Chapter Two

1613 Words
I was lying on my bed when I heard the ringing of my phone. Ugh! So fvcking annoying! Padabog akong bumangon at iniabot iyon sa bedside table. Unknown number? Who the heck is this again? I answered and waited his/her to talk first. Baka mamaya kung sino lang ito. (Good morning, Miss Smith.) Nanlaki ang mata ko nang mabosesan si Mr. Fajardo. He is my client. Pero bakit niya ako tinatawagan ng ganito kaaga? "Mr. Fajardo, good morning, too." I tried my best to compose myself. My voice sounds sexy when I just woke up, ayaw ko namang ganoon ang dating sa kliyente ko. (I'm sorry for the sudden call. Tapos na ba ang singsing? Pasensya na, something came up and we have to go to Korea tomorrow so I need the ring today.) Ayun! Mabuti nalang at pinagpuyatan kong tapusin iyon kagabi. Today is Thursday and on Sunday pa ang usapan naming dead line noon. Pero mabuti nalang at dala ng excitement na matapos ang gawa ko ay ginawa ko iyon kagabi. "The jewelry is ready now, Sir. Will you pick it up today?" (Yes, I'll pick it up before lunch. Thank you so much and I'm sorry for disturbing you early in the morning.) I chuckled. "It's fine, Sir." Ibinaba ko ang tawag at inis na napapikit. Inaantok pa ako pero kailangan ko pang pumasok sa Shop. Dire-diretso akong pumasok sa banyo at agad nagbasa ng katawan. Yes, I have no clothes nor lingerie. Hindi ako sanay na may damit kapag natutulog, it's hot. Pagkatapos maligo ay nagsuot ako ng kulay blue na bodysuit at high waisted jeans. Nagsuot din ako ng white cropped jacket na naka-bukas lang ang mga butones. I combed my slight wavy brunette hair and then that's it! Nagsuot ako ng loop earrings, gold chain necklace without pendant, a ring with a big diamond on it, and a hairpin full of crystals. Yeah, looking fab! Love it! Naglagay ako ng red lipstick at powder and then I'm done. I grabbed my Yves Saint Laurent bag, put all my important things there like my iPhone and wallet and then I'm ready. Sumakay ako sa aking gray Toyota Camry na kabibili ko lang last week, the day I arrived here. Oh, I forgot to tell that I'm wearing my white pumps given by my bestfriend, Tracy. I turned my music on, Closer by Chainsmoker is the song that's now playing. My kind of song! Napangisi ako at binilisan pang mag-drive patungo sa Jewelry shop ko. "Good morning, Miss Vida," Manong Guard greeted. Ngumiti ako at binati rin siya pabalik. Tila may humaplos sa puso ko nang bumungad sa akin ang cozy at talagang nakaka-relax na itsura ng aking shop. It was designed by me, hands-on ako sa bawat detalye ng shop ko lalo na't ito ang mistulang sasalamin sa pagkatao ko at kalidad ng aking ginagawang prdukto.  I'm a jewelry designer, I have my own brand which is named after me 'Vida' which means life in spanish. Mayroong visitor's area pag bungad mo, on the right side and on the left is the checkout counter. Maraming halaman sa paligid, modern wood at white ang theme ng buong shop. There's an LED TV on the visitor's are na mistulang living room talaga. May video na patuloy lang nagpe-play sa TV, iyon ang video ad ng aming shop at brand.  This branch is my second boutique actually, the main is in New York where I first put up my business. Sa paligid ay nakaayos ang mga glass cabinets kung saan naka-display ang mga available items- rings, necklaces, bracelets, anklet, earrings and different kinds of jewelry.  Nag-open ang branch na ito six months ago, nagtungo ako dito noon pero bumalik din sa New York and now, I'm here to manage this branch personally since my main shop is already stable.  "Coffee, Miss?"  Tumango ako sa assistant ko saka muling nilibot ang tingin sa kabuuan ng shop. May mga frames din sa wall, mga achievements, pictures ng mga staff and designers at syempre ng mga designs na talagang pinag-aagawan ng mga clients. I have twenty designers as a whole. Ten here and the other ten is in New York. Sila ang kasama kong nagde-design. All the items are limited, mabilis maubos pero may mga pagkakataon na gumagawa kami ng kaparehong design lalo na kung madami talaga ang demands. But not on my collections. Nanatili kasing orihinal ang mga iyon at talagang limitado lang. "Ma'am," iniabot niya sa akin ang mug na may lamang kape, sa kabilang kamay ay mayroon din siyang dala na sandwich.  "Thanks, pakilagay muna sa opisina iyang sandwich." "Okay, Ma'am." Mayroong glass rack dito na puro collections ko lang, mga disenyo ko. Each of it costs millions, karamihan ng naka-display ay mga bago lang dahil mabilis mabili ang mga ito. Kinuha ko ang bag na ibinaba ko sa couch kanina at nagtungo sa pintuan sa may gilid. Pumasok ako at mas lalong napangiti sa ganda ng kwarto. Maliit lang pero medyo maluwang tignan dahil ang tanging laman lang naman ay ang aking desk, swivel chair, client's chair at ang mahabang sofa sa gilid. Isang cabinet lang din ang naroon na wala naman masyadong laman. I took out my latest work which is an engagement ring. Gustong-gusto ko ang disenyo nito bagaman simple lang kumpara sa mga nauna ko ng ginawa. A crescent shape full of crystals on each sides, and the initials of his girlfriend or the future owner of this ring is engraved inside. I took a photo of it before putting it on a beautiful box that I ordered from Italy. "Ma'am?" pumasok ang assistant ko, "Nandito na po si Mr. Fajardo." Tumango ako at sinenyasang papasukin ang lalaki. Bumukas muli ang pinto at iniluwa non ang isang businessman wearing his usual suit. Tumayo ako upang magbigay galang sa aking kliyente. This is my first major project here in the Philippines, sana ay magustuhan nila. And if that happens, knowing that he is a business man, tiyak na kakalat na ako ang nagdisenyo ng singsing para sa kanyang sinisinta- eww, what a word. "Good morning," I motioned him to sit. Nang makaupo siya ay umupo na rin ako, iniabot ko ang box at in-explain ang ilang detalye non sa kanya. I showed him the informative paper that I did while designing the ring. "It's pretty. Napaka-talentado mo talaga, Miss Smith," namamangha niyang sambit. "I hope she'll accept this though." Humalakhak ako. "Sayang ang milyones mo kung hindi niya tatanggapin." He smirked. "I'll make her accept this one way or another." "By the way," kinuha ko sa drawer ang laminated picture noong singsing at iniabot ko iyon sa kanya, "Here's a token for your order, I hope you like it- no, I hope she likes it." He grinned. "I trust your taste when it comes to designing, Miss Smith so I know she'll love this. Huwag kang mag-aalala dahil makakarating sayo ang komento niya tungkol sa gawa mo." "Thank you!" Pinagpirma ko siya ng receipt as well as agreement for the ring. Yes, may agreement lahat ng items dahil hindi naman basta-bastang mumurahin iyon, the ring costs 2.5 million. "You should get married, too. Ang swerte ng lalaking magiging asawa mo kung sakali." Napangisi ako. I don't think so. "May irereto ka ba?" pagbibiro ko na sinakyan niya naman. "Marami akong kaibigan na binata pa, tell me your ideals and I'll help you." Tumawa ako nang malakas at hindi na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon. I don't think I'll like any of his friends too, though. At kung mangyari mang magkagusto ako, tiyak na ako rin ang magiging kawawa sa dulo so, No thanks. Wala naman masyadong ginawa sa buong maghapon bukod sa nag-monitor ng sales sa site. "Tawagan mo ako kapag may importanteng bagay rito ha?" bilin ko sa aking assistant habang nag-aayos ng gamit. I will take a leave for two weeks. Ever since I came here, wala pa akong pahinga na medyo matagal-tagal that's why I need to take a rest first before doing another project. "Sige po, Ma'am. Nasabi niyo na po ba sa mga designers na hindi kayo papasok ng dalawang linggo?" "I'll talk to them," sambit ko at iniwan siya roon. Pumasok ako sa isa pang pintuan, the inside is larger than my office. Dito nag-di-disenyo ang mga designers ko. Medyo magulo dahil kalat-kalat ang mga gamit maging ang mga papel na scratch. "Good afternoon, loves," bati ko sa kanila. Lyka walked towards me, "Girl, uwi ka na?" Umupo ako at ganoon din siya, lumapit din ang iba.  "Magre-release ba tayong new design noong anklet na design ni Cheska?" tanong ni Monique. Tumango ako, "Yup. Pero limit the items ha. Siguro mga fifty pieces lang." "Anyway girls, I'll be out for the next two weeks. But you can call me whenever I'm needed." "Taray! Magba-bakasyon ka? Baka naman pagbalik mo may jowa ka na ha, pero okay din iyon para naman mabawasan ng single dito sa ating team." Nagtawanan kami sa sinabi ni Adelle. Ten designers, five site monitors, one accountant, one sales manager. Sa aming eighteen ay lima lang ang may partner. "Sus! If I know cool off kayo ng boyfriend mo ngayon," pang-aalaska ni Aya kay Adelle. She smirked. "Bati na kami noh!" My team, my girls, are also my friends. Walang boss, walang employee, lahat kami pantay-pantay. Pero nandoon pa rin ang respeto namin syempre. Ganoon kasi ang paraan ko para mas maging open kami sa isa't isa, when it comes to design, strategies and so on. Aya turned to me, "Pasalubong ha." "What?" natatawa kong tanong, "Sa bahay lang ako." "Kahit fafa lang." "Ako rin." "Ako na din." Pare-pareho kaming natawa sa aming sarili. Nakakatawa na ilang beses na kaming nakasaksi ng mga lovers dito, ginagawan pa namin ng mga wedding rings pero karamihan sa amin ay single. Buti nalang din at kalog ang mga ito kaya kahit na isang linggo palang ako rito ay madali ko silang nakasundo. "Oh sige na, I'll go na. Kain tayo sa saturday, sa bahay." "Yes! Okay sige, sige. Bawal magdala ng mga syota ha!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD