CHAPTER SIXTEEN

1787 Words
Bellia’s Point Of View Inilibot ko ang paningin ko habang nasa corridor ako sa aming building. Malamig ang simoy ng hangin dahil maaga pa lamang, sinadya kong mapaaga ang pasok ko rito upang makapag-isip-isip kahit papaano ‘man lang. Pagkatapos ng nangyari kagabi sa amin kagabi ni Gabriel ay hindi ko na maalis sa isipan ko kung paano ko ba siya kausapin ngayong araw, kung kukumustahin ko muna siya, o kung idadaan ko na lamang sa pagbibigay ng letra. Sa kabilang building ang dorm niya, hindi ganoon kalayo sa building ng inuuwian ko ngunit hindi ako ganoon komportable para bisitahin siya, dahil na rin siguro sa puro sila lalaki roon. Ngunit hindi naman niya ako pinagbabawalan, ayoko lang talagang pagtinginan ako ng mga lalaki habang naglalakad. Inilapad ko ang dalawa kong braso sa dungawan at ipinatong ang aking baba roon, “I missed you,” ani ko habang napatitig sa palad ‘kong may bandage at saka bumuntong hininga. “Hey.” Inilingon kong mabilis ang aking sarili sa direksyon ng nagsalita. Inayos ko ang aking sarili, tumayo ng maayos at saka pinagpag ang aking palda. “Hi. Good morning.” Ngumiti siya at saka inayos ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng laptop, “Yeah, same to you. Why you’re here?” Tumingin siya sa kanyang relo. “It’s 7:25 o’clock as early. You got bored in your dorm?” He’s so simple. Wala siyang suot na necktie, nakabukas pa ang unang butones ng kanyang uniporme. Ang pinakagusto ko sa kanya maliban sa kanyang aura ay ang kanyang buhok na under-cut, walang ibang kulay ito kundi maitim, natural at hindi pa pinakulayan. Umiling ako at saka hinawak ang aking kamay habang nakatingin sa kanya. “No. Sinadya kong pumasok ng maaga. I also wants to feel and smell the fresh air here at this hour.” Tumango siya at saka hinawak ang door knob at akmang papasok ng silid. Bahagya akong humakbang ng isang beses at saka siya lumingon sa akin. “I… Uh. I’m sorry, Gab. I don’t have the rights or any rights to judge your own decision. I’m sorry, I’m really am.” Bumakas sa kanyang mukha ang ngiti at saka binitawan ang pagkakahawak niya sa door knob at saka humawak sa kanyang shoulder bag. “You don’t have to apologize, Belle. I was wrong to made a decision na ikakasama mo, sa kalagayan mo.” I nodded, “Mm-hmm. Would you mind going to the cafeteria with me? My treat,” I said as I gave him a smile. He laughed. “Yours again, huh? I will not let you treat me again. No, my treat, now, always.” Mas lalo niya akong napangiti sa kanyang sinabi. Binuksan niya ang pinto ng silid namin at saka naman ako sumunod sa kanya, tumungo siya sa kanyang upuan at ipinatong ang kanyang shoulder bag sa lamesa niya. Umupo siya at saka kinuha ang kanyang necktie sa kanyang bag, inabot niya ‘yon sa akin habang binubutones niya ang kanyang uniporme. Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa kanyang lamesa, inilapit ko ang sarili ko nang ayusin ko ang kanyang kwelyo at saka ipinulupot ang necktie sa kanyang leeg nang matapos niyang ilagay ang butones dito. Halatang nabigla siya sa aking ginawa ngunit hindi na niya ako pinigilan. Oh, my goodness, please, stop staring at me. Damang-dama ng katawan ko ang pagtitig niya sa aking mukha habang inaayos ko ang kanyang necktie. Parang ayoko ng umalis at matapos ang anong ginagawa ko sa kanyang harap dahil ngayon lang ito nangyari. Hindi ko naiwasang tingnan siya sa kanyang dalawang mata. Oh, my god, I can see his eyes sparkling. Hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kanya habang inaayos ang kanyang necktie, hindi naman ganoon malapitan ang posisyon namin, ngunit ang mga mata namin ay parang magkalapitan lang. “Hoy! Ang aga-aga kung ano-ano ang inaatupag ninyong dalawa!” Nawala ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang salita na ‘yon mula sa gilid namin. Umalis ako sa pakakaupo sa lamesa at saka tumungo sa upuan ko. Lumapit si Naui sa akin habang suot pa niya ang kanyang bag, “Hmm? Do you guys both is now dating?” tanong niya at saka humigop sa kanyang hawak na yakult. Umiling ako at saka isinuot ang aking ID. Nakita ko namang tumango siya at saka umalis. Naging maluwag ang aking paghinga nang umalis siya. Bahagya akong sumulyap kay Gabriel na ngayon ay kausap si Naui, nakangisi ang babae habang nakikinig sa sinasabi ni Gabriel. Tumango na lamang ako at napasimangot sa nakita. Muli akong huminga ngunit malalim, inilabas ko ang ponytail ko na kulay kayumanggi at itinali sa aking buhok na hanggang balikat, ngunit hanggang leeg lamang ang pagkakatali ko roon.  Inilabas ko rin ang dalawa kong hair clip, inilagay ko ‘yon sa aking labi habang inaayos ang aking buhok at akma ko sanang ilalagay ‘yon sa buhok ko ngunit narinig ko ang boses niya sa aking gilid. Nang sulyapan ko ito ay nakatingin siya sa akin habang nakapatong ang kanyang kamay sa upuan sa harapan ng aking lamesa. “You don’t have to use hair clips, kung may hahawi ‘man na buhok sa mukha mo, I’ll be your hair clip,” aniya at saka lumakad sa aking likod. “Tara sa cafeteria, my treat.” Inalis ko ang dalawang hair clip sa labi at saka inilagay ‘yon sa aking bulsa. I can’t help to bit my lower lip when I felt that he’s still behind me, he really used to wait for me, anytime. Hinawak ko ang aking batok nang humarap ako sa kanya, ngumiti naman siya sa dahilan na hindi ko siya tinanggihan sa kanyang kagustuhan. Naglakad kami pababa ng building ngunit hindi pa ‘man kami umaabot sa unang palapag ay mayroon nang tumakbong estudyante sa harapan namin papuntang taas. Lumingon siya at saka ipinasok ang isang kamay sa bulsa, “Hey! What happened to you? You’re so wet,” aniya at saka ko sinulyapan ang estudyante na hindi pa naman nakakalayo sa amin. Naririnig kong hinahabol nito ang kanyang paghinga, “Mang Sinlac, n-natagpuan siyang patay sa oval,” sabi nito at hingal na hingal. Nabigla ako sa narinig at napatitig na lamang sa estudyante. Mabilis naman tumakbo papuntang taas ang estudyante at hindi na hinintay ang aming sasabihin dahil wala rin naman siyang alam kung ano at paano ‘yon nangyari. Inunahan ko siya sa paghakbang pababa ngunit pinigilan niya ako, “Belle. Huwag muna ngayon, you can’t go there, it’s dangerous.” He said. Kumunot noo ako. “We have to investigate, Gab. We can’t just stand here, we must look for it and seek justice.” Tiningnan niya ako sa dalawa kong mata at saka pinagkita ang kilay. “It’s dangerous. Please, don’t get involve, Belle. Let the student councils look for it, okay? In addition, they will not allow us to investigate, okay? Hear me out, Belle, hear me out, please.” Lumapit ako sa kanya at saka hinawak ang kanyang kabilang balikat. “Let me, Gab. I’m listening to you, huwag mong isipin na binabalewala ko ang mga sinasabi mo para sa kaligtasan ko. This is not about my safeness, Gab, he deserves justice, okay? I’ll investigate. There are so many CCTV cameras, imposibleng wala silang nakuha roon.” Hindi niya inalis ang pagtingin niya sa aking dalawang mata, “Okay. I understand. I’m with you,” sabi niya at saka lumunok. Ngumiti ako at saka nagsimula ng bumaba ng building, nakasunod naman siya sa akin at saka tumabi sa aking gilid. Sabay kaming pumunta sa oval kahit na mayroong tumatawag sa kanyang mga kaibigan niya na mga lalaki. Nasa tabi pa lamang kami ng building namin ay nakikita ko na ang mga estudyante sa oval na pakalat-kalat, ang lahat ay nakatakip ang kanilang mga ilong at bibig dahil sa masangsang na amoy. Sa aming paglalakad ay inabutan niya ako ng panyo na kulay asul, tinanggap ko ‘yon at saka siya tiningnan, ang kanyang pulso ang ginawa niyang pangtakip sa kanyang ilong. Itinakip ko naman ang aking ilong sa kanyang inabot na panyo. Habang kami’y papalapit ay mas lalong sumasangsang ang amoy. Nakita ko si Matthew na nakatukod ang isa niyang tuhod sa sahig, nasa kanyang tabi naman ang babaeng kasama kagabi na may hawak na ballpen at isang pad na yellow paper, kasama na rin ang mga ibang student councils. Lumingon ang isang lalaki sa amin na kasama ni Matthew at hinarangan kami. “You should not come here nearly, Gabriel.” Tumingin si Matthew sa aming direksyon at saka tumango, “Yco, that’s okay, let them.” anito. Umalis naman ang lalaki sa harapan namin at saka bumalik sa kanyang puwesto kanina. Binigyan kami ng puwesto ng babae at saka bumungad sa aking mata ang katawan ni Mang Sinlac, mabuti ay tinakpan kaagad ang kanyang katawan ng kurtina ngunit ang kanyang dugo ay kumalat na sa sahig. Sumulyap ako kay Matthew na ngayon ay malalim ang iniisip, nakapatong ang kanyang braso sa kanyang tuhod habang ang kamay ay nasa kanyang labi. Lumapit sa kanya ang babaeng kasama nito kagabi, “This is obviously happened at midnight, Matt. Our CCTV cameras didn’t get any footage here in the oval when it happened, that’s what was Mang Coro said,” anito at saka inayos ang humahawi na buhok sa mukha nito. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko at sinuri kung sa gitna ba ginanap ang pagpatay kay Mang Sinlac. Hindi ko masigurado dahil ang daming estudyanteng naglalakad sa paligid na sumisilip sa katawan. “Hey, Matt. How was this happened?” tanong niya kay Matthew. Hindi naman lumingon sa amin si Matthew at patuloy pa rin sa pag-iisip. “Someone put a knife on his head, apat na saksak, if I’m not mistaken. Hindi pa siguro nasayahan ‘yong gumawa, sa dibdib at tiyan naman siya sumakak, dalawang beses parehas. May dala siyang bumbilya, we don’t have any idea kung para saan ‘yong bumbilya niyang dala. All we need to do is to seek justice.” sabi ng lalaki sa amin. “Ethane!” Lumingon naman ito sa likod namin, “Ano?” tanong nito at saka tumakbo sa likod namin. Nagkatitigan kaming dalawa sa narinig. Sinong may lakas na loob na gawin ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD