Kabanata XIV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. CRISANTO "PATULOY KA nang nahuhulog sa kasalanan na una mo nang ginawa at naging dahilan ng iyong pagkakahulog sa isinumpang lupa," Nasa isang lugar ako kung saan ay may madilim na kapaligiran. Puno ng mga mababangis na hayop ang kapaligiran na nagbabantang lumusob sa aming kinaroroonan. Nakatayo kami sa dulo ng daan kung saan ay kasama ko ang isang nilalang na laging nagpapakita sa akin sa aking mga panaginip. Sa palagay ko ay nananaginip na naman ako at wala na naman akong magagawa kundi sundan kung ano ang gusto nitong ipakita sa akin. "Crisanto, tumatakbo ang oras. Pinagbigyan kita noong una