Kabanata VI
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
CRISANTO
MATAPOS NAMING maligo at pagsaluhang muli ang init ng aming mga nararamdaman ay binigyan ko siya ng kanyang bihisan. Malaking kamiseta iyon na hindi ko pa naisusuot.
Hindi ako nahiga sa kama na hingaan niya dahil hindi ako makakatulog ng maayos kapag may katabi, lalo pa at kaunting hawak lang ay maaapektuhan ako.
Nagsuot lamang ako ng pang-ibaba at pabagsak kong ihiniga ang katawan ko sa malambot na higaan.
Pagod na pagod ako lalo na ang sandata ko na pakiramdam ko ay gamit na gamit. Naaawa man ako ngunit hindi ko mapigilang gamitin siya dahil sa tawag ng laman.
Inunan ko ang aking mga braso at komportableng nakatulog.
--------------
"Aaaggghhhh,"
Damang dama ko ang pananakit ng aking gulugod. Tila ba may parte ng katawan ko na naihiwalay sa akin dahil sa pananakit nito.
Nakatagilid ako sa malambot na tapakan at kita kong gutay gutay ang puti kong kasuotan. Nakagapos ang aking mga paa at ang aking mga kamay mula sa aking likuran.
Anong nangyayari? Nasaan ako?
Maya maya ay kumirot na naman ang likuran ko na nakakapagdulot ng kakaibang panghihina sa aking katawan.
Magkahalong pawis at natuyong patak ng ulan ang ngayon ay bumabalot sa akin.
Nakarinig ako ng tunog ng trumpeta. Sa lakas nito ay nabingi ako at napaangat ang tingin sa liwanag na galing mula sa itaas.
Tumigil ang tunog ng trumpeta at nawala ang ilaw. Nakita ko na lamang ang paa ng isang nilalang sa aking harapan. Nakasuot ito ng sandalyas na may mga taling paakyat hanggang sa ibaba ng tuhod. Maputi ang mga paa at malilinis iyon.
Unti unting umangat ang mukha ko at saka ko nakita ang maputing damit nito. Mayroon itong sinturon na kulay ginto. Mas tumaas pa ang tingin ko at nakita ko ang isang binatang may maamong mukha.
"Crisanto, kay tagal nating hindi nagkita," bati niya sa akin.
Nagtataka ako dahil bakit alam niya ang pangalan ko at kung bakit kilala niya ako.
Hindi ako nakakibo dahil sa pananakit ng aking gulugod.
"Bakit mo ako kilala?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang punong bantay ng mga taong nagkakasala sa laman hindi ba? Ako ang humalili sayo," aniya.
"Hindi kita kilala. Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nakagapos?"
Nagpipiglas pa rin ako dahil sa sakit.
"Hindi mo ba alam? Hindi mo ba naaalala?" Yumuko siya.
"Kalagan mo ako,"
"Hindi ka makakatakas sa pagkakagapos mo hangga't hindi ka nagsisisi sa mga kasalanan mo. At kahit pa magsisi ka, kung patuloy kang mamumuhay sa kasalanan ay walang saysay ito," aniya.
"Hindi kita maintindihan. Sino ka ba?"
"Babalik ako upang bigyan kang muli ng mga tanda. Sa ngayon ay may babae kang kakahumalingan, huwag mong hahayaan na mahulog ka ng mahulog sa kasalanan dahil sa kanya," dagdag pa niya saka tumayo.
Kinuha siya ng liwanag at muli akong nakarinig ng tunog ng trumpeta sa pag-alis niya.
Hanggang sa kumulog at kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Naiwan akong mag-isa na nakagapos at nababasa ng ulan.
"Mga lapastangan. Kalagan niyo akoooo," sigaw ko.
--------------
"Akoooooo," napabangon ako dahil sa panaginip na iyon.
Taas baba ang dibdib ko dahil sa paghahabol ko ng aking hininga. Basang basa ako ng pawis.
Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko at saka tumingin sa paligid.
"Parang totoo," nasambit ko.
Madilim pa ang kapaligiran. Hindi ko na ulit makuha ang tulog ko dahil sa panaginip na iyon.
Kaya naman, nagsuot ako ng mahabang pang-ibaba at ang tinatawag nilang jacket at sapatos saka ako bumaba ng kwarto. Uminom muna ako ng tubig bago ko binuksan ang pintuan at ang tarangkahan.
Nagsimula akong tumakbo mula doon kahit pa medyo madilim pa ang kapaligiran.
Pangalawang beses ko na iyon na napanaginipan at iyon at iyon pa rin ang mga nakikita ko.
Parati niyang sinasabi sa akin na may babae akong kahuhumalingan at huwag ko raw hahayaan na mahulog pa akong muli sa kasalanan ko dahil sa babaeng iyon.
Sa puntong ito ay isa lang ang nasa isip ko. Si Bianca.
Ano nga ba ang dulot niya sa akin? Totoo na nahuhumaling ako sa kanya, na sa bawat tingin niya ay nabubuhayan na ako kaagad, ang amoy niya, ang haplos niya at ang mga labi niya, ang mga iyon ay ang mga nakakapagpabuhay sa akin.
Masasabi kong nahuhumaling ako sa kanya ngunit bakit hindi ko maaaring gawin? Malaya naman ako at malaya rin naman siya. Isa pa ay nagugustuhan niya ang lahat ng ginagawa ko at nararamdaman ko ang bagay na ito sa kanya.
Nakarating ako sa kakahuyan kung saan ay madalas kong madaanan sa tuwing tumatakbo ako. Madilim ang lugar ngunit may nagsisilbing liwanag na tanglaw ko sa kadiliman. Ito ay ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakakita sa dilim. Kaiba ang kulay ng kapaligiran sa aking paningin sa tuwing ako ay nasa dilim.
Hindi ko mawari kung ito ba ay kakayahan ko o natural lamang sa lahat.
Nang makarating na ako sa pinaka tarangkahan ng lupain ay huminto muna ako at tinanaw ang malawak na lupain na taniman ng palay sa labas ng tarangkahan.
Papalabas na ang sinag ng araw sa Silangan at hudyat na upang makabalik ako sa mansyon para maghanda ng makakain.
Matapos kong magpahinga saglit ay tumakbo na akong muli pabalik sa mansyon.
Unti unting lumiwanag ang kapaligiran habang tumatakbo ako. Sa palagay ko ay nasa sampung minuto kong tatakbuhan pabalik ang daan na ito.
Tanaw ko na ang mansyon nang may dumaan na sasakyan.
Napahinto ako dahil diretso lamang ito patungo sa mansyon.
"May inaasahan ba akong bisita?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng tarangkahan ng mansyon at nagtaka ako dahil wala namang lumalabas mula doon.
"Sino ito?"
Nagmadali akong makabalik kaagad kaya naman mula sa paglalakad ay tumakbo akong muli.
Nang marating ko na ito ay naglakad ako palapit sa may pintuan nito at saka ako kumatok sa bintana nito.
Nagbaba agad ng bintana ang nasa loob at saka ako yumuko upang tanawin ito.
"Anong ginagawa mo dito ng umagang umaga?" Seryoso at diretso kong katanungan sa lalaking ito.
Pamilyar siya sa akin dahil siya ang nakakaagaw ko sa atensyon ni Bianca sa Bar na kanyang pinagtatrabahuhan.
"Sa palagay ko ay may nai-uwi kang pagmamay-ari ko," tumingin siya sa akin ng matalim at saka ako tumayo ng matuwid.
Tumingin ako sa may mansyon at nakita ko mula sa pintuan si Bianca na nakatayo na lamang at pinagmamasdan kami sa labas.
Nakabihis na siya dahil hindi na niya suot ang ipinagamit ko sa kanya kagabi.
"Sa palagay ko ay hindi mo siya pagmamay-ari kaya hindi na rin siya pumalag nang iyuwi ko siya kagabi," sagot ko naman sa lalaking ngayon ay palabas na ng kanyang sasakyan.
Hindi ito sumagot at saka naglakad papasok sa tarangkahan.
Hindi ako umimik at saka ko siya pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang balikat.
Bigla siyang bumwelta ng suntok ngunit naiwasan ko iyon.
"Charles, itigil mo iyan," patakbong lumapit si Bianca na ngayon ay hawak na ang kanyang bag.
"Bianca bumalik ka sa loob," itinuro ko pa ang mansyon para bumalik siya pero itong lalaking ito ang ngayon ay hawak niya sa magkabilang braso upang pigilan sa pagsuntok sa akin.
"Mang-aagaw ka. Piliin mo ang babae mo pre. Baka hindi kita matantya ay magamit ko sayo ang baril ko," medyo itinaas niya ang suot niyang damit upang ipakita sa akin ang armas niyang nakasukbit sa kanyang tagiliran.
Sinong tinakot niya?
"Bianca, pumasok ka sa loob ngayon na," bigla kong hinablot ang kamay ni Bianca dahilan upang mahila ko siya sa akin.
"Crisanto tama na. Sasama ako sa kanya. Uuwi na ako," pumiglas siya sa akin at dahil sa kanyang mga sinabi ay napabitaw ako sa kanyang mga kamay.
Masama ang tingin niya sa akin na para bang ako pa ang mali. Tiningnan ko lang sila na ngayon ay nakatitig lang sa akin habang naglalakad papunta sa sasakyan.
Tumayo lang ako sa tarangkahan at pinagmasdan kung paano sumama si Bianca sa lalaking iyon.
Hindi siya makatingin at makalingon man lang sa akin habang papasok siya sa kotse. Ang buong akala ko ay naliligayyahan siya sa mga ginagawa ko.
Hindi niya ba gusto ang paraan ko ng pagpaparusa? Dahil kung hindi ay ititigil ko na lang.
Naalala kong bigla ang sinabi sa akin ng isang nilalang na laging dumadalaw sa panaginip ko.
Mahuhumaling ako sa isang babae na mag-uudyok sa aking mas mahulog pa sa kasalanan. Maaaring ito na nga iyon at ito na rin ang senyales upang itigil ko ang bagay na ito.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang bumibira ang sasakyan, nagbabakasakaling lumingon siya at makita ko sa kanyang mga mata ang pag-asa pero wala talaga.
Nagmukha akong kaawa awang naiwan lang sa tarangkahan kaya naman masama ang tingin ko sa babaeng kagabi lang ay maligayang sinasamba ang katawan ko ngunit ngayon ay may iba na namang gustong makasama.
Ano nga ba itong nararamdaman ko? Umiibig ba ako? Bakit sumasama ang loob ko sa nakikita kong paglisan niya kasama ang lalaking iyon?
Kumuyom ang mga kamao ko at umigting ang panga ko sa kakaibang galit na namumuo sa dibdib ko sa mga sandaling ito.
Isa lamang ang nararamdaman ko. Hindi ko pala dapat ihinto ang bagay na ito hangga't hindi ko nasisiguro na mabawi ang dapat na babaeng parurusahan ko dahil sa kanyang paglayo.
"Humanda ka Bianca," nakatitig pa rin ako sa paalis na sasakyan habang bumubuo ng mga kaisipan.
"Humanda ka,"
BIANCA
PINILI kong sumama na lang kay Charles dahil natitiyak kong hindi siya aalis hangga't hindi nasisiguro na makuha ako.
Hindi rin naman ako makakalabas ng hindi niya nakikita dahil wala siyang balak umalis.
Kahit pa namumuo ang galit sa mga mata ni Crisanto ay hinayaan ko na lang na ganon ang mangyari. Hindi ako makatingin sa kanyang mga matatalim na mata dahil wala akong lakas ng loob para salubungin iyon.
Hindi ko maitatanggi na naging maligaya ako sa mga oras at init na aming pinagsaluhan. Gusto ko iyon at hindi ako nagsisisi.
Ngunit dahil isa akong bayarang babae ay hindi ako dapat nagkakagusto sa customer ko. Dahil sa umpisa pa lang na mangyari iyon ay mahihirapan na akong magpatuloy sa trabaho na nasimulan kong mahalin at pangatawanan.
"Bakit hindi ka humingi ng saklolo kagabi?" Mahinang tanong ni Charles habang papalabas na kami ng kabuuang lupain ng mansyon.
Nakasiksik lang ako sa gilid habang inaantok pa.
"Wala akong lakas para sumigaw," sagot ko.
"Anong ginawa niya sayo?"
"Wala,"
"Impossible,"
"Bayaran ako pero kapag ayaw kong magpagalaw ay ayaw ko," tinatamad pa rin ang boses ko.
Mas okay na siguro na hindi ko sabihin ang totoo sa kanya kahit pa sa tingin ko ay hindi siya naniniwala.
"Bakit ka sumama sa kanya kung hindi ka rin naman pala magpapabayad?"
"Sinabi ko bang babayaran niya ako?"
"Anong point na sumama ka sa kanya?"
"Nawalan na ako ng malay. Paggising ko nasa isang kwarto na ako," umiwas ako sa mga tingin niya sa tuwing lumilingon siya sa akin.
"Maliwanag na kidnapping ang ginawa niya sayo,"
"Hindi ko siya kakasuhan,"
"Dahil?"
"Dahil hindi naman niya ako sinaktan,"
Sa totoo lang ay pinaligaya niya ako ng husto, hindi titigil hangga't hindi ko nararating ng maraming beses ang gusto kong marating.
"Paano ka nakakasigurado?"
"Alam ko dahil sarili ko ito. At kung gagalawin niya man ako, ano lang? Parte ito ng trabaho ko,"
"Bianca, pwede bang maging akin ka na lang?" Bigla niyang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
Sa uri ng trabaho ko ay hindi ko maaaring isagot ang OO dahil una sa lahat ay iniisip ko ang maiiwan kong trabaho.
Totoong gusto ko nang magbagong buhay at makahanap ng malinis at disenteng trabaho pero iniisip ko si Mamu na naniwala sa akin. Siya yung nagbigay ng oportunidad sa akin para dito kaya ako kumikita.
"Ayaw mo ba? Ayaw mo bang tumigil sa trabaho mo at kung kani kanino mo gustong magpatikim?"
Sa tanong niyang iyon ako nainsulto.
"Para mo na rin akong minaliit sa tanong mo pero gusto kong sabihin sayo na nagbabayad ka lang at wala kang karapatang husgahan ako sa kung kanino ko gustong ibigay ang sarili ko," nasagot ko na siya.
Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin ay ayaw mo bang sumama na lang sa akin at sa bahay mo na lang ako paligayahin? Kahit araw araw, babayaran kita, basta't sa akin ka na lang," aniya.
Napaka desperado niya.
"Paano si Mamu? Aber?"
"Hindi mo gustong iwan ang trabaho mo?"
"Wala akong balak, sa ngayon. Kaya sorry,"
"Kung ganon, palagian akong pupunta sa bar para maiuwi ka,"
"Sure. Kung ikaw ang makakapagbid ng mas mataas,"
Napalo niya ng bahagya ang manibela.
Nanahimik na lang ako.
Nang nasa main road na kami ng Sinugong Lupa ay nagsabi ako na gusto ko na munang umuwi.
"Charles, ihatid mo na lang ako sa Rosario, gusto ko na munang umuwi,"
"Kakain ka muna,"
"Sa bahay na lang,"
"Hindi,"
Saka huminto ang sasakyan sa isang kainan. Class ito at pang mayaman, hindi ako bagay sa ganito.
"Baba," utos niya.
Sumunod na lang ako para maging mabilis ang lahat.
Suot ko ang gusot gusot na palda at ang tube na pinulot ko lang sa sahig kaninang umaga.
Malamig ang kapaligiran dahil maaga pa.
"Magbibihis muna ako," wika ko.
Dahil wala siyang tiwala ay sumunod pa siya sa CR ng mga babae para bantayan ako.
Agad kong inilabas mula sa bag ko ang mga gamit ko na dinala ni Crisanto sa loob pagkatapos naming maligo kagabi.
Nasa loob ng bag ko ang damit na pinagbihisan ko bago ako tumuntong sa stage ng bar kagabi.
Mukha ba ulit akong disenteng babae sa suot kong maong at t-shirt na pula.
Habang nagbibihis ako ay iniisip ko kung paano niya natunton ang lugar ni Crisanto?
Pulis nga pala siya.
Ngayon ko lang tiningnan ang cellphone ko pagkatapos kong magbihis. Napakaraming texts ni Mamu sa akin.
Isa ang nakakuha ng atensyon ko.
Bruha. Umuwi ka na kung maaari. Nasundan kayo ng pulis matulis na customer mo.
11:34 P.M.
Teka? Kung nasundan niya kami, ibig sabihin ay kagabi pa siya nakabantay sa labas? Narinig niya ang lahat?
Pero iba na ang suot niyang damit ngayon. Umuwi siya para magpalit tapos bumalik ulit?
Nagsinungaling ako kanina. Alam niya rin ba?
Taas noo pa rin akong lumabas ng cubicle ng ladies' comfort room at nakita ko siyang nakaabang sa may pintuan.
Nakatingin lang siya sa akin pero ako ay diretso lang.
Sumunod na siya at saka kami naupo sa table na malapit sa glass wall ng kainan.
Umorder siya ng pagkain dahil wala naman akong kaalam alam sa mga ganito.
PAGKATAPOS kumain ay nagpahatid na ako sa kanto ng Rosario.
"Salamat," sabi ko bago magtanggal ng seat belt.
"Bianca," aniya bago ako magbukas ng pintuan ng kanyang kotse.
Napalingon ako dahil seryoso ang boses niya.
"Palalagpasin ko ang nangyari ngayon at kagabi. Pero sana ay hindi na mauulit," lumingon siya sa akin at saka hinawi ang buhok ko at inipit sa tenga ko.
Iyong ngiti niyang iyon ay may halong pagbabanta. At ang dating sa akin ng kanyang mga sinabi ay para bang sinasabi niyang:
"Alam kong nagsinungaling ka at ayaw mong sabihin ang totoo. Kaya sa susunod ay galingan mo ang pagsisinungaling mo dahil kung hindi ay hindi ko na ito mapalalagpas,"
Kumabog ang dibdib ko sa kaisipang iyon kaya nginitian ko na lang siya bago magpaalam.
"Sige, bye," tuluyan na akong bumaba ng kotse niya.
Nang makaalis na siya ay nakahinga na ako ng ng maluwag.
PAGDATING ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking higaan at nahiga.
Doon ko lang nadama ang lahat ng pagod ko sa magdamag. Tila kulang pa ang pahinga ko dahil kaunting oras lang ako nakatulog.
Nananakit ang aking balakang, ang aking mga hita, singit at tila ba buo kong katawan.
Pagod na pagod ako. Mabuti na lang, off ko ngayong gabi. Makakapagpahinga na ako hanggang bukas.
Kaya naman natulog ako ng kalahating araw. Pagkatapos ay gumising ako at kumain.
"Nay, gusto mong magshoping?" Tanong ko kay nanay dahil may malaki akong pera ngayon.
"Huwag na anak, panggastos na lang natin at pambayad sa mga iba't ibang bayarin sa school ng mga kapatid mo," pagtanggi ni nanay.
"Yung ibang mga bayarin ay huwag niyo nang intindihin. Ako ang bahala sa mga iyon. May sapat akong pera para maipagshopping ko kita. Sige na, magbihis ka na nay at pagkaligo ko aalis tayo,"
"Sinong magluluto ng hapunan? Baka umuwi ang tatay mo at magalit wala pa tayo,"
"Huwag mo nang isipin iyon nay. Mag-uuwi tayo ng hapunan. Sige na,"
AT NAGSHOPING na nga kami ng aking nanay. Binilhan ko sila ng mga damit at sapatos ng aking mga kapatid.
Umuwi kaming napakaraming supot na dala. Nag grocery din kami at namili ng mga ulam.
Sapat na siguro ito upang makaraos kami sa dalawang linggo.
KINABUKASAN ay nagpahinga lang ako maghapon dahil kinagabihan nito ay papasok ako. Weekend ngayon kaya for sure ay marami ang mga pupunta sa bar na aking pinapasukan.
Sa palagay ko naman ay handa na ako ulit kaya naman alas sais ng gabi ay umalis na ako sa bahay.
Katulad ng dati ay hindi ako nagpahatid sa mismong bar. Naglakad ako mula Jollibee at saka pumasok sa isang sikretong pintuan.
Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa dressing room namin.
Nandoon na ang ilan sa mga kasamahan ko at dahil weekend ngayon ay mas maagang magsisimula ang show.
"Nandito na ba si Sampaguita?" Tanong ng pamilyar na boses na pumasok mula sa isang pintuan.
"Nandito na ako mamu. Present," itinaas ko ang kanang kamay ko habang prenteng nakaupo lang sa aking upuan na sosyalan ang dating.
"Hoy bruha ka. Ang dami kong text sayo nung isang gabi. Hindi ka man lang nagreply. Oh ano, kumusta na?" Aniya sabay tingin sa akin mula sa aking likuran.
Nakikita ko ang hitsura niya mula sa salamin na ngayon ay nakapamewang sa akin.
"Kumusta naman ang plano mo nang gabing iyon mamu n ipkidnap ako sa Dakila na iyon?" Umirap pa ako sa kanya.
Naupo siya sa tabi ko at saka hininaan ang boses sa pagsasalita.
"Hoy, alam mo bang sinundan kayo ni Pulis? Natakot ako sa kanya kaya naman sinabi ko kaagad na umalis kayo kaya naman nasundan niya agad kayo bruha," halos sabunutan niya na ako.
Tama nga ang hinala ko. Pero hindi ko kasalanan iyon dahil parehas lang silang customer at parehas lang silang patay na patay sa akin.
"Hayaan mo na iyon mamu. Sa susunod inform mo naman ako sa plano mo para alam ko. Kaysa nbibigla na lang ako," sabi ko pa.
"Oo na,"
Bago siya umalis ay may sinabi pa siya.
"Oo nga pala. Hindi papasok si Rosas ngayon. May sakit. Masyadong pinagod at tinuyot ng Dakila na iyon kagabi. Wala ka kasi kaya siya ang naiuwi,"
Nagulat ako sa sinabi ni Mamu.
"Si Rosas? Pinitas ni Dakila?" Hindi ako makapaniwala.
Shems. Akala ko ba …
Wait. Bakit masama ang loob ko?
Pero sige, gaganti ako. Hindi ko siya pipiliin kung nandito ngayon ang Charles na iyon.
Humanda siya.
Pagtatapos ng Ika-Anim na Kabanata.