Kabanata XXXIV PART 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA PUMASOK NA RIN ako sa klase ko pagkaalis niya. Naiwan akong mayroong takot sa aking dibdib at isipan nang dahil sa mga sinabi niya sa akin. Kaya't kahit nagkaklase ay para akong lutang na lutang. Iniisip ko pa rin ang mga bagay na sinabi niya. Talagang sinadya niya pa akong puntahan dito sa school at kung hindi iyon big deal sa kaniya ay hindi na sana siya nag-abala pa. Hanggang sa matapos ang klase ko ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi niyang hindi ako makakaiwas sa kaniya. Ibig sabihin