Kabanata VII
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
CRISANTO
"HUWAG KANG titigil, haahhhh uggh."
Panay ang utos niyang huwag akong titigil kahit pa nakakatatlong beses na siyang nilabasan.
Walang babaeng uuwi na isang beses lang nakaraos kapag ako ang trumabaho.
"Ako na lang lagi ang itake out mooo, ah ah fffffcckkk awww,"
Napapangiti pa siya habang tumitirik ang kanyang mga mata.
Nakatuwad siya ngayon sa kamang sa tingin ko ay babayaran ko mamaya dahil marupok na.
Hindi ko siya pwedeng iyuwi sa bahay dahil isang babae lang ang pwede doon, at iyon ay si Bianca.
Hindi ako makaramdam ng kahit na anong ligaya. Gusto kong parusahan lang ang kaniig ko ngayon dahil sa inis na nararamdaman ko.
Iniwan ako ni Bianca at sumama sa lalaking iyon. Pwes, titikim ako ng iba.
Pero kahit pa kanina pa ako bumabayo sa babaeng ito ay wala akong maramdaman na kahit na ano na hindi katulad kapag si Bianca ang pinapasok ko.
"Uuhhgggmm, ugghhmm," sunud sunod ang bayo ko habang nakatingin lang ako sa kanyang mukha na nakalingon sa akin.
Pawis na pawis na ako pero hindi pa rin ako nilalabasan.
Sinabunutan ko ang buhok niya gamit ang kaliwa kong kamay at saka ko pinihit ang ulo niya para mas makita ko ang mukha niya.
"Matagal ka pa ba?" Tanong niya habang napapapikit pa rin.
At parang nainsulto ako sa tanong na iyon kaya naman mula sa pagkakaluhod ko sa kama ay itinapak ko ang mga paa ko doon at saka ko iniangat ang puwetan niya pataas upang maabot ko. Agad kong ibinulusok ang kahabaan ko sa kaloob-looban niya habang hawak ng mga kamay ko ng mahigpit ang kanyang bewang.
Walang tigil ang kanyang halinghing dahil sa mabilisan kong pag-ulos.
Kagat ko lang ang pang-ibaba kong labi. Tumutulo na ang pawis sa aking mga namumuong buhok sa aking noo at tila ba naliligo na ang buong katawan ko dito.
"Bi-lisan mooo," utos niya.
At mas binilisan ko pa. Pinalo ko ng pinalo ang pang upo niya hanggang sa mamula ng mamula.
"Uh uh,haaaaghhh," ibinagsak ko na lang bigla ang katawan ko sa likuran niya nang maisagad ko ang katas ko sa loob niya.
Maging siya ay hingal na hingal dahil sa mabilisang pag-ulos ko na kanina ko pa ginagawa.
"Shet, ang galing mo," komento niya habang nasa ibabaw niya ako at nakadagan lang sa kanya.
Pumipintig pa rin ako sa loob niya. Nangingilo pa ako. Ayaw ko pang gumalaw.
"Pero ang bigat mo," dagdag niya.
Agad akong tumagilid at ihiniga ang pagod kong katawan sa tabi niya habang naliligo pa rin sa pawis.
Taas baba ang dibdib ko habang hinihingal at habang nakapikit ay iniisip ko si Bianca.
Saka siya humarap sa akin at akmang hahalikan ako ngunit agad kong nahawakan ang ulo niya.
"Hindi mo ako pwedeng halikan," masama ang tingin ko sa kanya.
At imbes na matakot siya sa aking titig ay isinubo niya ang kanan kong hinlalaki at pumikit pa.
Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
"Gusto ko pa," aniya.
Agad niyang nahawakan ang ngayon ay nakalatag na parang sawa na kahabaan ko ngunit agad kong hinawakan ang kamay na ipinanghawak niya doon.
"Umuwi ka na. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo kapag hindi ka pa umuwi," pilit kong tinatanggal ang kamay niya doon ngunit mas hinigpitan niya ang hawak dahilan para masaktan ako.
"Aaarrgghhh," daing ko naman dahil sa sakit.
Napapangiti siya. Tila ba hindi siya nasasaktan sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
Mas mahigpit ang hawak ko sa pupulsuhan niya pero habang mas hinihigpitan ko iyon ay mas lalo ring humihigpit ang kamay niya sa sandata ko na dahilan upang masaktan ako.
Nabitawan ko ang kamay niya at napatihaya na lang ako dahil sakal na sakal na ang kahabaan ko.
Tiningnan ko pa iyon at namumula na nga talaga.
Nang makatyempo ako ay bumangon ako at itinayo siya sa may pader ng kwarto.
Nakangiti pa siya kahit marahas ang pagkakatulak ko sa kanya doon.
Lumapit ako na nakatingin lang sa kanyang mga mata.
Hanggang sa tumapat ang niya sa aking leeg. Tumingkayad siya upang maabot ang labi ko. Akala ko ay hahalikan niya iyon ngunit didilaan pala.
Inaakit niya ako pero hindi ako naaakit. Gusto ko siyang parusahan sa ginawa ni Bianca sa akin. Gusto kong siya ang magdusa sa ginawa ni Bianca.
Kaya naman agad kong hinawakan ang mga balikat niya at madiin kong ibinaba. Dumausdos ang likuran niya sa pader hanggang sa magtapat sila ng aking nagngangalit na kadakilaan.
Hinawakan ko ang leeg niya at saka ko pinasok ang bibig niya. Kitang kita ko ang pagluha niya dahil sa sobrang lawak ng sinasakop kong espasyo sa bibig niya.
Naduduwal siya na nauubo.
Panay ang paghampas ng kanyang mga kamay sa sa mabalahibo kong mga hita na hudyat na hindi siya makahinga.
Hinugot ko naman kaagad iyon at kitang kita ko ang malapot niyang laway na sumama pa sa dulo ng aking p*********i.
Huminga siya ng malalim bago ko muling ibinaon iyon sa kanyang bibig at puro ungol na lang niya ang naririnig ko habang sinususo niya ang p*********i ko.
Napalapat ang pareho kong kamay sa pader habang pinagmamasdan siyang sabik na sabik sa ginagawang pagpapaligaya sa akin.
At syempre kitang kita ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata.
Ang kaso ay bigla akong nanlambot. Kaya halatang pinipilit niya lang na paligayahin ako.
Agad akong lumayo at tila ba naghanap siya sa kawalan dahil bigla kong inilayo ang hinihugupan niya ng lakas.
Lalapit pa sana siya pero pinigilan ko na.
"Umuwi ka na," itinuro ko pa siya na ngayon ay nakasalampak sa sahig.
"Hindi ba natin tatapusin?" Tanong niya.
"Umuwi ka na," pag-uulit ko.
"Pero kasali ito sa bayad mo," pangungulit niya.
"Hindi ko babawasan, kaya umuwi ka na," tumaas ang boses ko.
Kaya naman tumayo na lang siya at nagtungo sa banyo para maghilamos at magbihis.
Nakahiga lang ako sa kama habang pinagmamasdan ang sarili kong kahubaran na ngayon ay naliligo sa laway at pawis.
Paglabas niya ay ngumiti pa siya at saka naglakad palabas ng kwarto.
Naiwan akong galit pa rin kay Bianca at sa aking sarili kung bakit ako nagpaubaya sa babaeng iyon na nabili ko lang sa bar kanina.
NAGPALIPAS muna ako ng oras bago ko tuluyang lisanin ang kwarto na iyon. Bayad na ito bago pa man ako pumasok.
Pasado alas dos na ng madaling araw at binabaybay ko ang daan papasok sa mansyon nang may marinig akong kalabog sa likuran ng aking sasakyan.
Agad naman akong huminto at tiningnan kung ano iyon.
Madilim ang paligid ngunit maliwanag ang paningin ko.
Kinilabutan ako nang makita ko ang isang patay na uwak sa likurang salamin ng aking sasakyan. Nalaslas ang leeg nito at duguan pa, tanda na ngayon lang iyon namatay.
Tumingala ako at nakita kong bilugan ang buwan. Normal lang naman ang kulay nito ngunit may kakaiba akong pakiramdam sa pagiging bilugan nito.
Maya maya ay naririnig ko na ang mga bulong sa aking kapaligiran.
"Magpatuloy ka…,"
"Ganyan nga ang gawin mo…,"
"Tama ang ginagawa mo...,"
Halos mabibingi na ako sa mga bulong na iyon na halos sigaw na kung maituturing. Nagtakip ako ng mga tenga ko at dali daling tinanggal ang patay na uwak sa salamin bago ako pumasok sa loob at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nanatili pa rin ang mga bulong sa aking pandinig hanggang sa makarating ako sa mansyon.
Sa palagay ko ay impluwensya lamang ito ng alak na nainom ko kanina sa bar kaya ko naririnig ang mga bagay na ito.
Upang mahimasmasan ay naligo ako. Pinagsawa ko ang aking katawan sa mainit na tubig na lumalagaslas paibaba sa katawan ko.
Nakatitig lamang ako sa salamin. Pinagmamasdan ko ang mga pilat sa aking likuran dahil nakikita ko ito mula sa repleksyon nito sa salaming nakapwesto rin sa aking likuran.
Bakit tila misteryoso ang mga pilat na ito? Pilit kong inaalala kung saan ko ito natamo ngunit wala pa rin akong maisip kahit gaano ko pa kagustong alalahanin ito.
Mas sumasakit lang ang ulo ko habang nag-iisip kaya naman tinapos ko na ang paliligo at saka ako nagtapis ng tuwalya at lumabas ng banyo ng aking kwarto.
Nagsuot lamang ako ng maiksing pang-ibaba at saka ako nahiga.
Sa puntong ito ay pakiramdam ko na kalahati ng diwa ko ang gising at kalahati ay hindi. Parang nagtatalo pa ang dalawa sa kung ano ang mas matimbang.
At dahil tila ba lumulutang ako ay naramdaman ko ang pagpasok ng malakas na hangin sa aking bintana at nakita kong gumalaw ang kurtina.
Hindi man gaano nakamulat ang aking mga mata ay nakita kong may nakatayo sa gilid.
Isang binatilyo.
Parang nakita ko na siya dati. Tama. Siya ang binatilyo sa panaginip ko.
"Crisanto," iniabot niya ang mga kamay niya sa akin.
Nanatili akong walang kibo.
"Sumama ka sa akin," baritono ang boses nito na bumabagay naman sa maamo nitong mukha.
Hindi ko alam kung bakit ako tumayo at inabot ang kanyang mga kamay.
Unti unti ay nagbago ang aking kasuotan, mula sa isang maiksing pang-ibaba hanggang sa mapalitan ito ng puting sutla. Natatakpan nito ang isang parte lang ng aking dibdib mula sa aking kaliwang balikat paibaba sa aking baywang. Nakasinturon din ako ng kulay ginto at nakita ko mula sa aking repleksyon ang laurel na ginto sa aking ulunan.
Bigla namang bumuka ang nagniningning na mga pakpak mula sa aking likuran na tila ba isang malinis na kalapati at may nakasisilaw na kagandahan.
"Ito ang iyong imahe noong panahong ikaw ay isa pang tagapagbantay, Crisanto," wika ng binatilyo na nakatingin din sa aking repleksyon.
Nakatayo kami ngayon sa isang lugar kung saan ay may maliwanag na kapaligiran. Tila ba nananalamin din kami sa tubig na nasa sapa dahil sa kalinisan nito.
Ang kaninang maamong repleksyon ko ay napalitan ng kakaibang imahe.
"Ngunit dahil nagtangka kang mahulog sa kasalanan ay ito ang iyong kasalukuyang anyo," dagdag pa niya.
Nakita ko ang aking sugatang katawan. Nakasuot ako ng itim na pang-ibaba. Walang saplot ang aking paa na hindi katulad kanina na purong ginto. Sugat sugat ang aking dibdib dahil sa bakas ng pamalo. Maging ang aking pupulsuhan ay may bakas pa ng kadena na para bang matagal aking nakagapos.
Maitim ang aking mga mata. Nakatatakot. Hanggang sa bumuka ang nakakakilabot na kulay itim kong pakpak. Kung kanina ay tila pakpak ng isang kalapati ang aking nakita, ngayon pakpak naman ng uwak ang nakikita ko mula sa aking repleksyon.
Napaatras ako.
"Bakit ako nagkakaganito?" Tanong ko sa binata.
"Siyam na Pu't lima. Iyan na lang ang naiiwang araw mo upang maging malaya ka sa kasalanan na iyong ginagawa. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagbabago Crisanto," ang kanina ay maamong mukha ng binata ay napalitan ng galit na ngayon ay lumilikha ng kilabot sa aking balat.
"Mahuhulog ka sa kailaliman ng lupa at magdudusa," hanggang sa biglang nabuwal ang aking kinatatayuan at nilamon ako ng lupa.
Ramdam na ramdam ko ang aking pagbagsak ngunit wala akong magawa. Habang pababa ako ay ramdam ko ang init ng tila ba naglalagablab na apoy sa aking babagsakan.
Tanaw ko ang binata. Itinaas ko ang kamay ko upang humingi ng tulong.
Ngunit hindi ako makasigaw.
Hanggang sa maramdaman ko na lang na tila ba bumagsak ako sa isang matigas na bagay.
Mula doon ay nakita ko ang aking sarili na nakatingin sa isang uwak na nalaslasan ng leeg at duguan.
"Huuuwwaaaagggg," hindi ko alam kung bakit ngayon lamang ako nakasigaw.
Napabangon ako at habul-habol ko ang aking hininga dahil sa isang bangungot.
Maliwanag na pala. Nilingon ko ang aking higaan at nakita ko ang mga itim at puting mga balahibo sa puting kumot.
"Saan nanggaling ang mga ito?" Kinuha ko ang isa at saka inusisa kung anong balahibo nga iyon.
Agad akong tumayo at saka ko tiningnan mula sa salamin ang aking likuran at nakita ko ang bakas ng dugo sa aking mga pilat.
Wala akong nararamdaman na sakit ngunit bakit nagdurugo ang mga iyon?
Nakarinig ako ng sunud-sunod na katok sa aking kwarto.
Tok. Tok. Tok.
"Señor, bumangon na po kayo. Kailangan daw po kayong makausap ng tagabantay ng hacienda ni Madame,"
Anong oras na ba at nandito na ang mga kasambahay?
Tiningnan ko ang orasan sa gilid at nakitang pasado alas otso na pala.
"Susunod na ako," sigaw ko.
Inisip ko muna kung paano ko itatago ang mga balahibong nagkalat sa aking higaan. Hanggang ngayon ay labis pa rin ang aking pagtataka sa mga nangyayari sa akin. Pero wala akong ibang magagawa kundi pag-isipang mabuti ang mga bagay na nakita ko sa aking panaginip.
Naligo na ako at nagbihis upang makipag-usap kay Mang Alfonso. Ang tagapangalaga ng niyogan ng taong kumupkop sa akin.
BIANCA
HABANG sumasayaw ako at sumasabay sa saliw ng tugtugin ay hinahanap ng mga mata ko ang isang tao.
Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako sasama sa kanya kung nandito man siya. Imbes ay si Charles ang pipiliin ko para malaman niya kung sino ang pinagpalit niya.
Hindi ako nagseselos pero hindi ko maiwasang hindi maramdaman ito sapagkat nasanay na ako sa kanya. Hindi ko man masabi pero siya na ang hinahanap hanap ng katawan ko.
Tapos malalaman ko lang na iba ang gagalawin niya kapag wala ako?
Gaganti ako.
Ngunit tila ba walang saysay ang mga plano ko dahil parehas silang wala ngayon.
Nakakainis. Mapupunta na naman ako sa kung kani-kanino.
Uuwi na lang ako kung wala rin lang ang isa sa kanila.
Natapos ko na ang pagsasayaw at nanatili akong naghihintay sa aking upuan sa tawag ni Mamu.
Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng aking cellphone hanggang sa lumipas ang oras.
Inaantok na ang beauty ko wala pa ring bumibili sa akin.
"Okay. Pack Up na. Walang benta tonight. Di bale, tiba tiba ka naman this week bruha," malakas na wika ni mamu pagpasok sa loob ng dressing room.
Wala akong kibong tumayo at kinuha ang aking bihisan.
Pagkabihis ko ay nagtanggal muna ako ng make up para naman hindi halatang nagpokpok muna ako bago umuwi na zero ang wallet.
"Mamu, palitan mo na ang segment ko nextweek. Hindi na ako natutuwa sa careless whisper na iyan," sabi ko pa habang pinupunasan ng tissue ang labi ko na puno ng red lipstick.
"Sige. Gagawin naman kitang Lady Gaga nextweek," aniya.
"Bet na bet," tumawa pa ako.
"Oo nga pala. Magpa-check ka ha. At baka may virus ka," concern niyang wika.
"Kailan ba ang Schedule ng check-up dito?" Tanong ko.
"Sa Lunes. Nakausap ko na ang pinsan kong Doctor. Siya ang magchecheck sa inyo next week,"
"Yung pogi?" Tanong ko.
"Pero may jowa," dagdag niya.
"Di bale na, basta may pera," sabad ko saka isinukbit ang bag sa balikat.
"Uuwi ka na niyan?" Tanong niya.
"Malamang. Matumal ang benta ngayon eh. Baka sa kalsada na lang ako maghahanap ng customer, baka mas mabenta pa," natawa pa ako.
"Gaga. Ano ka, low class na pokpok? Sa kalsada lang nag-aalok?" Natatawa niyang tanong.
"Kahit naman saang lugar pokpok pa rin ang tawag kaya anong pinagkaiba? Pare-parehas lang namang laman ang benta," pinagtaasan ko pa ng kilay si mamu.
"Bruha ka. Sige, sa daan ka magbenta. Para bukas nasa dyaryo ka na. Literal na dyaryo dahil maraming killer ngayon. Pag ikaw naningil, baka patayin ka na lang kasi wala silang pambayad," banta niya.
"As if namang gagawin ko iyon mamu. Halerrr, high class ako ano," saka ko hinawi ang aking buhok.
"Oh siya sige na. Uwi na. Diretso uwi. Huwag na kung saan saan dadaan," bilin niya.
"Hindi na ako virgin para sabihan mo ng ganyan mamu. Nakakahiya ka," umirap pa ako bago lumabas ng room.
Naglakad na ako palabas ng bar. Pasado alas dose na ng gabi at nakatayo ako sa tapat ng Jollibee habang naghihintay ng masasakyan pauwi.
Isang tricyle lang ako kaya naman madali lang kung tutuusin. Ngunit dahil ganito na ang oras ay wala na gaanong lumalabas.
May mga mangilan ngilan lang na mga tao pero pauwi na rin ang ilan.
Nakatayo lang ako sa tapat nang may humawak sa aking pupulsuhan.
Nahigit ko ang aking hininga nang makitang si Charles ang humawak nito. Nakasuot siya ng uniform ng pulis. Nakasumbrero siya kaya hindi ko kaagad nakilala.
"Bakit ka umuwi kaagad? Sinabi ko kay mamu na huwag ka munang pauuwiin dahil dadaanan kita," hindi siya nakatingin sa akin.
"U-uwi na ako. Tapos na ang trabaho ko," pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.
Pero malakas siya.
"Hindi pa tapos ang trabaho mo dahil sa akin ka muna magseserbisyo," tumingin siya sa akin.
Wala ako sa mood ngayon para makipagtalik. Hindi ko alam pero mula kanina ay wala akong gana. At mas lalo akong nawawalan ng gana kung pinipilit akong gawin ito.
"Charles bitawan mo ako. Uuwi na ako sa amin," reklamo ko.
Hindi siya nagpapahalata na may ginagawa siya sa akin dahil siya rin lang ang malalagot kung sakali. Nakasuot siya ng uniform kaya hindi siya maaaring magkamali ng galaw.
"Sinabi niyang bitawan mo siya," isang baritonong boses ang narinig ko mula sa aming likuran.
May hawak itong supot ng Jollibee na para bang nag-take out ito ng pagkain.
Lumapit siya sa amin. Bagong ahit siya at maaliwalas ang kanyang mukha. Nakasuot din siya ng leather jacket na itim at puting t-shirt. Naka-maong siya na bumagay sa haba ng kanyang biyas.
Ang kanyang mga mata ay ganon pa rin. Masama ang tingin ngunit nakakaakit.
"Cri-Crisanto," halos hindi ko masabi ang kanyang pangalan.
Si Charles naman ay nagulat din ngunit hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.
"Bitawan mo siya o gagawa tayo ng eskandalo dito?" Sinubukan niya ng tingin si Charles na napatingin sa paligid.
Binitawan niya ako kaagad at lumapit kay Crisanto.
"May araw ka rin sa akin," pagbabanta niya bago naglakad paalis.
Eksakto namang may tricyle na may tatak na Rosario kaya agad ko itong pinara at tumigil.
Sasakay na sana ako pero may pumigil sa akin.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako,"
"Hindi ka uuwi," hinila niya ako palabas ng tricycle.
Nagbigay siya ng buong isang daan sa tricyle driver at saka iyon pinaalis.
Hila hila niya ako ngayon patungo sa kotse niya.
Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagrereklamo gayong sobrang ayaw kong sumama kay Charles kanina.
Nasaan na ang sinasabi ko kaninang maghihiganti ako sa kanya? Na kung nandito silang dalawa ay kay Charles ako sasama?
Nawala ang lahat ng iyon nang makita ko ang kanyang mga mata na nagliliyab pa rin at tila ba tumutupok sa bawat galit na mayroon sa akin at pinapalitan ng kakaibang kagustuhan na makasama at makaniig siyang muli, sa kanyang tahanan.
PINAPASOK niya ako sa kanyang bahay. Dumeretso kami sa kusina.
Ipinagbukas niya ako ng kanyang mga biniling pagkain. Naglabas din siya ng alak at nagsalin sa baso.
Nakakapanibago dahil hindi kami dumating sa bahay niya na puno ng pagnanasa sa isa't isa.
Ngunit hindi ako dapat magsalita ng patapos dahil baka ako'y inihahanda niya lang talaga sa isang laban na hindi ko pwedeng urungan.
"Kumain ka. Ang payat payat mo na," komento niya habang nakatitig lang sa akin.
Hindi niya ginagalaw ang kanya na ngayon ay nakasara pa. Ako lang ang kumakain na para bang gutom na gutom.
Alas sais pa ako naghapunan kaya nararamdaman ko na ang gutom ngayong ala una ng madaling araw.
"B-bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko.
"Iba ang gusto kong kainin," nakita ko pang tinikman niya ang kanyang labi habang nakatitig sa akin.
Napayuko ako.
Naubo naman ako bigla dahil sa narinig ko.
Agad siyang tumayo at lumapit sa akin na may dalang baso ng tubig.
"Uminom ka muna," anya.
Inabot ko ito at agad namang uminom. Naupo siyang muli sa tapat ko. Binuksan niya ang pagkain niya at nagsimulang kumain kasabay ko.
Akala ko ba iba ang gusto niyang kainin?
Tiningnan ko ang kanya at nakitang pure spaghetti lang iyon. Samantalang ang sa akin ay manok.
Ito ba ang ibig niyang sabihin?
"Dito ka na matulog at bukas na bukas ay ihahatid kita sa inyo," malumanay niyang wika.
Teka. Bakit para siyang maamong tupa ngayon?
Anong meron?
Pagtatapos ng Ika-pitong Kabanata.