Chapter 13 Trip/SPG

2505 Words

JANELLA: PAGKATAPOS ng graduation namin ni Kieanne ay tumuloy na kami sa kanilang private airport. Mukhang mas excited pa ito sa bakasyon namin kaysa sa akin at 'di na makapaghintay ng bukas! Nahihiya tuloy ako sa mga magulang nito lalo't nanunudyo si Daddy na nagpaalam sa amin. Tatawa-tawa lang naman si Kieanne dahil sa panunukso ng amang baka naman daw p'wedeng pagbalik namin ay may maganda na kaming balita sa kanila. At 'yon ay apo kaya 'di ko mapigilang pamulaan sa harapan nila. Napakalambing nito at halos hindi na nga bitawan ang kamay kong hawak-hawak nitong akala mo naman ay mawawala ako. Lihim akong kinikilig sa inaasta nito. Kahit lantarang nagpapa-cute ang mga staff nilang sumalubong sa amin dito sa airport nila ay wala manlang itong kangiti-ngiti sa lahat. Pero pag sa'kin bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD