Kabanata XVII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. BIANCA "NASAAN NA BA SIYA?" Labis labis ang kaba sa aking dibdib nang mga sandaling ito dahil panay pa rin ang tunog ng doorbell. Hindi pa siya umaalis. Alam niyang nandito ako. Pero paano at bakit niya nalamang nandito ako? Nanatili na lamang ako sa silid na ito at ni hindi na lumabas pa. Hindi ko rin matawagan si Crisanto dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag ko kanina. Kaya't ang ginawa ko na lamang ay nagmukmok sa gilid ng kwarto at doon naghintay kung ano ang mangyayari. Lumipas pa ang oras at wala na akong narinig pa na tunog ng doorbell. Alas kwatro na ng hapon sa orasan at matagal na