Chapter 1

985 Words
Chapter 1 HAILA'S POV Pagnakita ko talaga ang lalaking bastos kanina mapipilitan akong ipabarangay 'yon. Isipin niyo naman kahit sorry 'di ko narinig sa kanya at hindi lang 'yon,'di pa niya binayaran ang mga paninda kong natapon. Mga mayayaman talaga. Wala na kong ititinda dahil natapon na lahat kanina kaya naisipan ko nalang umuwi tutal medyo gumagabi na rin. 'Di ko na nakita ang Mama ko dahil namatay siya noong ipinanganak ako tsaka 'yong magaling naman naming ama, ayun nasa ibang bahay na. Napilitan akong huminto sa pag-aaral dahil kapos kami sa pera kaya naisipan ko na lang magtrabaho para kahit papaano makatulong sa mga gastusin. Highschool lang ang natapos ko kaya sa murang edad kumakayod na ako para makapag-ipon sa pag-aaral ko. 'Di ko naman pinangarap ang ganitong buhay, pero, ano pa nga bang magagawa ko, nandito na ako. Tsaka 'di ko naman kinakahiya na ganito lang ang estado ng pamumuhay namin. Namamasukan rin akong kasambahay o kahit ano mang trabahong kaya ko. Doble kayod ako kase 'di naman sapat 'yong pinapadala ng kuya ko para sa amin ni lola lalo na at kailangan rin ng pera pambili ng gamot nya. "Haila," wika ng isang tinig sa likod ko kaya tinignan ko kung sino ang tumawag sa'kin. "Oh Dave ikaw pala," wika ko saka lumapit ng konti sa kanya. Siya pala ang kaibigan ko, bata palang kami magkasama na kami niyan, kumbaga partners in crime kaming dalawa. Wala akong masabi sa sobrang kabaitan niyan sa'kin, palagi niya akong tinutulungan pag may problema ako kaya sobrang thankful ako na nakilala ko siya. "Pabili nga ng mani kung meron pa," sabi niya at inabot ang sampung pisong bayad niya pero nakasimangot lang akong pinakita ang basket na pinaglalagyan ko."Wow naman naubos na. Mukhang sinuswerte na tayo, pards, ah". Tinignan ko siya ng direkta na nakasimangot pa rin."Anong swerte, malas kamo," wika ko. Nagulat pa siya sa sinabi ko kaya nakakunot-noo siyang tumingin sa'kin. "Anong ibig mong sabihin, pards?" Bumuntong-hininga muna ako bago siya sinagot. For sure, aapaw na naman ang pagiging OA niyan pag nalaman niya ang totoong nangyari. "Natapon lahat eh dahil lang sa walang modong lalaki kanina na muntik ng makabangga sa'kin, at alam mo pa, pards, 'di manlang siya humingi ng sorry." "At wag mo ring sabihin na 'di nya binayaran ang mga paninda mong natapon?" Dinuro niya pa ako Ng bahagya. "Tss. Humingi nga ng sorry di niya nagawa, bayaran pa kaya niya mga paninda ko." Sagot ko. "Ay potangina naman ng taong 'yon, 'di na siya nahiya. Kababae mong tao 'di ka manlang kinaawaan. Ba't ' di mo 'ko tinawagan kanina para naturuan ko siya ng leksyon." Gigil niyang usal. Inihanda na rin pati ang kanyang mga kamao. "Pards, easy lang, okay na tapos na," sabi ko at pilit siyang pinapahinahon. Masama na kung mahighblood to, kasalanan ko pa. "Pards, sino naman ang 'di mag-aalala, paano kung sinaktan ka no'n, e 'di basag 'yang mukha mo kung sakali." Adik niya sa nanenermong tinig. "Subukan lang niya, 'di ako papatalo do'n no." "Kahit na, pards, wala ka pa rin laban do'n." Aniya Dave. "Oo na tatawagan na kita pagnakita ko ulit 'yon, sige na, una na ako baka hinahanap na ako ni lola eh," paalam ko kaya tumango nalang siya. Iniwan ko na siya dahil dumidilim na rin baka may mangyari sa'kin sa daan. Nang makarating sa bahay ay agad kong inilapag ang basket na dala ko sa may mesa saka lumapit kay lola at nagmano. "Mano po, La." Inabot ko ang kanyang kamay at nagmano. "Kaawaan ka ng diyos apo. Oh, mukhang ginabi ka yata ngayon," wika ni lola na abala sa pagluluto ng hapunan namin. "Opo nga po, eh." Usal ko. "May nangyari ba?" Tanong nya. "Wala naman lola," pagsisinungaling ko saka uminom ng tubig dahil nauuhaw ako sa pagod. Ayaw kong ipaalam kay Lola dahil baka mahighblood pa siya sa pag- aalala sa'kin. "Sigurado ka?" Paniniguro nito sa akin. Mukhang mapansin niya ang pagiging matamlay ko. "Opo, h'wag po kayong mag-alala." "Oh, siya, magpahinga ka muna dyan dahil mamaya kakain na tayo," wika niya at ibinaling na ang atensyon sa linuluto. Umupo muna ako dahil sobra akong napagod sa araw na ito. Naistress din ako sa taong bastos kanina. *ring* *ring* *ring* Agad kong binunot ang cp ko na nasa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag. 'Yong agency pala na nagbibigay impormasyon sa'kin kung saan ako magtratrabaho bilang isang kasambahay. "Hello po Maam." Magalang na pagsagot ko. "[Hello eto po ba si Ms.Haila Santiago?]" "Ako nga po, bakit?" "[Ah, Miss Haila, kinuha ka po ni Mr.Mendoza para maging yaya nila]" "Talaga po?" Tanong ko dahil 'di ako makapaniwala. Sa sobrang malas ko kanina, sa wakas dinalaw na ako ng swerte. Halos mapatingin pa si Lola sa'kin dahil sa pagtataka. "[Oo, magsisimula ka na daw bukas. Itetext ko nalang sayo y'ong address nila]" "Ah sige po, Maam." "[Ok bye. Goodluck]" "Thank you po," wika ko tsaka binaba na ang selpon ko at nagtalon-talon pa ako sa tuwa. Yes! may trabaho na ako. "Hoy! 'Anyare sa'yo? Tumigil ka nga diyan baka masira 'tong bahay natin eh," suway ni Lola sa'kin kaya natauhan na ako. Siguradong masisiyahan si Lola sa ibabalita ko. "Lola, sa wakas may trabaho na po ako," balita ko na tuwang-tuwa. Namilog pa ang mata nya sa kanyang nalaman. "Trabaho?" "Opo, Lola. May kumuha daw sa'kin para maging yaya nila tsaka hindi lang 'yon, lola, magsisimula na daw ako bukas." Masiglang ani ko. "Hay! Salamat sa diyos at may trabaho ka na,apo," ani ni lola saka ko siya niyakap ng mahigpit. Walang imposible sa diyos kaya sobrang bless ko. Habang kumakain ay 'diko maalis ang ngiti sa labi ko at ganoon din si lola. Masaya kaming dalawa dahil sa blessing na dumating sa'kin. Pagkatapos kumain ay inihanda ko na lahat ng gamit ko para bukas. Halos 'di pa ako makatulog dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD