Milka's POV: " An—anong gagawin niyo sa-saakin? Pak-pakawalan niyo ako. Tulooong ! Tulungan niyo ko. Tulong !” Halos lumawa na ang lalamunan ko sa kakasigaw mula pa kanina ng magising muli ako na ganito na ang sitwasyon ko. Nakataling mga kamay at paa, habang nakahiga sa isang parang mesa na mahaba at pinapaligiran ng mga naaglalakihang mga kandila na may mga nakasinding apoy at tanging puting tela na lamang ang saplot na nakapulupot lamang sa katawan ko ngayon. Anong nangyari ? Anong gagawin nila sakin ? Anong balak nila. Zach. Dumating kana. Sa mga sandaling ito, ramdam ko na ang hapdi na dulot ng mga sugat ko kanina.Ouchhh ..Napapikit ako. Lord, bigyan nyo naman po ako ng senyales na may pag asa pa akong makaligtas sa impyernong lugar na tuh. Ayoko na po dito. Nakakatakot. Kasabay