WHAT the― Matagal na tinitigan ni Louraine ang maitim na bagay na iyon sa harapan niya. Is that a horse?! Walang kahirap-hirap na sumampa si Duke sa likod ng napakalaking itim na kabayong iyon habang siya ay naiwang nakaawang ang bunganga. "Ano pang ginagawa mo diyan?" tanong pa ni Duke sa kanya. She looked at him with the same skepticism. "Bakit? Ano bang balak mong gawin ko?" He's not so stupid to tell her to ride that, was he? But looks like Duke was really stupid. "Sumakay dito." sagot nitoo at itinuro pa ang likod ng kabayo. "What?" Was he crazy? "No, no, no, no." Nagsimula na siyang humakbang paatras. "There's no way I'm going to ride that... horse." "Louraine! Saan ka pupunta?" tawag ni Duke sa kanya habang naglalakad na siya palayo sa higanteng kabayo at kay Duke. "I'm taki