Crown 5 ♛ REGRET

1489 Words
LOURAINE sighed heavily as she think about what she did. Tama ba 'yung ginawa niya? Tama ba? Pano kung talagang totohanin ni Duke iyong sinabi niya? Haaay!  Napasabunot siya sa buhok niya. Iyan kasi, padalos-dalos kasi siya bigla. Ano nga ba iyong sabi sa kanya ng tatay niya? Na huwag magdedesisyon kapag galit? Now she knew he's right. Kasi parang ngayon, pinagsisisihan niya na sinabi niya iyon. Na ginawa niya iyon. Hindi na tumawag at nagtext si Duke sa kanya sa nakalipas na dalawang araw pagkatapos ng drama niya.   Again, she grabbed her hair frustratingly. Hindi nga kasi drama iyon!  Totoo. Nasaktan talaga siya sa ginawa ni Duke. Nasaktan siya na nagsinungaling ito sa kanya. Napasimangot siya. Siguro ngayon, kasama na nito ang baabeng iyon.  Hmp! Magsama sila ng babae niya.  Wala na siyang pakialam. Ano pang aasahan niya? Ang mayayaman, para sa mayayaman lang. Masaklap man, hindi magiging tulad ng kay Jandi o Sanchai ang buhay niya. Sa mga palabas lang iyon. Hindi iyon nangyayari sa totoong buhay. Napabuntong-hininga siya. Pero paano na ang prom niya? Malungkot na tiningnan ni Louraine ang kalendaryong may marka. Next week na iyong prom nila. Ngayong break na sila ni Duke... parang wala na siyang ganang pumunta.  "HINDI KA talaga pupunta?" gulat na tanong ni Saab sa kanya. "Anong nangyari? Last week excited na excited ka pang pumunta tapos ngayon ganyan ang arte mo?" Nagpatuloy lang siya sa pag-erase ng blackboard nila. Nai-kuwenta na niya rito na hindi siya pupunta sa prom. "Huwag ka ng magtanong. Ayokong pumunta. Period," seryosong sabi niya. "May LQ kayo ng boyfriend mong Hari no?" Pilit nitonghinuhuli ang mata niya na iniiwasan naman niya. Hindi siya sumagot kaya napapukpok ito sa mesa. "Sabi na nga ba. Hay~ parang nag-away lang kayo, hindi ka na agad pupunta?"  Inirapan niya ito. "Ayoko lang pumunta kasi wala akong partner," pagdadahilan niya. The truth seemed to be difficult for her to admit. "Psssh! Ang babaw naman niyang drama mo. Iyon lang ba ang nginunguso mo buong araw?" Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Eh paano kung may magyaya sayo? Pupunta ka na?" "Hindi ko alam." Nagkibit-balikat siya. "Siguro." Hindi niya alam. "Ewan ko sa'yo. Ang gulo mong kausap eh." Bigla na lang nitong inagaw ang eraser sa kanya. Umupo na lang si Louraine habang nakikinig sa litanya ni Saab. "Ganito na lang kasi gawin mo. Imbis na magmukmok ka sa bahay niyo sa prom, pumunta ka na lang. Kesa naman sa umitak ka at ngumawa. Papangit ka na nga, mamamaga pa iyang mukha mo, mas mabuti nang lumabas ka. So what kung nag-away kayo ni Duke lalabs mo? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo." PAWIS NA pawis si Louraine dahil katatapos lang nilang maglaro ng basketball sa PE nila. Iyong teacher naman kasi nila, porket siya ang pinakamatangkad sa klase nila, siya na agad ang ginawa nitong captain. Malapit na ang finals nila at gusto ng teacher nila ay maglaban-laban sila at ng ibang sections. Kaya ngayon, tudo practice sila.  Nilagok kaagad niya ang laman ng mineral water niya. Uhaw na uhaw siya kanina pa. Balak yata silang patayin ng coach nila sa dehydration. Nagyon pa kasi nito napiling maglaro sa ground kung kelan tirik na tirik ang araw. "Cap! Una na'ko," paalam ni Jasmine sa kanya. Siya na lang ang natitira sa court. Kanina pa umalis ang iba para maligo. Magpapahinga na lang muna siya rito bago maligo. Baka mapasma pa siya kapag naligo siya kaagad. Ang init pa ng katawan niya. Kinuha niya ang mp3 player sa PE bag niya at sinuksok sa magkabilang tenga ang earphones niya. Kapag wala siyang ginagawa, lumalaboy ang isip niya at baka tungkol sa sawing lovelife na naman niya iyon mapunta. Hindi pa yata nakakalipas ang tatlompung minuto siyang nagpapahinga nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Pagdilat niya ng mata, nakita kaagad niya ang isang lalaking nakayuko sa harap niya. Napakurap-kurap siya ng mata. "A-anong ginagawa mo?" Hindi na niya kailangang itanong ang pangalan nito kasi kilala niya ito. "I was talking to you, kaya lang mukhang natutulog ka kaya pinanood na lang muna kita," nakangiting sabi ni Tristan, ang isa sa mga barkada ni Zeke. Sa kanilang magbabarkada, ito na yata ang pinakamabait sa kanila. Pero bully pa rin ito tulad ng iba. Siyempre, hindi naman ito mabibilang sa grupo ni Zeke kung wala itong kasamaan sa katawan. So bakit kaya siya nito kinakausap ngayon? "Puwede ka ng lumayo sa'kin." Lumayo naman ito nang umupo siya ng maayos. "Bakit mo pala ako gustong kausapin?" tanong niya rito. Pinanood niya itong umupo sa tabi niya na para bang napaktagal na nilang magkaibigan. "Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Saab kanina. 'Yung tungkol sa prom." nakangiti ulit na sabi nito. Alam nitong boyfriend niya si Duke. And he knew better not to ask her to prom. Diba? Pero bakit parang may pakiramdam siya na iyon ang balak nitong gawin? Yumuko ito para tingnan ang kuko nito sa kamay. "Iyon din kasi ang problem ko. I don't think I would come to prom without a partner. So since wala ka ring partner..." Sinilip siya nito mula sa pagakakayuko nito at ngumiti. "Can I ask you to be my date?" HUMINGA si Louraine ng malalim bago inabot ang kamay kay Tristan. Napapaisip pa rin siya kung ano ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang alok nitong maging date niya ngayong prom habang sinusuot nito ang corsage sa kamay niya. She always dreamed of this day, na isusuot sa kanya ni Duke ang corsage na iyon na may paborito niyang bulaklak. Kasalanan nga ba niya kaya siya malungkot ngayon? Na wala na si Duke sa tabi niya? She mentally shook her head. No. It's not her fault. Nagsinungaling si Duke sa kanya. Niloko siya nito. It was his fault dahil sinaktan siya nito. He just fooled her. "Louraine?" Napatingin siya sa boses na iyon ng nanay niya. "Okay ka lang anak?" Ngumiti siya ng pilit at tumango. "Kinakabahan lang po ako." "Hijo, alagaan mo sana itong anak namin," bilin naman ng tatay niya kay Tristan. "Huwag ho kayong mag-alala, Sir. I'll take care of your daughter." Nakangiting kinamayan nito ang tatay niya. Tristan wasn't so bad. Magalang ito sa mga magulang niya at hindi ito nagpahalata nang makapasok ito sa mumunting bahay nila. Alam niyang sanay ang mga kagaya nito sa mga mansyon, hindi ang kagaya sa kanilang parang bahay na ng duwende para sa mga katulad nito. Kahit na nagtataka pa rin si Louraine sa dahilan niya, she knew one of her reasons. Tama si Saab. Hindi lang si Duke ang lalaki sa mundo. Hindi siya magmumukmok na lang sa bahay nila habang ito ay nagpapakasaya kasama ang magandang baabeng iyon. She's just a junior student. Marami pa siyang pagdaraanan. Marami pa siyang makikilalang tao sa buhay niya. Marami pang puwedeng mangyari sa kanya. Her life wouldn't stop just because Duke let her down. KANINA pa siya nakaupo sa isang sulok. Hindi niya alam kung tatadyakan niya ang Tristan na iyon sa pang-i-indiyan nito sa kanya o kung matutuwa na lang siya kasi ayaw din naman niyang makipag-usap rito. Mas okay na siguro kung doon na ito kasama ng mga chikababes nito dahil sa totoo lang, wala talaga siya sa mood. At alam niya kung bakit. Kaya nga mas naiinis siya kasi kahit na nagdesisyon siyang kalimutan si Duke, ito pa rin ang umuokupa sa kalahating utak niya.  Nandito nga siya sa prom, pero ito pa rin ang iniisip niya. Nababaliw na siya. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya.   "Gentlemen, it's time for you to dance with your fair ladies," anunsiyo nong DJ na kanina pa nagpapatugtog ng kung anu-anong kanta sa DJ booth. Ngayon naman ay isang love song ang pinili nito para sa sayawan ng mga magpapartner. Napabuntong-hininga na lang siya imbis na mag-ayos. Para saan pa? Hindi din naman siya makikipagsayaw kay Tristan. Wala siyang balak na tumayo doon sa dance floor at makipagtitigan rito. We were both young when I first saw you. I close my eyes and the flashback starts: I'm standing there on a balcony in summer air. Nagsisimula nang mapuno ang dance floor, at nakakalbo na rin ang mga upuan. Kakaunti na lang ang nasa gilid. Pero nanatili siya sa upuan niya. Mayamaya ay nakita niya si Tristan. See the lights, see the party, the ball gowns. See you make your way through the crowd And say, "Hello, " Little did I know... Nagtaka siya kasi imbis na lapitan siya nito, he just c****d his head to someone. That you were Romeo, you were throwing pebbles, And my daddy said, "Stay away from Juliet" And I was crying on the staircase Begging you, "Please don't go" And I said... Sabay-sabay na napasinghap ang mga tao roon, ang iba naman ay tumigil na sa pagsasayaw nang biglang sumulpot si Duke sa may entrada ng hall. She was stuck in her seat. Ano ang ginagawa niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD