Chapter 19 Apologize

3032 Words

JANELLA: NANGHIHINA akong napaupo sa gilid ng kama. Tumulo ang masaganang luha ko sa kalagayan namin ngayon. Paano niya ba ako nakuha? Dapat talaga hindi na ako nagpakampante. Akala ko namalik-mata lang ako noong nakaraan. Kung gano'n ay siya nga 'yung nakita ko noon na nakamasid sa amin sa park. Napahagulhol akong niyakap ang sarili. Saan niya ako dinala? Nasaan ang mga anak ko? Natigilan ako ng makarinig ng iritan nila Kaeya, Kaeden at Kieanne sa labas! Napapahid ako ng mukha at tarantang muling lumabas ng silid. Laking pasalamat kong hindi nito kinandado ang pinto. Pagkalabas ko ay natigilan ako ng bumungad ang napakalawak at gandang tanawin! Dahan-dahan kong inihahakbang ang mga paa ko palabas ng bahay at namamanghang inililibot ang paningin sa paligid. Nasa tuktok kami ng burol at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD