Kabanata III
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
BIANCA
SOBRANG nayanig ang buong pagkatao ko dahil sa kanyang pagiging eksperto sa bagay na sa tingin ko ay kinasanayan ko na.
Pinatunayan niya na kung sa tingin ko ay naranasan ko na lahat ng istilo at posisyon sa klase ng trabaho ko, ay nagkakamali pala ako.
Pinatunayan niyang mali ako sa pamamagitan ng pagiging halimaw sa pagpapaligaya sa akin. Sa tingin ko ay hindi ako ang nagpaligaya sa kanya dahil tila ba ako ang mas lumigaya.
Nakahandusay lamang ako sa karpet sa sala habang siya ay nakaupo sa leather na sofa. Nakasuot na ang kanyang pantalon samantalang ako ay nagkalat pa rin sa kung saan ang mga saplot kong halos sirain niya na kanina.
Gusto kong maidlip pero nasa ganitong kalagayan ako. Nanghihina. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong pinaraos. Nakapagdulot ang bagay na iyon ng labis labis na panghihina sa aking buong katawan.
Sa pakiwari ko ay tatlong beses siyang nakaraos. At sa loob ko pa.
Bahala na.
Nakapikit lamang ako at ikinakalma pa ang sarili ko dahil sa sobrang kapaguran.
"Bumangon ka na diyan at ihahatid na kita," kinalabit niya ako gamit ang kanyang hinlalaki.
Napamulat ang aking mga mata at napatingin sa kanyang direksyon. Pawisan pa rin siya at nangingintab pa rin ang kanyang katawan. Ngayon ko lamang napansin na mabalahibo pala siya at nakakadagdag iyon ng kanyang kasexyhan
"Anong oras na ba?" Pinilit kong bumangon.
"Mag-aalas tres na ng madaling araw," aniya.
Halos tatlong oras din niya akong trinabaho ng walang hinto. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako nito. Ngunit siya ay mukhang maayos lang.
Tumayo na ako saka ako iika ikang naglakad upang hanapin ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
"Huwag mo nang isuot ang mga iyan. Heto," iniabot niya ang isang malaking t-shirt na kulay itim na sa tingin ko ay pagmamay-ari niya.
Hindi naman ako komportable na walang bra at panty kaya naman iyon na lamang ang isinuot ko.
Nang maisuot ko ang kanyang ibinigay na damit ay abot iyon hanggang tuhod. Nagmukha man akong manang, ay ayos na rin kaysa sa suot kong halos warak warak na dahil sa pagkakapwersa niya kanina.
"Tara na," pag anyaya ko sa kanya.
"Ayusin mo muna ang sarili mo," utos niya.
Tiningnan ko naman ang mukha ko sa malaking salamin sa dingding at nakita kong para na akong bruha dahil kumalat na ang make up ko sa aking mukha.
"Nandoon ang banyo kung gusto mo munang maligo," itinuro niya kung saan ito.
Hindi na rin ako nag-inarte pa kaya naman pumunta na ako doon upang mag-shower at magbura ng pintura sa mukha.
Pinagmasdan ko ang aking kahubaran sa salamin. May mga bakas ng kanyang mga kamay sa aking dibdib, sa tagiliran at sa bandang pang upo. Namumula ang mga iyon dahil maputi ako. Sa tingin ko ay mananakit ang mga ito bukas na bukas din.
Saka ako nag-shower. Mabuti na lamang at may hot shower siya kaya naman mas makagagaan ito sa aking pakiramdam.
Hanggang sa bumukas ang pintuan.
Mula sa salaming humaharang sa may paliguan ay binura ko ang namumuong usok ng tubig na mainit upang makita kong sino ang pumasok.
Nakita kong nagtatanggal ng pantalon si Crisanto. Wala siyang isinuot na brief kaya naman nahantad kaagad sa akin ang kanyang dakilang armas na kanina lamang ay nagdala sa akin sa iba't ibang lugar ng kalangitan.
Hindi na ako nagulat nang pumasok siya sa paliguan at sumalo sa akin sa paglasap ng mainit na patak ng tubig mula sa shower.
Wala siyang kibo. Nakatayo lamang siya habang hinahayaang umagos sa kanyang katawan ang mainit na tubig.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang nakapikit siya at dinadama ang mainit na tubig sa kanyang katawan.
"Pagmamasdan mo na lamang ba ako?" Tanong niya sabay lingon sa akin.
Hindi na ako sumagot pa. Bagkus ay inilambitin ko na ang sarili ko sa matipuno niyang katawan at saka ko siya pinuspos ng halik sa labi habang nasa ilalim kami ng mainit na patak ng tubig sa paliguan.
Nalalasahan ko ang tubig at ang matamis niyang mga labi. Wala akong pakialam kung kanina lang ay hinang hina ako dahil sa walang tigil na agos ng kaligayahan mula sa aking kaibuturan.
Heto at nabubuhayan na naman ako ng pagnanasa at pagnanais na maangkin siya.
"Uuhh," nagpapakawala siya ng mga mahihinang ungol sa pagitan ng aming halikan.
Saglit siyang tumigil at tiningnan ako sa aking mga mata.
Nag-aapoy ang mga mata niya na puno pa rin ng pagnanasa. Hindi iyon natitinag kahit pa nasa ilalim kami ng mainit na patak ng tubig. Mas lalo pa nga yatang nakakadagdag iyon sa aming init na nadarama.
Ibinaba niya ako at pinasandal sa mainit na tiles ng paliguan.
Hindi pa rin napapatid ang koneksyon nga aming mga mata.
"Laruin mo ang sarili mo sa harapan ko," utos niya.
Hindi ko alam kung paano pero dahil sa sobrang nakakadala ang tingin niya sa akin ay ipinwesto ko ang kanan kong mga daliri sa aking kaselanan habang nakatingin lang sa kanya.
Yung tingin niyang parang manggagahasa ang nagiging dahilan kaya hindi ko maiwasang hindi tablan sa kung ano mang nais niyang ipagawa sa akin.
"Tumingin ka lang sa akin at hindi ka maaaring lumapit. Hanggang diyan ka lang," utos niya.
Inisip ko na lamang na kamay niya ang kamay ko, na daliri niya ang mga daliri ko at pinararaos ng mga ito ang aking sabik na sabik na p********e.
Kanina lamang ay punung puno iyon dahil sa kadakilaan niya.
Saka siya sumandal sa glass wall. Sinimulan niyang hawakan ang kahabaan ng kanyang p*********i gamit ang kanang kamay at ang kaliwa nama'y naglakbay sa kanyang dibdib habang walang patid ang aming pagtititigan.
Katulad ko ay hindi siya pumipikit. At dahil may distansya sa pagitan naming dalawa ay nakadama ako ng pangangailangan. Nais ko muling madama ang makakapal na pulgada ng kanyang pag-aari.
"Uhhhmm, ito ba ang gusto mo ha?" Wika niya sabay ungol habang pinaliligaya ang sarili sa pamamagitan ng eksperto niyang kamay.
"Uhm hmm, Cris, please," lalapit sana ako nang magsalita siyang muli.
"Hindi ba't sinabi kong diyan ka lang?" Ma-autoridad ang kanyang boses kaya naman isinandal ko na lamang muli ang likod ko sa dingding.
"Hindi mo ito mahahawakan kung hindi ka babalik bukas," patuloy siya sa pagpapaligaya sa sarili na sinasabayan din ng mga daliri ko.
Hindi ko lubos maisip na nakuha niya pa akong tuksuhin matapos niya akong tanggihan nang lumapit ako.
Literal na nagbabaga si Crisanto. Wala akong ibang maisip kundi ito lamang upang ilarawan siya. Mabigat ang talukap ng mata niya habang nakatingin lamang sa akin na para bang gusto niya akong kainin ng buhay.
Mas lalong nakadagdag ng kakaibang sensasyon ang dahan dahan niyang pagdila ng kanyang mga labi na para bang nalalasahan niya ako.
At nang kagatin niya ang mapula niyang pang-ibabang labi ay para bang nararamdaman ko iyon sa pagitan ng aking mga hita. Kanina ko lamang siya nakita na nagkagat labi ngunit mukhang kabisado ko na kung ano ang nararamdaman niya. Alam ko kung gaano siya kahalimaw at kabangis kapag ganon ang kanyang ginagawa.
Isa iyong tingin na naghuhumiyaw ng salitang PAGNANASA. Matindi, malalim,walang katapusan at nakakabaliw.
Habang nakatayo siya ay magkahiwalay ang kanyang mga binti, maritmong kumikislot ang matikas at hulmadong katawan habang matagal at mabagal niyang hinahagod ang kaakit akit niyang kadakilaan.
Wala pa akong ni isang nakita na katulad nito. Lalaking lalaki at hindi alintana kung hindi mag-ahit.
Sa katunayan, mas nakadagdag sa kanyang s*x appeal ang mabuhok niyang katawan na bumababa mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang kaselanan.
"Ang hot mo Cris," anas ko habang dinadama rin ang aking kamay sa pagitan ng aking mga hita.
"Ano kamo?"
Hindi ko na inulit pa. Bagkus ay nagkagat labi rin ako upang akitin pa siya.
Mabagal na hinahaplos ng isang kamay niya ang puson niya paakyat sa sikmura hanggang sa dibdib.
"Kaya mo bang makarating doon kahit na pinapanood mo lang ako?" Mapang-akit niyang tanong.
Shems. Kung alam niya lang. Sa ganda ng tanawing nakikita ko ay kahit pa hindi na ako umuwi pa at dito na lang ako tumira, basta't makita lang siyang ganito.
Naunawaan ko na. Hindi niya nais magparaos sa loob ko. May takot din siya kahit papaano.
Kaya naman nagtiis na lamang siyang magtanghal sa harapan ko at upang ito ay maging inspirasyon ko upang damhin ang sarili ko.
"Nasasarapan ako sa nakikita ko Cris," wika ko sabay kagat labi.
Napapikit siya na para bang dinama niya rin ang mga salitang nasabi ko.
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nangatal ako sa pangangailangan dahil sa tindi ng kanyang pagnanasa na makikita sa kanyang mga mata.
"Ipakita mo sa akin na nasasarapan ka. Bianca, ipakita mo," utos niya.
Sinakop ng kanyang palad ang malapad na ulo ng kanyang p*********i. Pinisil niya iyon, at namula ang kanyang mukha, tuloy itinikom ko ang mga hita ko.
Hinagod niya ng kanyang hinlalaki ang kanyang kaliwang u***g. Isang beses. Dalawang beses. Nagpakawala siya ng isang magaspang na tunog ng ligaya na naging dahilan para maglaway ako.
Bumibilis ang galaw ng kanyang mga kamay sa kanyang kahabaan.
Wala siyang kahihiyan sa harapan ko. Para bang matagal na niya itong ginagawa sa harapan ng kung sino sino kaya naman napagtanto ko na hindi na bago sa kanya ang ganitong tagpo.
Ngayon ay sapu sapo ng kanyang kaliwang kamay ang dalawang bolang halos maubusan ng laman kanina. Habang ang kanan niyang kamay ay patuloy lamang sa paghagod sa kanyang kadakilaan.
"Ayaw kong matapos na hindi ka kasabay," napakalalim ng kanyang boses na sinasabayan ng malakas niyang paghinga.
Napakainit niya. Gusto kong ganon din ang dating ko sa kanya.
"Tingnan mo ako sa mata Bianca," utos niya.
At ginawa ko nga. Gusto kong maramdaman niya ang parehong antas ng pananabik ko sa kanya. Gusto kong maikintal sa kanyang isipan ang katawan ko at ang pagnanasa ko sa kanya.
Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata ay hinawakan ko rin ang sarili ko. Hinagod at hinaplos ko rin ang aking dibdib. Naglakbay rin ang aking mga daliri sa aking katawan. Ginagawa ko ito habang pinapanood ko ang kilos niya, habang naaapektuhan ako sa ginagawa niya, habang lumalakas ang kanyang paghinga.
Kaya naman mas ginalingan ko ang pag arte sa harapan niya na para bang kahit may distansya ay nasa loob ko pa rin siya.
Sinimulan niya akong utusan sa mga bagay na gusto niyang makita.
"Hilahin mo ang puno ng iyong dibdib,"
"Uuhhhmmm," ungol ko.
"Ipasok mo ang daliri mo,"
"Hhhuuhhhmmmm,"
"Damhin mo. Hindi ba't masikip ka? Hindi ba't mainit ka?" Aniya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinasabi niya.
"Criissss," hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko.
"Uuhhhmmm," ungol niya.
Napapasinghap ako habang minamasahe ng aking mga daliri ang bagay na nasa pagitan ng aking mga hita. Sumasabay naman ang aking balakang sa galaw ng aking mga daliri.
"Sabayan mo ako," matigas ang kanyang pagkakasabi nito habang mabilis at brutal ang pagakahagod niya sa kanyang kahabaan.
Sa nakayayanig na pagkuyom ng kaibuturan ko ay napadaing akong muli habang nanginginig ang aking mga binti. Naihampas ko sa dingding ang aking isang kamay upang kumuha ng balanse.
Ninakaw ng pagkamit ko sa bagay na ninanais ko ang aking lakas na dahilan upang mawalan ako ng balanse. Ngunit hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig dahil nahigit ni Crisanto ang kamay ko at naitayo niya ako kaya naman napakapit na lamang ako sa kanyang matipunong mga balikat.
Naisandal ko ang ulo ko sa kanyang malapad na dibdib at mula doon ay narinig ko ang matitigas niyang daing dahil sa kanyang pagdating.
"Uuuhhhhhhhh. Biaaanncccaa ssstttttt aahhhh," napatingala siya.
Sumasabay ang kamay ko sa paggalaw ng kanan niyang balikat dahil sa ginagawa ng kanyang kanang kamay.
Hanggang sa maramdaman kong may mainit na likidong bumuhos sa aking sikmura.
Dahil nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib ay kitang kita kong sagana pa rin siya sa katas kahit pa maraming beses na siyang nakaraos.
Idinikit niya ang katawan niya sa akin dahilan upang maipit ako sa pagitan niya at ng dingding.
Niyakap ko lamang ang matipuno niyang katawan habang pinahuhupa ang aming nararamdaman.
NAGISING ako sa masarap na amoy ng niluluto ng kung sino.
Nang nagmulat ako ng aking mga mata ay nasa ibang lugar ako. Nasa isang kwarto na puro puti ang kulay at tanging kama lamang ang laman. Tiningnan ko ang aking kasuotan at tanging itim na t-shirt lamang iyon.
Naalala ko na kung nasaan ako. Hindi na niya ako nagawang ihatid pa dahil sa sobrang antok na dala ng kapaguran. Maging ako ay hindi ko na kayang umuwi pa sa ganong kalagayan.
Hinanap ko ang cellphone ko at saka ko tiningnan kung ano na ang oras.
Pasado alas otso na pala ng umaga. Napakarami kong texts pero hindi ko na mabuksan dahil sobrang lowbat na pala ako. Kaya naman nagshutdown na lang iyon kusa.
"Shems, nasa bahay ang charger ko,"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ramdam ko ang pananakit ng aking kalamnan. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Babangon na sana ako nang may kumatok sa pintuan. Sasagot na sana ako nang bumukas iyon.
"Gising ka na pala. Halika na at kakain na tayo," aniya.
Katulad ko ay wala rin siyang suot na pang ibaba bukod sa itim na brief at puting t-shirt. Gulu gulo ang buhok niya at mas nakadadagdag iyon sa kanyang kagwapuhan.
Teka? Ipinagluto niya ako?
"Pwedeng makihiram ng charger?" Tanong ko.
Lumabas siyang muli at pagbalik ay May dala na siyang charger. Mabuti naman at fit iyon.
Iniwan ko na lang na naka-charge iyo sa kwarto saka lumabas.
"Bakit ka pa nag-abala?" Tanong ko bago maupo sa isang upuang walang sandalan.
Ipinaghahain niya ako ng sinangag at naglagay ng longganisa sa aking pinggan na sinundan ng itlog.
Mayroon na ring natimplang kape at tila ba masarap ang pagkatimpla nito.
"Hindi naman kita maaaring hayaan na lamang na umalis na walang laman ang sikmura mo," aniya.
Hindi ako sanay sa ganitong customer. Pagkatapos kasi ng aksyon ay magbibihis at uuwi na ako. Pero ito ay iba.
Ibang iba sa lahat. Feeling prinsesa ako.
Pero hindi pa siya bayad. Nagdown lang siya ng 10K at kulang iyon sa naging performance ko buong magdamag.
Naupo siya sa tapat ko at sinabayan akong kumain.
"Mag-isa ka lang dito?" Tanong ko.
"May mga kasama ako ngunit hindi ko muna pinapasok dahil nandito ka pa," simpleng sagot niya.
"Wow ha," inilibot ko ang tingin ko dahil nalula ako sa laki ng bahay.
Focus lang siya sa pagkain habang ako ay nag-uusyoso.
"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko.
"Nasa Amerika," sagot niya.
"Aaawwww kaya naman pala," tumangu tango ako.
"Ang laki ng bahay mo pero mag-isa ka lang?"
"Sanay akong mag-isa," sagot niya.
Medyo masungit pala siya pag normal.
"Wait, bakit mo nga pala ako kilala?"
"Matagal na kitang nakikita,"
"Tapos nalaman mo ang pangalan ko?"
Hindi na siya sumagot pa.
Parang wala akong kausap. Mabilis lang siyang kumain at pagkatapos niya ay saka naman ako nag-focus sa aking pagkain.
Nakatingin lang siya. Nakakailang pero gutom ako kaya wala akong pakialam.
"Sinangag pa nga," iniabot ko sa kanya ang pinggan.
Tila naiinis pa siyang tumayo at nilagyan ang aking pinggan bago iyon inabot sa akin.
Umirap pa ako nang abutin ko iyon. Iniwan niya na lang akong mag-isa sa kusina saka naman pumasok ang dalawang kasambahay.
Hindi sila nakikipag-usap.
Paki ko!
PAGKAKAIN KO ay nagtungo na ako sa pinagtulugan ko at saka ko inayos ang aking mga gamit.
Nagulat na lang ako nang may nakapatong na damit sa gilid ng kama. Mukhang magara ang damit na iyon kaya naman isinuot ko na lang. Ilang babae na kaya ang naiuwi niya dito at ilan na rin ang nabigyan niya ng damit?
Well, hindi pa siya bayad, naalala ko na naman.
Maya maya ay may kumatok.
"Ma'am, naghihintay po si sir sa inyo sa labas. Aalis na raw po kayo,"
"Sige, susunod na ako," tinanggal ko na ang charger at iniwan iyon sa kama.
Paglabas ko at naghihintay na siya sa labas. Nakasakay siya sa kotse at ako na lang talaga ang kulang.
Sumakay na ako at saka siya nagsalita.
"Saan ang bahay mo?"
"Sa bar mo na lang ako ihatid,"
Ayaw kong malaman ng iba kung saan ako nakatira.
"Wala kang trabaho ngayong umaga hindi ba?"
"May trabaho ako mamayang gabi. Nagspecial request lang ako kay mamu na sumali kagabi," sagot ko.
"Kung gayon ay huwag ka nang pumasok ngayon dahil bayad na kita. Ihahatid na kita sa inyo,"
Nagulat pa ako sa sinabi niya.
"Ganon? Sige. Paano ko malalaman na bayad ka na?"
"Bisitahin mo na lang ang account mo,"
"Sige. Tara na, sa Rosario ako nakatira. At first time kong magpahatid sa bahay ha? Kaya special ka," nakangiti kong wika ngunit seryoso lang siya.
Hanggang sa tapat ng kanto lamang ako nagpahatid dahil ayaw kong makita niya ang estado ng buhay ko.
"Salamat sa paghahatid. Yung bayad mo, ichecheck ko pa lang mamaya," sabi ko pa.
"Huwag ka nang pumasok mamayang gabi. Bayad ko na ang buong linggo mo," mahina niyang wika.
"Paano kung gusto kong umextra?"
"Babawiin ko ang bayad ko sayo,"
"Husay naman. Binayad na, babawiin pa. Hanep,"
"Tandaan mo iyan,"
Nagbabanta ba siya sa akin? Tinatakot niya ba ako?
In fairness kinilabutan ako sa mga sinabi niya.
Bumaba na ako at saka naglakad papasok sa kanto. Umalis na rin siya at nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya sumunod sa akin.
PAGKAHATID niya sa akin ay agad akong natulog muli sa aking higaan. As usual, wala na naman ang mga tao sa bahay para maghanap buhay.
Paggising ko ay gabi na. At nagulat ako sa dami ng mensahe sa cellphone ko at tawag mula kay mamu.
Nagbasa muna ako at napabalikwas ako sa unang nabasa ko mula sa mga text messages na pumasok kani-kanina lamang.
"Bruha, nasaan ka na ba? Nandito si Pulis Matulis, galit na galit, bakit daw wala ka?"
"Hinahanap ka ni Pulis Matulis. Bakit hindi ka sumasagot sa tawag?
Ito ang mga mensahe mula kay Mamu.
Agad akong bumangon at naghanda para sa pagpasok sa bar kahit pa ako ay nanghihina.
Bahala na kung masagad ang aking energy. Babawi ako ng pahinga bukas. Kaso bayad pa rin pala ako. Wait, paano kung nandoon si Crisanto?
Ano ang gagawin ko nito?
Pagtatapos ng Ikatlong Kabanata.