Chapter 19

2098 Words
Aria Monique’s Point of View “I’m planning to deactivate my account by the way. So don't be shocked if you don't see me liking all your posts.” Patuloy pa rin siyang nag-uungot habang magkausap kami. Kahit na hindi kami magkalapit ay ramdam ko yung inis niya. Minsan lang yan gumanyan kaya alam kong sobrang bothered na siya sa mga taong nangi-stalk sa kanya. As i’ve said, mabait si Carter, sobra. Baka napuno na kaya ganyan na ang mukha.  “Go inside now. Nakikita kong nilalamok ka na dyan,” he added as he urged me to go inside again. Tinaasan ko naman siya ng kilay kasi paano niya nalaman? “How did you know?”  “Nagkakamot ka na,” he exclaimed, which made me smile. Yeah, right. Nagpaalam na ako sa kanya kasi ayoko talaga siyang kausapin knowing na nakikinig si Mayette. I don't want to be bothered by her endless questions about Carter.  But you know what, if Carter was interested on her as well, hindi naman ako magdadalawang isip na tulungan sila pero kasi hindi ba niya nahahalata na naiilang na yung tao kapag dumidikit siya? Hay, ewan ko nalang sa ibang tao talaga.  I ended the call at pumasok na sa loob. I got my small bed table at nagsimula ng  mag-aral. Naka open din syempre yung messenger tab ko dahil magkachat pa rin naman kami ni Carter. I was peacefully reading when I heard giggles. Nung una mahina lang, tahimik lang ang kwarto kaya naririnig ko pero habang tumatagal ay lumalakas. From where the sound is coming from, sa may baba ko kaya alam kong si Mayette yun. Para siyang kinikilig na ewan at tumatawa pa siya.  “Shh…” Nagkatinginan kami ni Annie na nasa taas din ng double deck. Tumahimik naman sandali si Mayette kaya lang after a few minutes ay tumatawa nanaman siya. Sinilip ko siya at nakatalikod siya pero nakikita ko sa screen ng phone niya na nanonood siya ng k-drama. Nakaheadset din siya kaya siguro hindi niya namamalayang napapalakas na ang tawa niya.  That scenario continued for minutes and hindi na talaga ako makapag concentrate sa sinusulat ko. I couldn't help but feel frustrated but I don't really want to cause a fight. Wala na akong panahon para doon kaya instead of confronting her, niligpit ko nalang yung mga gamit ko para makatulog na ako ng maaga.  I said my goodnight to Carter and went to sleep. Dahil sobrang aga ko natulog, napaka aga ko ding nagising. I decided to run so I got ready, wore my leggings, my sports bra at pinatingan ng aking Nike training jacket. I also wore my adidas training shoes. Wag kayong papaloko sa mga gamit ko. Kapag umuuwi si papa saka lang ako nagkakaroon ng mga ganito. Syempre wala ng magagawa yung dalawang bruha sa bahay kapag si papa na ang nagbigay. I took my water bottle, phone and earphones bago lumabas ng apartment. Buhay na buhay na ng elbi kahit ganitong oras pa lang kaya hindi na ako natatakot. Sobrang dami ko ngang kasabay na nagjojogging.  Exercising is relaxing for me dahil wala akong ibang iniisip kung hindi pagpawisan. Dahil maaga pa naman and my class is still at 9 am, i decided to run papuntang campus. When i got there, mas dumami na yung kasabayan ko kaya mas nakakagana. Yung iba may kasamang dogs and it’s such a nice view. Gusto ko din tuloy ng aso. Pero naisip ko din na sarili ko nga ay halos hindi ko na maalagaan aso pa kaya? Kapag nakapagtapos at nagkatrabaho na siguro ako, i’ll adopt one para naman may kasama na ako palagi. Well, there’s also Carter but i know that there will come a day na hindi na ako yung magiging palagi niyang kasama. Syempre, paano na lang kung nagka-girlfriend na yung tao? Alangan naman mag third wheel ako sa kanila? May hiya naman ako no! Nung ako yung nagkaroon ng relasyon, Carter kept his distance. Seloso kasi yung kumag na Kian na yun. Hindi niya naiintindihan na mag bestfriend lang kami ni Carter. Ako naman si estupidang babaita ay nagpaikot sa kanya kaya as much as possible hindi ko pinagseselos kaya lumalayo nalang ako kay Carter.  But everytime na mag-aaway kami ni Kian, palaging nandyan si Carter to comfort me. He’s always there to cheer me up at siya pa ang nagsasabi na ayusin namin ni Kian. i really don't deserve him kahit as a friend lang. So I promise myself na when Carter finally finds the right person for him, I'll support him no matter what.  Grabe, kung saan saan na napunta yung mga iniisip ko. I checked the time on my phone at nang makita na mag aalas sais na, I ran to the direction of the gate. Syempre, malayo pa ang apartment so i need to go back early. I still have three hours so okay lang yan.  When I reached the gate, I thought I saw Carter’s car. At tama nga ako kasi narinig ko siyang bumusina. Instead of jogging towards the exit, nag jog ako papunta sa isa sa mga waiting sheds na malapit sa gate. I saw his car nearing me kaya inabangan ko na siya sa may sidewalk.  “Good Morning!” I exclaimed when he opened his window.  “Sakay,” he exclaimed, which I eagerly obliged. Pawis na pawis ako at nakakahiya kay Carter kaya when i sat on his chair, binuksan ko yung bintana.  “Baka mapasma ako sa aircon,” pagdadahilan ko nalang. If i remember it correctly, he has a class at 7AM kaya siguro nandito siya ng ganito kaaga.  “Have you had your breakfast?” he asked as he maneuvered the car.  “Hindi pa. Ikaw?” I asked him back.  “Let’s eat first,” he exclaimed and drove papuntang grove. Ang grove ay lugar sa loob ng campus na may hilera ng mga carinderia. Malinis naman doon kaya gusto din ni Carter. Maaga pa kaya hindi kami nahirapan maghanap ng parking. Ito rin pala yung isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kumain dito ni Carter kasi ang hirap talaga maghanap ng parking kapag rush hour.  “What time is your class?” he asked as we walked towards Nanay Ariesa’s carinderia. Pangalawa sa dulo yung carinderia niya pero maluwag kasi dito tapos pwede pang magpaluto ng pancit canton kaya maraming kumakain. Pero dahil nga maaga pa, kakaunti pa lang kaming kumakain.  “Nine pa,” i answered at pumunta na sa may counter para mamili ng food.  “Ate isang order po ng rice, tsaka itong corned beef. Tsaka po paluto ng isang pancit canton with egg, chilimansi po,” i exclaimed as i gave her the money. May palaging nakaipit na 100 pesos sa phone case ko for emergency purposes. Ang plano ko ay mag breakfast nalang sa mga kainan malapit sa apartment pero nakasalubong ko naman si Carter so buti nalang may dala akong pera. Hindi ko naman siya pinagbabayad palagi no! May hiya pa naman ako sa katawan.  “Isang order po ng rice and chopsuey,” I heard Carter say his order before I went to find us a table. Pinili ko yung malapit sa may open space para mahangin. Inamoy amoy ko pa yung sarili ko kasi nakakahiya talaga na galing ako sa exercise samantalang si Carter ay fresh na fresh.  “Dalian na natin baka malate ka sa klase mo,” i exclaimed as i started eating my food. Ganun din naman siya. A few minutes later, tinawag na ako kasi nga yung pinaluto kong pancit canton.  “Ihahatid pa kita,” he exclaimed as he was wiping the side of his lips with the tissue provided.  “Anong ihahatid? Hoy 6:30 na,” I exclaimed when we finished eating. I mean baka traffic pa. Hindi ko na siya pinayagang mag-insist dahil tinaasan ko na siya ng kilay. Ang kulit kulit nito. Siya kaya yung ayaw ang nalelate tapos ngayon mag-iinsist pa na ihatid ako.  We were about to stand up and go when two girls approached us. Akala ko uupo lang sa ababakanteheng upuan namin pero nagulata ako ng tapikin nung isang babae si Carter. Para silang kinikilig kasi namumula ang mga pisngi. Oh no…. Alam ko na kung ano ‘to. “Kayo po si Kuya Carter? Yung nasa video?” the other girl asked at pinakita pa kay Carter yung video sa phone niya.  “Yes,” Carter answered politely.  “Pwede pong magpapicture?” the other girl asked at halos takpan ko ang bunganga ko para hindi matawa. Hala, artista ang peg? “Why?” Carter asked, seemingly confused.  “Ang talented niyo po kasi! At ang pogi mo po lalo sa personal,” they exclaimed as they squealed. Oh my god, mga freshman pa ata ang mga ito. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa carinderia.  “I’m sorry but I have class. Nagmamadali ako,” Carter exclaimed as he went to me para hilahin ako sa braso. Bago pa kami makaalis ng tuluyan, narinig ko pa yung freshman na may binulong sa kasama niya. “May girlfriend na pala si Kuya Carter….” I didn't have the chance to hear the rest because Carter was dragging me already.  “Ihahatid na kita,” he exclaimed pero agad kong binawi ang braso ko.  “Ang kulit mo din Carter. Malelate ka na sabi eh,” I exclaimed as I pushed him towards his car. May sakayan naman dito kaya magjejeep nalang ako. Busog din kasi ako kaya ayaw ko naman mag jogging pabalik ng apartment.  “Sasakay nalang ako ng jeep,” i exclaimed as i hug him at naglakad na palayo. I thought i successfully drove him away pero naramdaman ko siya ulit sa may gilid ko and i couldn't help but roll my eyes. Ang kulit! Tapos siya pa ang may ganang sabihin na ako ang makulit sa aming dalawa? Haynako.  “Hintayin na kitang makasakay,” he exclaimed before i could even asked. Wala naman akong nagawa kasi nandyan na siya eh. Wala ng sense na magpumilit pa.  Naghintay kami sa may waiting shed at wala pang tatlong minuto ay may nakita na akong parating na jeep. Marami naman kasi ang bumabyahe dito dahil nga syempre, university. Maraming pasahero.  “Bye na. Pumasok ka na!” i exclaimed bago sumakay.  “Text ka kapag nakauwi ka na,” i heard him say before umandar yung jeep.  I reached the apartment in a couple of minutes dahil wala naman masyadong traffic. Si Rhea nalang ang nasa apartment at nag-aayos na siya kaya siguro papasok na din siya.  “Ingat ka,” I exclaimed at ngumiti lang naman siya sa akin. I took the clothes that i’m supposed to wear today at pumasok na sa banyo. When i finished, wala na si Rhea sa apartment. Mabilis lang akong nag-ayos at 8 am pa lang ay tapos na ako.  I reached the campus at exactly 8:15. Wala naman akong magawa so nagpunta nalang ako ng library at doon nagbasa ng mga hindi ko nabasa kagabi. After that, I just went to class. Sa CAS Building 2 ang next class ko kaya nagdala talaga ako ng sweater. Para talagang north pole ang mga classroom sa basement kaya kailangan ay palaging handa.  I brought Carter’s sweater. Isa sa mga sabi kong hiram lang pero never kong naibalik sa kanya. Buti na lang talaga at hindi naman siya nagagalit sa akin. Tuloy tuloy ang mga klase ko today hanggang alas dos kaya marami talaga akong kinain kaninang breakfast.  I was counting down to the second ng matapos ang klase ko ng alas dos. Halos tumakbo ako palabas ng classroom dahil gutom na gutom na ako. Muntik pa akong mabunggo sa kung sinong higante dahil sa pagmamadali ko.  “Sorry--” Napatigil naman ako ng makitang si Carter pala yung nabunggo ko. Oo nga pala, 1PM ang tapos ng klase niya.  “Lunch?” he exclaimed as he showed me a paper bag at amoy palang ay alam ko ng shawarma rice ang laman nun.  “Yes!” I excitedly exclaimed as he held my arm palabas ng building.  “I’m so hungry!” i added dahil para na talaga akong mamamatay sa gutom. “I know. That’s why I brought you food,” he exclaimed as he smiled at me. Hindi ko naman napigilang yakapin siya sa may bewang dahil ang swerte ko talaga sa best friend ko.  “Thank you!” “Anything for you,” he exclaimed as he hugged me back. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD