Prologue

670 Words
PROLOGUE "PARURUSAHAN kita sa salang pagnanasa ng laman," Nakagapos ang aking mga kamay at hindi ko magawang ibuka ang aking mga pakpak dahil nananakit ang aking gulugod sa hindi ko malamang dahilan. Nakapiring ang aking mga mata dahil hindi ko maaaring makita ang si Bathalumang Eliah na siyang lumikha ng lahat ng bagay at nilalang sa mundo habang ako ay nililitis sa aking nagawang kasalanan. Pakiramdam ko ay pinaliligiran ako ng mga kapwa ko anghel sa Alapaap habang nakikita nila akong nakaluhod sa harapan ng trono ni Bathala. "Bathala, hindi ko akalaing mahuhumaling ako sa kaniya. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon upang itama ito," pakiusap ko sa kanya. Ngunit habang nagmamatigas ako ay ang unti unting pananakit ng aking gulugod na kung saan ay konektado ang aking ugat-pak. Kusang gumagalaw ang aking mga nananakit na pakpak dahil sa pakiramdam na ito kaya naman mas napapasigaw ako dahil dito. Napakahapdi na parang pinuputol. "Sinuway mo ang isa sa mga utos ko. Ginawa kitang isa sa mga pinuno ng mga anghel ngunit binigo mo ako at sinira mo ang binigay kong tiwala sayo, Crisanto." Umaalingawngaw sa buong kalawakan ang boses ni Bathala na para bang isang daang beses itong lumalakas sa tuwing nagagalit siya. Natitiyak kong umaabot hanggang sa mga kasuluk-sulukan ng Alapaap ang alingawngaw na ito kaya naman mas naririnig ng lahat ang kanyang dumadagundong na galit sa akin. "Bathalaaaa," bulalas ko nang hindi ko na kayanin ang pananakit ng aking gulugod at mula sa pagkakaluhod ko ay natumba na lamang ako sa malambot na ulap na tila ba wala nang pag-asang makawala pa sa pagkakagapos ko. Mahinang mahina na ako. Ubos na ang lakas ko kaya naman naramdaman ko na lamang na nanlupaypay na rin ang kaninang nagmamatigas kong mga pakpak at hinayaan na lamang na dumaloy ang pananakit ng gulugod ko sa aking mga ugat-pak. Suko na ako. Hanggang sa maramdaman kong nawawala na ang sakit sa aking buong katawan. Tinatangay na ako ng pagkaantok at tila ba idinuduyan ako ng mga ulap patungo sa lugar kung saan ako magpapahinga. Mamamatay na ba ako? Mararanasan ko na bang mamatay dahil sa kasalanan ko? Iyon lang at ang huli kong naalala ay wala na ako sa Alapaap kung saan ay nandoon ang aking mga kapwa anghel at mga kaibigan. NAGISING ako sa isang damuhan dahil nangangati ang aking balat sa buong katawan. Tumayo ako at nakita ko ang kadiliman ng paligid. Pakiramdam ko ay may kulang sa akin pero hindi ko maalala kung ano ito. Anong lugar ito? Saan ako galing? Bakit ako nag-iisa sa dilim? Bakit ako nakatulog sa makating damuhang iyon? Naglakad lakad ako at nakakita ako ng mga bagay na kahugis ko. Pinagtatawanan nila ako. Ang ilan ay may mga hawak pang bagay na may liwanag at saka nakatapat sa akin. Tinitingnan din nila ang bagay na hugis parisukat na iyon habang nakatakip sila ng kanilang bibig at itinatago ang kanilang palihim na tuwa. Tiningnan ko ang aking sarili at ikinumpara sa kanila. Parehas kami na may mga kamay, binti, paa at lahat. Ngunit may bagay sa kanila na wala ako. Binabalot ang mga katawan nila ng iba't ibang kulay na hindi ko alam kung ano ang tawag. At habang nakatingin sila sa akin ay nakikita ko ang direksyon ng kanilang mga mata. Ito ay ang bagay na nasa gitnang bahagi ng katawan ko. "Bakit ka ba nandito na naman? Hindi ka man lang nagdamit nang lumabas ka," lumapit sa akin ang isang nilalang na may mahabang buhok at saka ako binalutan ng itim na bagay sa aking katawan. Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya. Nagtungo kami sa isang lugar na kung saan ay may liwanag na nanggagaling sa isang bilugang bagay at ito ay nakasabit sa kahoy mula sa pawid. "Alam kong maganda ang katawan mo pero hindi normal na i-display mo iyan sa labas. Ano bang feeling mo? Nasa naked island ka?" tanong ng nilalang na nasa tabi ko habang may ginagawa sa hawak niyang hugis parisukat. Hindi ako nagsasalita. "Ano bang ginagawa mo doon kanina? At ano ang pangalan mo?" Tanong niya. "P-pangalan?" Tanong ko. "Oo. Pangalan. Name?" Napaisip ako bigla at ang tanging nasambit ko lamang ay: "Crisanto Dakila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD