CHAPTER ONE

1779 Words
Bellia’s Point Of View “Tingnan mo ‘yong estudyanteng mayroong nunal sa kanyang panga, look at her, Belle.” Sabi niya nang ituro niya ang hawak niyang kutsara sa isang direksyon. Kumunot noo ako bago ko inilingon ang aking sarili sa aking likuran. Hinanap ng dalawa kong mata ang babaeng  may nunal sa panga na sinasabi niya. Kapansin-pansin sa mukha ng babae ang kaba at takot sa paligid nito, parang kahit anong kilos ng ibang estudyante na nasa cafeteria ay napapansin at nararamdaman nito. Ibinaling ko ang aking sarili sa aking kinakain nang lumabas na ‘yong babae sa loob, “Okay. That’s weird, so weird,” ani ko at saka sumubo sa kinakain. I can see him smirking, “Yeah, totally weird. She’s in A-1, I saw her entering the A-1’s classroom, weird but she’s obviously a genius,” aniya at kumagat sa kanyang hawak na sandwich. I nodded and took a glance at him, “So, why did you point her to me? I mean, you’re interested? Do you like her? Or do you want me to make way for you to get to know her?” Itinaas ko ang kabila kong kilay habang hawak ang kutsara. He shakes his head four times, “No. I mean, I don’t like her.” Mas lalo ko pang itinaas ang kilay ko sa isinagot niya, “Aish. Yeah, I want to know her, does she look like has a phobia? It’s so rude to hear but I just guess that she has. I want to guide her, baka may mangyaring masama sa kanya, hindi ba?” Kumibit balikat ako at ginulo ang kanyang buhok. “Maybe, I guess? Hmm, no one knows? After the dismissal, let’s get to know her, okay baby-boy?”  Ikinurot niya ang kamay ko. “Please? Stop calling me baby-boy? Baka isipin ng iba hinahayaan kitang ginagawa mo akong batang sisiw, at saka sino ka ba para sanayan ang sarili mo na tawagan ako ng ganoon? You’re just a friend of mine.” Tinawanan ko na lamang siya at itinuloy ko na lang ang pagkain ko habang masama ang tingin niya sa akin. While we were eating, someone came inside the cafeteria, and it caught my attention. He’s a boy with paint on his cheek; he bought three chuckie and hurriedly went outside. “Maybe he’s in a hurry.” “Huh? To whom are you talking?” He asked. Inayos ko ang pagkakaupo ko at saka ipinatong ang dalawa kong siko sa lamesa. “You know the student who’s in A-1? The student who always has paint on his cheek?” Kumunot ang noo niya. “Matthew? Ygon? Maraming bumibili ng chuckie rito, Belle. But, you could check its badge.” Umiling na lamang ako sa sagot niya. “Nevermind.” He laughs at me, “Woah? Do you have an interest in one of them? Ygon? Matthew?” He asked crazily. “Hindi ba puwedeng naitanong ko lang?” I pointed his nose, “You know that I’m not that type of person, right? I had no interest with anyone in this university, even in the outside world.” Nakita ko ang ngiti na bumakas sa labi niya, “So? Nagkaroon ka sa akin?” He addused. Huminga ako ng malalim. “I ha—” “Oh, my goodness. You just made my heart’s melt, Belle.” Bigla niyang sabi, umarte pa siya na parang sumasakit ang puso niya. I gave him a fake smile and rolled my eyes. “Funny mo, sobra.” Tumawa kami pareho at tumayo na upang itapon ang pinagkainan namin. Sa aking ikalimang yapak ay nakaramdam ako ng malamig na nagmumula sa pader. Tumigil ako sa paglalakad at tumingala ako upang tingnan kung mayroon bang aircon doon, ngunit wala akong nakita. Nakita ako ni Gabriel kaya tinawag niya ako at sinenyasan na umalis na. “Belle? Tara na, ano pang ginagawa mo riyan?” Inilingon ko ang sarili ko kay Gabriel at naglakad, sinamahan ko ng tingin ang kisame habang papalayo kami ni Gabriel. Sa hallway, hindi talaga mawawala ang mga ibang freshmen lalo na ang mga babae na magkandarapa sa harapan at gilid ni Gabriel. Napapangisi na lamang kami ni Gabriel kapag mayroong nagpapa-picture sa kanya at ako pa ginagawang capturer. Napakamot siya ng ulo nang lumayo na ang babaeng estudyante, “How dare she do you a favor. Tss, I feel so sorry for them to you, Belle. You know, it’s not my fault and I didn’t want to be such a nice guy, right?” aniya at nagbigay ng matamis na ngiti. Hinampas ko ang kanyang braso at nagsimula nang maglakad. “Ayos lang naman din sa akin ‘yong ako ang gagawin na capturer, wala akong nakikitang masama roon, at saka pagbigyan na natin ‘yong mga bata, ano ka ba.” Tumawa siya sa sinabi ko at ipinasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa, “Iba ka talaga, Belle. You’re the worst of the worst!” sabi niya at saka lumayo sa aking tabi ng kaunti. I grabbed his necktie and pulled myself closer to him. “Don’t try me, Gab. Huwag mong hayaan na ako na ang maghahanap ng magiging bago mong kaibigan na babae, achcha?” I said as I brought his face closer with my grip on his necktie. Narinig ko ang kanyang paglunok nang magtagpo ang aming mata, “Okay, okay, okay. I give up. I do understand, okay? My goodness, you’re so serious, dude.” aniya at saka inaalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang necktie. I let go of my hold on him and smiled, “Then, good. Come on, let's fight a few of our classmates, hmm?” ani ko at saka inilagay ang dalawa kong kamay sa aking likod at hinawak ‘yon. Sumunod naman siya sa akin habang inaayos ang kanyang necktie. “My goodness, she’s so scary, I can’t handle this gal.” Nilingon ko ang sarili ko sa kanya. “Ano ‘yon? Anong binubulong mo?” Mabilis siyang umiling, “Wala. Wala naman, tara na.” aniya at inunahan ako sa paglalakad. Habang paakyat kami’t patungo sa silid namin ay mayroong sumigaw mula sa pangatlong palapag, dali-dali kaming umakyat at naglakad sa corridor at sinilip ang mga silid kung mayroon bang mga estudyante. I could feel the tremble all over my body. “Hindi karaniwang tao ang sigaw na ‘yon Gabriel, sigurado ako.” Tiningnan niya ako ng seryoso, “Sigurado ka?” aniya at ipinasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa ng uniporme. “Tingnan mo, walang mga estudyante rito. Malabong nasa tabing building ang sumigaw na ‘yon, hindi ba? Hanggang tatlong palapag lang ang building natin.” Sabi ko at pumasok sa aming silid. Huminga siya ng malalim at hinarapan ako, “Siguro? Ang ibig kong sabihin, siguro sa tabing building ‘yong sumigaw? Look, we’re not sure about it, Belle. Huwag mo na lang isipin, ilang minuto na lang magsisipasok na ang mga kaklase natin,” aniya. Tumango na lamang ako sa sinabi niya. “Okay, siguro nga.” Nang lumipas na ang ilang minuto ay umingay na ang corridor namin, nagsipasok na ang mga kaklase namin at sumunod na ang aming professor. Tumayo ako at lumipat ng puwesto sa tabi niya kung saan sa may tabing bintana upang makahagip ako ng hangin. “Okay A-3,” tiningnan niya kami at bigla itong ngumiti. “Magandang umaga sa inyo.” “f**k. That smile was so, so creepy.” Narinig kong bulong niya. Nakapagpigil ako ng tawa habang nagsasalita si Mrs. Tuan, mabuti ay hindi niya ako napansin. Naglakad-lakad si Mrs. Tuan habang bitbit niya ang libro niya, tumungo ito sa aming kaklase na mayroong binabasa sa kanyang libro. Bago niya ito kunan ng atensyon ay sinulyapan niya muna kami at ibinaling kay Jordan ang tingin. “Jordan. Puwede ko bang basahin ang binabasa mo sa ‘yong libro?” tanong ni Mrs. Tuan dito. Kita sa mata ni Jordan ang taranta habang inaabot niya ang libro niya rito. Kinuha ito ni Mrs. Tuan at lumabas sa silid at kita namin ang kanyang ginawa sa libro ni Jordan. Wala kaming nagawa kundi manatili lamang sa aming inuupuan. Nanatiling tahimik ang lahat nang pumasok si Mrs. Tuan sa silid, tumungo ito sa pwesto ni Jordan at inilapit niya ang kanyang mukha sa kanya. “Isang oras bago mo makuha ang libro mo, wala kang magagawa kung mapupunta na ‘yon sa basurahan dahil ayaw ng nakakataas sa ‘tin ang makakita ng kahit maliit na kalat sa kanyang iskuwela. Naiintindihan mo ba ang punto ko?” Tumango si Jordan habang nakayuko ang kanyang ulo, ngunit hindi ko makita sa kanyang mata ang lungkot at galit sa ginawa ni Mrs. Tuan. Binigyan ng thumbs up ni Mrs. Tuan si Jordan at bahagyang ngumiti. “Mahusay!” Lumingon ako sa bintana dahil sa init, nang muli akong tumingin kay Mrs. Tuan ay nakakita ako ng pulang kulay sa kanyang hinlalaki. Tumayo si Mrs. Tuan at nagsimulang magsalita sa harapan namin. Mahaba ang naging discussion nito dahil marami ang mga na-missed naming lessons because of her busyness. Natapos din ang oras ng klase namin dito ay kaagad naman itong nagpaalam sa amin at lumabas ng aming silid.  Ipinasok ko ang mga gamit ko sa aking bag at nakita siyang tumutungo sa direksyonan ni Jordan, “Hey Jordan, I know you’re not okay, obviously, but let me help you to get your book back,” dinig kong alok niya kay Jordan. Inayos ko ang aking mga gamit sa loob ng aking bag at nagbalak na lapitin siya upang tumulong din sa offer niya kay Jordan. Lumapit ako sa kanila. “You can count on us, Jordan.” I saw him smiling. “So, that book is important because?” “I have a lot of contacts in that book, and my parents gave me that book.” She said as she looked down. Tumango si Gabriel, “Is that it? I mean, puwede nating hingin ulit ang mga contacts ng mga nandoon, right, Belle? And we can buy another one, just like your book.” He offered it to Jordan and took a look at me. “No. I’m not letting you both search for my book; just let me.” Kumunot noo ako at saka ipinatong ang aking braso sa kanyang balikat, “Uhm. Okay? If that would be more okay to you. Accept our apology, Jordan.” I uttered. I tapped his shoulder as if I’m signaling him to stand up and leave her alone. “Do not get involved.” I heard her whisper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD