HER POV
"HOY BULAG KA BA? MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO?" Galit na galit na sigaw ko nang muntik na akong mabangga ng isang tarantadong nakakotse.Tm tumilapon pa lahat ng paninda ko sa sahig dahil sa gulat.
Pero imbes na kaawaan ako ng nakakotse ay nagmatigas lang ito. Oo, huminto nga siya pero wala yata siyang balak na humingi ng sorry sa akin. Sa inis at galit ko ay pinagsisipa ko ang gulong ng kotse nito at pinagkakakatok ang bintana upang makuha ang atensyon ng taong nasa loob. Wala sa isip ko kahit mayaman man ang nakakotse ay hindi ko papalampasin ang ginawang kagaguhan sa akin. Hindi biro ang muntik ko nang pagkakasagasa.
Dahil siguro sa inis ay napilitan itong harapin ako. Ibinaba niya agad ang bintana. Pero, lalo lang ako nainis dahil sa walang kwenta niyang reaksyon. Parang wala lang sa kanya na may muntik na siyang mabangga.
"Can you please stop. Tsk! Stupid," naiiritang wika ng lalaki sa akin na may nginunguya pa itong bubblegum. Wala yata siyang pakialam kung babae man ang nasa harapan. Sigawan ba naman ako. Potek!
"Hoy!" Umuusok ang ilong ko na sigaw rito at lumapit sa bintana ng kotse at dinuro ang lalaki. "Kahit magaling kang mag-english, bastos ka pa rin. Mawalang galang na po, ah, mister, alam nyo bang muntik na po kayong makabangga ng magandang dilag kanina," depensa ko na walang takot na nararamdaman na harapin ang isang lalaki na 'di ko naman kilala.
"Miss, pwede ba, huwag kang gumawa ng iskandalo dito. Shut up your f*****g mouth, ugly!" Naiinis na tugon ng lalaki sa akin na halos magkasalubong na ang kanyang dalawang kilay.
"Hoy! Kahit bobo ako sa english alam ko ang ibig-sabihin ng ugly at wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo basta para sa'kin muntik mo na akong mapatay. Kung sakaling mamatay ako sino na magpapakain sa lola ko, ikaw? Tarantado!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya. Gusto-gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino.
"Miss, I'm begging you. Stop it, please," wika ng lalaki na pilit yata niyang binababa ang pride upang magkaunawaan kaming dalawa.
"Kanina ka pa english ng english diyan ah, pwede ba magtagalog ka naman," wika ko dahil naiirita na ako sa kanyang pagsasalita.
"What?" Nakataas-kilay na tanong ng lalaki sa akin.
"I said, don't english me, cause, I, don't, don't, hmm, basta huwag kang mag-english, pwede?" Kahit anong pilit ko ay wala talaga akong masabing english. Umiwas pa ako ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Agad akong napatingin sa lalaki ng marinig nitong tumawa ng malakas at parang nananadya. Umusok ang ilong ko sa galit. Takte! Pinagtritripan 'ata ako nh bugok na 'to.
"Hoy! 'Huwag mo kong pagtawanan dyan ah, hindi nakakatawa 'yon," pilit kong pinapahinto ang lalaki pero wala iyon epekto dahil halos mangiyak na ito sa kakatawa.
"Simpleng english 'di mo pa kaya," saka pinagpatuloy ng lalaki ang pagtawa kaya tinignan ko siya ng masama. Edi ikaw na magaling. Psh!
"Gago ka pala e, pinahirapan mo pa akong mag-english, kaya mo naman palang magtagalog," inis na wika ko. Sarap dakmalin mata niya at itapon sa dagat.
"Sino ba kasing maysabi na 'di ko alam magtagalog? Tsk! Bobo 'yan?" At dinuro pa niya ako sa mukha tsaka pinagtawanan na naman.
Padabog kong tinapik ang daliri ng lalaki na nakaturo ito sa akin. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Bobo na kung bobo atleast 'di tulad mo na walang modo," sabay irap ko sa lalaki.
"Tsk! Mas okay ng walang modo atleast 'di bobong katulad mo. Nextime watch your words, loser," sambit ng lalaki saka pinaandar nito ang kotse paalis.
"Hoy! Bayaran mo 'tong mga paninda ko!" Sigaw ko pero nakalayo na Ang lalaki. Kahit ano pang gawin kongnsigaw ay 'di na ako papansinin ng lalaki kaya wala na akong nagawa kundi pulutin nalang ang mga pagkaing natapon sa sahig.
Uuwi akong may sama ng loob. Nakakainis.