niyakap ang binata. Sanay na si Harmony na nagyayakapan ang dalawa, hindi niya iyon binibigyan ng malisya dahil alam niyang naging malapit at magkaibigan na din ang dalawa. Nang matapos na silang mag-almusal nagpaalam na din si Agatha, habang si Jerome papasok na din sa opisina. "Baka ma-late ako ng uwi mamaya, huwag muna akong hintayin kumain ka na mamaya." Bilin nito sa asawa habang inaayos ni Harmony ang kanyang necktie. "Sige, mag-ingat ka Dhie." Agad na sagot niya, hinagkan na ni Jerome ang noo ng asawa bago tuluyang lumabas ng kwarto nila. Kinuha naman ni Harmony ang kanyang cellphone para tawagan si Maricar. Kasama niya ito sa negosyo, ang pinagkakaabalahan nilang dalawa. Nagpatayo sila ng coffee shop, kahit papaano ay may mga suki na din sila. "Hello, Maricar bukas na lang ako papasok. Okay ka lang ba dyan?" Masiglang bungad niya sa kaibigan. "Ano ka ba Harmony, okay lang ako dito. Bagong kasal ka kaya dapat pinaghahandaan mo ang honeymoon niyo ni Jerome." Kinikilig na sagot ni Maricar. "Masyadong busy pa sa kompanya si Jerome, kaya hindi mo na matutuloy ang honeymoon naming dalawa." Nagkasalubong naman ang kilay ni Maricar dahil sa nalaman. Sa ibang kaibigan niyang kinakasal, yung naging mister nila pumupunta sa ibang bansa para lang sa honeymoon nilang mag-asawa. "What?! Hindi niya ba pwedeng ipagpaliban yang kompanya? Hello beshy, ngayon palang mukhang wala na siyang oras para sayo!!" Hindi maiwasan ni Maricar na tarayan ang kaibigan niya. "Naiintindihan ko naman siya Maricar, makakapaghintay ang honeymoon na 'yan. Saka alam naman natin na umpisa pa lang pangarap na talagang maging ceo ni Jerome sa kompanya nila." Paliwanag niya kay Maricar. "Pero beshy, paano ka? Masaya ka ba na ganyan?" May pag-aalala na tanong ni Maricar sa kaibigan. Alam niyang kung gaano kamahal ni Harmony si Jerome kaya nung nalaman niya na ikakasal na silang dalawa. Masaya siya para sa kaibigan, pero hindi niya akalain na kakakasal lang nila ay mas importante pa ang kompanya kesa sa honeymoon nilang mag-asawa. "Oo naman, masaya ako kahit papaano ay makakasama ko na siya hanggang sa pagtanda." Nakangiti niyang sagot, napabuntong hininga na lang si Maricar. Ayaw na niyang makipagtalo kay Harmony, dahil alam na kahit anong sabihin niya ay ipagtatanggol lang ng kanyang kaibigan si Jerome. "Sige na beshy, kailangan ko pang mag-grocery naubusan tayo ingredients ng mga breads natin." Paalam ni Maricar bago pinatay ang tawag, binalik na ng dalaga yung cellphone niya sa table. Tumingin siya sa labas medyo makulimlim. Dahil walang magawa si Harmony, lumabas na lang siya sa kwarto nilang mag-asawa. Pagbaba niya ng hagdan nagpunta siya sa garden para magpahangin. Habang papunta siya doon, sa hindi sinasadya may narinig si Harmony na nag-uusap sa garden. "Alam mo ba kagabi may narinig akong ungol sa isang kwarto. Hindi ko alam kung sino." Kwento ng isang katulong habang nagdidilig. "Baka mga bisita ni Sir Jerome yon, alam mo namang mga kaibigan niya mahilig sa babae." Sagot naman ng isa pang katulong. "Tapos kanina, yung kaibigan ni Ma'am Harmony ang landi. Sinusubuan si Sir Jerome hindi na nahiya. Dapat bang maging sweet siya sa asawa ng kanyang kaibigan." Nagulat naman si Harmony sa narinig, nanatili lang siyang nakatago sa puno. "Hoy, hinaan mo ang iyong boses baka may makarinig sa'yo." Suway ng kasama niyang nagdidilig ng halaman. Hindi makagalaw si Harmony sa kanyang pinagtataguan. "Pero alam kaya ni Ma'am Harmony yung ginagawa ng kaibigan niya? Kasi parang okay lang kay Sir Jerome yung ginagawa ng babaeng yon." Tanong nito nagkibit balikat naman ang dalaga bilang sagot. "Maging bulag bingi at pipi ka na lang mahirap magsalita. Lalo na ngayon kasal na sila ni Sir Jerome, wala naman tayong ebidensya. Magtrabaho na kayo mamaya may ibang makarinig sa inyo dyan, makarating pa iyan kay Sir Jerome." Seryoso na sabi ng isa pang dalaga na namimitas ng bulaklak para ipalit sa mga flower vase. Imbis na pupunta si Harmony sa garden, hindi na siya tumuloy pa mas pinili na niyang bumalik na sa loob ng mansyon. Nang may pagtataka, hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinasabi ng mga katulong. Dahil wala namang malisya sa kanya, pero iba yung pakiramdam niya ng marinig ang mga usapan ng katulong. "Hindi naman siguro magagawa ni Jerome iyon, alam kong mahal na mahal niya ako. Saka malapit silang dalawa ni Agatha, at alam kong may kasintahan ito. Baka binibigyan lang ng meaning ng mga katulong." Pagkumbinsi na niya sa kanyang sarili, pero iba ang sinasabi ng isip niya. Umiling-iling si Harmony habang umaakyat papuntang second floor. Bumalik siya kwarto at humiga sa malambot na kama, nakatitig lang si Harmony sa kisame hindi mawala sa isipan niya yung kanyang narinig. Dahil sa pag-iisip ay nakatulog ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD