CHAPTER EIGHTEEN

1761 Words
Bellia’s Point Of View Natagalan bago dumating ang mga FBI rito sa University upang kunin ang katawan ni Mang Sinlac at imbestigahan ang pagkamatay nito, dumating din ang mga professors at gulat sa sinapit ni Mang Sinlac. “Mang Sinlac was very industrious, he was responsible enough, and he’d have to live peacefully in this world, and deserves to have a normal life. He has our trust in him. But, me as a professor, and a friend of him, hindi ako makapaniwala na ganoon lang siya basta-bastang pinatay.” Mrs. Casanova said to the FBI members. Each FBI member nodded on what Mrs. Casanova said, one of them pointed its ballpen on the paper and wrote something. “Hey, you okay?” Gabriel asked me as he caressed my back. I turned myself to him and nodded, “Yeah, I’m feeling well, though. Pero wala pa rin talaga akong ideya sa nangyari, Gab. I want to help. Mang Sinlac deserves a help from mine, right? May pumunta na rin na FBI sa tahanan nila Mang Sinlac, this is so tragic, masakit at mahirap tanggapin para sa asawa niya, also he has a son, 6 year-old, if I’m not mistaken,” ani ko at saka hinawak ang kaliwa kong braso. He nodded, too. “I’ll talk to Matthew later, you wanna come? I heard that they will borrow the CCTV control room at lunch time. If you investigate, so will I, too.” I smiled and nodded once again, nilibot ko ang tingin ko sa oval, kaunti na lang ang mga estudyante rito dahil limang kotse ng FBI ang nandito. Hindi pa nila kinukuha ang katawan ni Mang Sinlac, mas tinakpan pa nila ang katawan nang hindi pa ginagalaw. Tahimik lang kaming dalawa na nakatayo sa oval habang magkatabi.  “Everyone can’t believe what just happened to Mang Sinlac, of course. I didn’t expect this.” Lumingon ako sa nagsalita at nakita si Logan sa aking gilid, nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa habang nakatingin sa katawan ni Mang Sinlac. Nakasuot ito ng uniporme namin at walang suot na necktie, nakataas ang buhok nito habang ang labi ay may pagkakulay pinkish. Mabilis ko namang binalik ang tingin ko sa katawan ni Mang Sinlac. “Mm-hmm, who wouldn’t be? He’s a kind person, and a tough-man, though.” Tumawa ito at umiling at saka lumingon sa aking katabi, “Hey, Gab. Have you seen Matthew? I’ve been looking for him.” He asked to him. Gabriel shook his head and took a glance at Logan. “No. I didn’t, why?” Umatras ako ng kaunti sa aking kinatatayuan dahil halos hindi sila nagkakatingnan dahil sa magkabila kong mukha ko nakikita ang kanilang sulyapan. Kumunot ang noo ni Logan nang tumingin sa oval dahil sa liwanag ng araw na umaabot na rito, “The debate must continue, no matter what, it was my mum. I don’t know why they are continuing the debate in this situation, they should look for evidence, right? There are so many times that I can’t stand with my mum, also can’t approach her.” Lumingon ako sa aking likod at saka nakita si Matthew na kausap si Mrs. Tuan. Logan turned himself in where my eyes were on, “Oh, there he is!” He said as he pointed at Matthew. “I gotta go, guys. I’ll talk to my mum. Take care, Lia.” Kinawayan ko naman siya na may ngiti habang papalayo siya sa amin. Napawi ang ngiti ko bigla at napabuntong hininga nang ibaling ko ang sarili ko kay Gabriel. Tinitigan ko ang mukha niya habang nakatingin siya ng diretso sa nakahandusay na katawan at mukhang mayroong iniisip na malalim. Lumingon siya sa akin nang maramdaman niya sigurong tinititigan ko siya, “Why you staring at me like that?” aniya at napaos pa. I shook my head as I crossed my arms, “Wala lang, napaisip lang ako if what will happen next? Or, I mean, what will happen after what happened. I am also wondering who’s the evildoer.” I said. Tiningnan niya ako mula mata hanggang labi. “Who knows? Malalaman din natin. As for now, don’t stress yourself, Belle, please.” Tumango ako at saka inilingon ang sarili sa puwesto nila Matthew, andoon pa rin sila, nag-uusap silang dalawa ni Mrs. Tuan, nagsasalita siya habang si Mrs. Tuan naman ay tumatango-tango sa harapan niya. “Everyone, go to your own classroom, now!” Mr. Valdeviezo shouted. Naglakad naman kaming dalawa kaagad papalabas ng oval. Tumungo kami sa building namin nang walang kinikibo. Nang makapunta kami sa 3rd floor sa corridor namin ay nakita ko ang babaeng kasama ni Matthew kagabi, she just went out in their classroom. Dinaanan niya kaming dalawa habang may lollipop sa bibig at may hawak na yellow paper. Sinamahan ko siya ng tingin sa aking likuran, “Her name’s Kalea— Kalea Sanchez, their Secretary. Ang buntot ni Matthew.” He said while we’re entering our classroom. Tumango ako at saka hinawak ang aking palad na may bandage. Dumaretso ako sa upuan ko kung saan katabi ng bintana, umupo ako roon at saka sumulyap sa oval. Nandoon pa rin ang katawan ni Mang Sinlac ngunit walang FBI roon, kinuhanan na ng litrato ang sinapit niya at saka ang mga bagay na kanyang dala-dala nang mangyari ang krimen. Kailangan kong makausap si Matthew ngayong araw, alam kong mayroon siyang ideya at imposibleng wala. Kahit na nahihiya akong kausapin siya ay kailangan kong kapalan ang mukha ko para sa pagkamatay ni Mang Sinlac. “Oh, my god, girls. You all can’t believe this. I just heard Mrs. Tuan said, she canceled the debate for today. Nag-uusap sila ni Ortega sa harap ng office, pero sana matuloy pa rin dahil sayang ang mga prayers nating mga Ortegans, hindi ba?” Inilingon ko ang aking sarili sa kaklase ko na nagsalita. “You heard them talking?” Tumango ito habang nakangiti, “Yes. Kanina lang, after Mr. Valdeviezo ordered us— students to go to our own classroom,” anito. Tumingin ako kay Gabriel na ngayon ay nakapatong ang kanyang braso sa likod ng kanyang upuan habang nakatingin sa akin. Ang kanyang mukha ay parang nagpapahiwatig na ano ang gagawin ko at anong balak ko na ngayon ay canceled na ang debate nila Ortega, umiling lang ako at saka tumingin muli sa bintana. Naglalakad-lakad ang mga ibang FBI habang kinukuhanan muli ng litrato ang nakatakip na katawan ni Mang Sinlac. Mayroon naman akong nakita na estudyanteng babae na naglalakad sa oval habang may tinitingnan sa kanyang paligid. Napakunot noo ako nang tumigil siya sa hindi kalayuan sa katawan at saka ito tumalikod at umupo, hindi ko ito mamukhaan dahil malayo siya sa building. Hinintay ko itong tumayo para masigurado na ayos lang ito. “Where’s Jordan? Is Jordan Gil here?” Nawala ang tingin ko sa estudyante nang may biglang pumasok sa classroom namin. Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko at saka sila umiling sa tanong ng pumasok. Umalis naman kaagad ito nang hindi makita si Jordan sa silid namin. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa oval para tingnan ang estudyante. Wala na roon ‘yon, ilang segundo lamang nawala ang tingin ko rito ngunit bigla na lamang nawala. Malawak ang oval namin at hindi ganoon kabilis makaalis doon. Inilibot ko ang paningin ko sa malawak na oval at hindi nakita ang estudyante, ngunit sa puwesto niya kanina sa pagkakaupo ay mayroon akong nasilayan na bagay na kulay itim. Pilit kong masigurado ang bagay na ‘yon ngunit hindi ko alam kung ano ‘yon dahil malayo’t mainit. Tiningnan ko si Gabriel na kausap si Naui, s**t, here we go again. Tumayo ako at saka lumabas ng classroom. Bumaba ako mula sa aming palapag at tumungong muli sa oval, hinayaan lamang ako ng mga FBI dahil abala sila sa kanilang mga ginagawa. Lumapit ako roon sa bagay na naiwan ng estudyante at saka tiningnan kung ano ‘yon. “Gloves? Black gloves?” Puti ang gloves na ginagamit sa laboratory tuwing may experiment na nagaganap, mukhang walang ginagamitan na itim na gloves dito. Kung mayroon ‘man, saan? Walang ibang room na ginagamitan ng gloves kundi ang laboratory lamang, ano ‘to, trip? Hindi ko ito hinawakan, bagkus ay tinitigan ko lamang. “Belle!” I heard Gabriel’s voice. Nilingunan ko ito sa aking likuran na tumatakbo papalapit sa akin. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang tuhod at saka tumingin sa akin. “Bakit hindi mo 'ko tinawag? Mabuti na lang tumingin ako sa bintana, and then I saw you down here.” Baka hahanapin ka ni Naui, kapag nakita tayo baka ano na naman isipin. Tiningnan niya ang gloves na tinitingnan ko habang nasa tuhod pa rin ang dalawang kamay. “Gloves? Bakit may gloves dito? And why is it color black? We only using white gloves.” “Yeah, we only used white gloves. At saka hindi ‘yan tulad ng mga gloves na ginagamit natin, titigan mo, Gab.” I said and pointed it. Inalis niya ang dalawang kamay sa tuhod niya at saka umupo habang ang isang kamay ay nasa sahig, “Okay, that’s a silky-gloves black coloured. I got your point, Belle. Hindi silk ang mga gloves natin, this is weird. Wala akong nakitang estudyante o tao rito na nakasuot ng ganyang gloves,” aniya at saka tumingin sa akin habang pinapagpag niya ang kanyang palad na galing sa sahig. My both eyebrows met as I crossed my arms while staring at the gloves. “It’s a girl student who left those gloves here. I can’t see her face nor recognize her, my eyes were always stupid, lagi na lang magiging blurry ang nakikita.” He laughed at me as he stood up. “Let’s check the CCTV camera at lunch time, okay?” I nodded and turned myself back, “Kuya, paki-check 'yong gloves na nandito, mukhang isang ebidensya 'to ng krimen na naganap,” tawag ko sa isang FBI. Lumapit naman kaagad ito at saka sinuri ang gloves. Nagsimula na kaming maglakad palayo roon ngunit sa ilang yapak pa lamang namin ay bigla akong napatigil. “There’s blood on these gloves!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD