MICHIGO HELA RIVAS HINDI ako mapakali sa kwarto ko habang nag-iisip ng paraan upang 'di ako ipatingin nila Mama at Daddy sa doctor. Napapikit ako, ni-lock ko ang kwarto ko at napagpasiyahan na huwag lumabas dito. Alam kong gagawin ni Daddy ang lahat para sa akin, lahat ng magpapasaya sa akin. At alam ko sa oras na i-deprive ko na ang sarili ko ay magpapanic sila ni Mama. They will do what I want. Everything that I want kahit na sobrang hirap pa no'n. I decided to lock myself up in the room for two weeks. Hindi ako lumabas at bihira lang ako kumain. Nakipag - usap si Mama at Daddy sa school, ang balak nila ay ipatanggal si Xavier doon pero 'di ako pumayag. Isa 'yon sa dahilan kung bakit ako nagkulong sa kwarto ko. I begged Dad that I still want to see Xavier at mamatay ako kung mawawal